10 Babala at Senyales ng Pagkakaroon ng Hormonal Imbalance

Posted by Glenn Mark Maglasang on

Dati napag-usapan natin kung paano maiiwasan ang hormonal imbalance. Lalo na't ang hormonal imbalance ay ang pinaka-main reason kung bakit nagkakaroon ng cancer ang isang babae.

✍🏻 Related Article: 🙅🏽 9 Health Tips Para Maiwasan Ang Hormonal Imbalance 🙅🏽

Kaya para maiwasan, alamin natin ang mga senyales nito para habang maaga ay magawan na ng kaukulang aksyon kapag sa tingin mo ay nararamdaman mo na.

1. Madalas na pagsakit ng ulo.

Ang palaging pagsakit ng ulo ay maaring indikasyon ng mababang estrogen levels.

Ang estrogen ay ang hormone na nagko-kontrol sa lahat ng metabolic processes sa utak at sa spinal cord. Kaya kung meron kang imbalance, ito ang maaring rason ng pagkakaroon mo ng migraine o kaya ang madalas na pagiging bad mood.

2. Pagbabago sa dibdib ng babae.

Ang biglaang pagbaba ng estrogen levels ay nakakaapekto sa elasticity ng balat. Kaya ang dibdib ay maaring magkaroon ng pagbabago sa hugis at laki.

Ang mga pagbabago sa dibdib ng babae ay maari rin lumitaw dahil sa tinatawag na hormonal changes bago mag menopause.

3. Pagiging makakalimutin.

Ang pagiging makakalimutin ay maaring isang senyales ng hormonal imbalance dahil sa pagkakaroon ng mababang estrogen at cortisol levels.

Ang low cortisol levels ay nakakaapekto sa ating short-term memory habang ang mababang estrogen naman ay nagreresulta sa kawalan ng focus at malabong pag iisip o pagiging bagabag.

4. Biglaang pagbabago ng timbang.

Kung tumaba ka o pumayat ng walang rason, kailangan mo ng epa-check ang hormone levels mo.

Ang thyroid hormones ay nakakaapekto sa metabolism habang ang testosterone, estrogen at cortisol ay nakakaapekto sa pagkakaroon ng bilbil.

5. Hirap sa pagtulog o madalas na insomnia.

Ito ay maaring konektado sa pagkakaroon ng mababang level ng progesteron.

Ang progesteron ay isang natural relaxant. Kaya kung nakakaranas ka ng insomnia, ito siguro ay dahil sa pagkakaroon ng low progesteron level.

6. Biglaang pagkakaroon ng Acne.

Ang biglaang pagkakaroon ng acne ay madalas na resulta rin ng biglaang pagbabago ng hormones sa iyong katawan.

Dahil ang mababang level ng hormone na androgen ay nagreresulta sa acne.

7. Sobrang pagpapawis.

Ang sobrang pagpapawis o kaya lagnat ay ang pinaka-common na senyales ng pagkakaroon ng hormonal imbalance.

Ang ganitong mga simptomas ay madalas pagkatapos mag-menopause dahil ang hormone levels ng babae ay unstable.

8. Laging nakakaramdam ng sobrang pagod.

Kapag pakiramdam mo palagi kang pagod o pagkakaroon mo ng chronic fatigue, ito ay dahil may problema sa production ng thyroid hormones.

9. Problema sa panunaw.

Kapag nagkakaroon ka ng digestion issues o problema sa panunaw, ito ay maaring dahil sa pagkakaroon mo naman ng mataas na level ng estrogen sa katawan.

Dahil ang hormone na ito ay nakakaimpluwensiya sa mga tinatawag na "microflora" sa iyong bituka o mga bacteria.

10. Hair Loss.

Ang sobrang pagkalagas ng buhok ay maaring dahil sa thyroid hormones, insulin o kaya testosterone.

Keep this hormones in check always.

Ngayon, girls! Assess yourself.

Mga ilan kaya sa nabanggit ko dito ang nararanasan mo ngayon?

Don't forget to share this article para kay beshie!


← Older Post Newer Post →


38 comments

  • May 10 po dapat may period nako pero wala po dumating tapos kahapon po May 12nakakaramdam po ako ng pananakit sa tyan at puson tapos po mga 6:30pm may spot ng dugo .. kaninang umaga po paggising ko wala po dugo yung napkin ko mga ilang oras po may spot po ulit ..tuwing umiihi at pumopupu lang po may dugo .. ano po ba problema

    3,4,5,7,8,9,10 on
  • 3months
    Na po wala akong mens tapos bigla pumayat aq marami or kunti
    kainin ko bigla
    KO nalang iluluwal eh hnd nman ako buntis Ngaun ko lng naranasan january 2021,hanggang,march walang dumating
    Na period kO nag alala ako anu kaya gamot nito saka dalaga pa ako
    Firstime nagkaroon ng ganitong sitwasyon

    Roseanndaluzon on
  • 1,2,3,4,5,6,8,9,10 ang mga nararanasan ko😞never pako naka pa check up malaki na din bukol ko
    at nahihirapan nga poko maglaba ng damit ko kahit washing kasi nahihirapan ako magtabo ng tubig na ilalagay sa washing at lalo kapag nagbabanlaw😞hirap din ako magbitbit ng may kabigatan madalas sumakit ang left side ng suso ko😭sa triangles na ruler from 0-5 cm na sya at malaki

    cloudeth broñola on
  • Halus lahat nyan nsaken na eh ungmha sign nya actually cinabi din poh di doc saken na my hormonal imbalance ako so tanung kulang poh db yang hormonal mbalance nayan ay problema sa iregular piriod? Si it mean imbis na every month ung piriod mo ngayun wala ng tigil un kc poh ako nagdurugu ako ng ilang years wala na ung tigil minzan 3 year minzan 4 years tumitgil lang ng minzan 2 to 3 days lang din bumabalik nmn. So anu twag dito? At anu magandang gamot dito.? Please need ko poh ng answer and im single poh so means dalaga ako kaya ntatakot nako eh…

    Sittie shielma bulingking samayatin. on
  • No.1,3,7,8,9,10..yan ang aking nararanasan..pero sinabi na ng doctor na hormonal imbalance ang problem sa katawan ko… Ano ba ang mga tamang pagkain of tamang gamot neto? Salamat po sa sagot..

    Evelyn on

Leave a comment

Please note, comments must be approved before they are published.