Mga Benepisyo Ng Malunggay Ating Alamin

Posted by Glenn Maglasang on

Sa blog na'to, kung hindi mo pa alam ang mga benepisyo ng malunggay na kilala sa Scientific name na Moringa Oleifera, magbabago ang pagtingin mo sa simple at taken for granted na gulay na ito.

Alam mo ba na ang Malunggay o Moringa ay tinaguriang Superfood? Ito ay dahil ang malunggay ay may mga natural na sangkap na may benepisyo sa katawan natin at mas marami kumpara sa sustansiyang dulot ng ibang prutas at gulay.

Kaya sa Western Countries, ang malunggay ay binibenta bilang isang dietary supplements mapa-powder man o capsule form dahil sa taglay nito na maraming health benefits..

Ang malunggay ay walang tapon. Mula sa ugat, sa buto, sa dahon at mga bunga nito, lahat ay may pakinabang dahil sa dami ng bitamina at sustansiya na taglay nito.

Una, ang buto nito ay may langis na behen oil na may taglay naman na palmitic, myristic, oleic at behenic acids.

Ang ugat naman ay may alkaloids na moringin at moringinine. Habang ang bunga ay may taglay na protina, phosphorus, calcium at iron. Pero kahit mababa ang  vitamins at minerals ng bunga kumpara sa dahon, napakayaman naman nito sa Vitamin C.

Dahil kahit ang isang tasa ng fresh-sliced moringa pods na 100 grams ay may 157% vitamin c na higit pa sa kailangan ng katawan mo.

Ang dahon ng malunggay ay mayaman sa calcium, iron, phosphorus, at vitamins A, B at C. Ang mga bitaminang ito ay mga kilalang anti-oxidants na mabisang panlaban sa stress, nakakapagpalakas ng immune system at nakakapagpabata.

Halimbawa, ang isang tasa ng pinong dahon ng malunggay (21grams) ay naglalaman ng;
2 grams na protina
19% na Recommended Dietary Allowance  (RDA) ng Vitamin B6
12% na RDA ng Vitamin C
11% na RDA ng Iron
11% rin na RDA ng Riboflavin(B2)
9% na RDA ng Vitamin A na mula sa Beta carotene at 
8% na RDA ng Magnesium

Dahil ang malunggay ay may calcium rin na nagpapatigas ng ating buto, nagiging mabisang panlaban rin ito kontra  sa osteoporosis.

Kung ikaw naman ay anemic o kulang sa dugo, makakatulong sayo ang malunggay dahil sagana ito sa iron. Maari rin makatulong sa kondisyon ng hika ang pag inom ng gatas na hinaluan ng katas ng malunggay.

Ang malunggay ay mainam rin na panlaban sa rayuma at iba pang pananakit ng kalamnan. Nakakatulong din ito para sa mga taong hirap dumumi.

At maliban sa pagkain ng bulalo, ang malunggay ay nakapagpapababa rin ng cholesterol na siya namang pangunahing rason sa pagkakaroon ng atake sa puso.

Maari rin gamitin ang pinaglagaan ng ugat ng malunggay bilang panghugas ng sugat para madali itong maghilom.

Napag alaman rin na ang pagkain ng bunga ng malunggay ay nakakapagpataas ng semen count kaya makakatulong ito sa mga lalaking hindi magkaanak. At higit sa lahat, mainam rin ang malunggay para sa mga inang nagbe-breastfeed.

Ngayong alam mo na ang mga benepisyong hatid ng malunggay, maari at ugaliing kumain ng isang tasa ng pinong dahon nito araw-araw o kaya gawing tea.

Pwede ka rin bumili ng mga natural food supplements ng malunggay extracts tulad ng Zynergia Moringo capsule. Ilan sa mga benefits nito ay ang mga sumusunod;

√  Kaya nitong pigilan ang pagkakaroon ng 300 uri ng sakit
√  Mabisang remedyo sa stomach disorders, allergies at edema
√  Mabisang Antioxidant
√  Mayaman sa antibacterial at antifungal properties
√  Nakakatulong sa proteksyon ng atay at mata
√  Nakakapagpapanormal ng blood sugar
√  Pinapalakas ang cadriovascular at bone health
√  Nakapagpapakinis ng balat dahil sa taglay nitong collagen
√  Mabilis makapagpapahilom ng sugat
√  Pinipigilan ang sakit na cancer, neurodegenerative diseases, bronchial asthma, sickle cell diseases, nephrotoxity, high cholesterol, high blood pressure,anemia at obesity o labis na pagtaba.


Share this post



← Older Post Newer Post →


14 comments

  • mainam sa katawan….

    manuel s. loyola on
  • nag air dry ako nang malunggay leaves..naglagay ako ng dahon ng malungay sa fishnet bag at sinabit sa kusina…after 1.5 weeks..inilipat ko sa container…ng dikit dikit ang mga dahon ,yung labas ay tuyong dahon pero sa gitna nging parang paste…pwede po ba gawing tea kahit paste na ang malunggay leaves?masama po ba ang malunggay leaves na naging paste?

    Norm on
  • Ok lng po bang uminom ng tea nito paggising sa umaga at bago matulog sa gabi kahit wala kang sakit? At pwede po ba ito ihalo sa powder milk?

    Janice on
  • Okay lng bang umaga at hpon ang pag inom ng malunggay powder homemade at ilang kutsara ng powder ilalagay sa 1cup?
    Thank you

    Janice on
  • ilang minuto o oras dapat ilaga ang dahon ng malunggay?

    arman tan sim on

Leave a comment