7 Days Diet Plan: Pinaka-Mabilis Na Paraan Para Magbawas Ng 15 lbs.

Posted by Glenn Mark Maglasang on

Maraming tao ang naghahanap ng mga simple at madaling paraan para magbawas ng timbang. Kaso hindi ganun kadali ang magsunog ng ekstrang taba sa katawan.

Good news is, ang natural na paraan para magbawas ng timbang ay posible ng hindi mako-kompriso ang kalusugan. Maraming mga diet guidelines na pwede mo gawin at sundan, pero ito ang sa tingin ko ang babagay sa'yo.

Ito ang ilang mga tips na magsisilbing guide mo na susundan para unti-unting maibalik ang alindog mo sa katawan.

Wag mag-skip ng breakfast. Breakfast is the most important meal of the day. At ang pag-skip nito ay walang magandang dulot sa kalusugan mo.

Iwasan mo rin kumain ng processed  at sugary foods sa umaga.

Dapat ang huling kain mo sa gabi ay nasa alas otso o bago mag alas otso ng gabi kung gusto mo magbawas ng timbang. Isa ito sa main factor sa pagbabawas ng timbang kaya make sure na masusundan mo'to.

Introducing the 1-Week Diet Plan

Day #1 Fruit Day

Ibig sabihin, puro prutas lang ang kakainin mo sa loob ng 24 oras. Pwede ka kumain ng apple, oranges at kahit ano pang prutas maliban lang sa saging. Pinakamainam ang pinya saka papaya.

Day #2 Veggie Day

Ang pangalawang araw ay nakareserba para lamang sa gulay at tanging gulay lang ang maari mong kainin. Pwede ka kumain ng nilagang patatas sa umaga para may kunting carbs at beans o broccoli naman sa tanghali. Pwede  ka rin kumain ng vegetable soup o kaya stew.

Day #3 Fruit & Veggie Day

Para sa ikatlong araw, pwede kang kumain ng kahit na anong prutas at gulay. Maliban lang sa patatas at saging.

Day #4 Banana Day

Sa pang-apat na araw, pwede ka na kumain ng saging at uminom ng gatas. Mainam na kumain ka ng 10 saging at 3 basong gatas sa buong araw.

Day #5 Feast Day

Ang ikalimang araw ay nakareserba sa iba't ibang uri ng pagkain. Kasama na dun ang pagkain ng manok, fish fillet, tomato at maraming tubig syempre.

Day #6 Meat Day

Sa ikaanim na araw, maari ka kumain ng red meat at ga-bongga o maraming gulay.

Day #7 Final Day

Sa huling araw ng ating diet plan, pwede ka na kumain ng brown rice at isang bowl ng steamed vegetables.

Pwede ka rin kumain ng patatas at ilang vegetable juice o kaya naman iilang prutas pati saging.

Sa loob ng mga araw na'to, dapat magkaroon ka ng commitment at disiplina para makuha mo ang resultang gusto mo.

Credits: consider-health.com


Share this post



← Older Post Newer Post →


Leave a comment