Panganay, pinakamatalino sa magkakapatid. Totoo?

Posted by Glenn Mark Maglasang on

Wala na, finish na!

Kung ikaw ang panganay sa inyong magkakapatid, ito yung bagay na pwede mong maipagmayabang simula ngayon. Base kasi sa isang pag-aaral, ang pinakamatanda sa magkakapatid ay ang pinakamatalino.

Ang nasabing pag-aaral ay ginawa ng mga scientist sa University of Edinburgh kung saan napag-alaman nila na ang mga first-born o panganay ay may mas mataas na IQ at thinking skills kesa sa mga nakababatang kapatid.

Isa sa mga rason at nagpatotoo sa pag-aaral na'to ay dahil ang mga panganay ay mas natututukan ng maigi at may buong atensyon ng pamilya. Lalo na dahil ang mga bagong magulang ay pinakamasigasig sa pag-aalaga ng anak lalo na't una. Mas nabibigyan rin nila ng higit na emotional support ang bata kapag panganay ito.

Sinasabi rin sa pag-aaral na ang pagkakaroon ng maraming anak ay nagreresulta sa pagbabago sa ugali ng magulang. Di na nila masyadong natututukan ang mga nakababatang kapatid at iyong iba ay wala na halos oras para turuan pa kagaya ng pag-aaral o pagkakaroon ng hilig sa musika ng mga ito.

Panoorin ang video sa ibaba.


Ito ay sa kadahilanan na habang lumalaki ang pamilya, lumalaki at dumadami rin ang responsibilidad ng magulang kaya naman mas nagiging busy sila kumpara sa dati at hindi na masyadong natututukan lalo na ang emotional na pangangailangan ng mga anak.

Pero kung panganay ka, wag ka muna magsaya. Dahil ikaw ang mas matalino, mas aasahan ka ng mga magulang at mga kapatid mo na magkaroon o mas malayo ang mararating sa buhay. Para fair.

At kung nasa gitna ka o bunso, sorry bro. Si kuya o si ate ang masusunod.

Ikaw, pang-ilan ka sa inyong magkakapatid?

Kung hindi ka panganay at gusto mo patunayan na mas matalino ka, e-translate mo yan sa english.

Or else...(alam mo na)

Salamat nga pala sa pagbabasa. Kung proud kuya o ate at panganay ka, share mo na.

Kung bunso ka tapos marami kayong magkakapatid tulad ko, let's just prove it to them. Ayt!

Agree o disagree? Comment ka sa ibaba.


Share this post



← Older Post Newer Post →


Leave a comment