10 Daily Habits Na Nakakasira Sa Kidneys

Kung may isang bagay o sakit na kinakatakutan ko maliban sa cancer,  ito ay ang pagkakaroon ng Chronic Kidney Disease(CKD) or Kidney Failure. Para sakin, ang CKD ay mas malala at nakakatakot pa kaysa cancer. Dahil kapag nagkaroon ka nito, nakasalalay na lang sa pera ang buhay mo.

Hindi kita tinatakot. I want you to be aware.

Kapag sinabi nating kidney failure, ibig sabihin hindi na nasasala ng mabuti ng kidneys natin ang ating mga kinakain. Ang nangyayari, tumataas ang creatinine o yung iba't ibang mga lason mula sa mga kinakain natin papunta sa ating dugo na maari natin ikamatay. 

Ang dalawang solusyon na maaring gawin ay kidney transplant at dialysis. Ang kidney transplant ay umaabot ng 1.2 Million Pesos ang bayad sa buong proseso. Hindi pa kasama dun ang bayad sa donor ng kidney. Isang napakamahal na proseso pero wala pa rin kasegurohan na 100% mag-match ang kidney ni donor at ng pasyente.

Ang dialysis naman ay ang proseso sa paglilinis ng dugo ng pasyente para matanggal ang lason. Kadalasan ginagawa ito dalawang beses isang linggo at maaring umabot sa 40K pesos per month ang gastos. At habang buhay na yun gagawin ng pasyente.

Imagine, P40,000 per month sa dialysis para lang madugtungan ang buhay? Paano pag wala kang P40,000?

Don't worry, nare-restore ang kidney at mapapalakas uli tulad ng dati ng hindi na kailangang gumastos pa ng P40,000 per month habambuhay.

Napaka-importante ng kidney sa katawan natin. Ito ang sumasala sa ating dugo, nagpo-produce ng hormones, nag a-absorb ng minerals, nagpo-produce ng ihi, pinapatay ang toxins  at nag nyo-neutralize ng acid sa ating katawan. 

Kapag nagkaproblema o nanghihina ang kidneys ay hindi agad ito napapansin at walang sintomas  dahil ang kidney ay nagfa-function parin kahit 20% na lang ang kakayahan nito. Kaya ang kidney disease ay tinatawag na "the silent disease". At habang maaga pa, dapat alam mo na kung paano ito mapapangalagaan.

Ito ang 10 sa mga bagay na hindi mo dapat ginagawa para mapanatili ang kalusugan ng iyong mga kidney.

1. Hindi sapat ang iniinom na tubig araw-araw.

Ang trabaho ng kidney ay salain ang dugo sa ating katawan at linisin mula sa mga toxins at waste materials. Kapag hindi ka uminom ng sapat na dami ng tubig o walong basong tubig araw-araw, maiipon at dadami ang toxins o lason sa iyong katawan. Panoorin ang video sa ibaba tungkol sa kahalagahan ng pag inum ng walong basong tubig araw-araw.


2. Pagkain ng sobrang maaalat.

Kailangan ng katawan natin ang sodium o asin. Kaso nga lang yung iba sa'tin sobra sobra naman kung kumain ng mga pagkaing may asin o maaalat kaya tuloy tumataas ang blood pressure at nagpapahirap sa ating kidneys. Ang tamang dami ng asin sa mga kinakain natin sa kabuuan ay hindi dapat lalagpas ng 5 grams araw-araw.

3. Madalas magpigil ng ihi.

Guilty ako dito! At alam ko marami satin ay ginagawa rin 'to dahil busy at may maraming ginagawa. O kaya yung iba ayaw gumamit ng public restroom. Ang problema kapag lagi natin itong gagawin, patataasin nito ang urine pressure na maaring humantong sa kidney failure o kaya pagkakaroon ng kidney stone. Kaya pakiramdaman mo ng mabuti ang pangangailangan ng iyong katawan.

4. Bawas bawasan ang pagiging sweet.

Sa isang scientific study, napag-alaman na ang mga taong mahilig uminom ng softdrinks, sodas o anumang inumin na may sugar content ay maaring magkaroon ng protein sa kanilang ihi. Ang protein sa ihi ay isang senyales na ang kidney mo ay hindi nagfa-function ng tama o kinakailangan.

5. Kakulangan sa vitamins at minerals.

Ang tamang pagkain ng mga prutas at gulay na sagana sa vitamins at minerals ay mahalaga sa pangkalahatang kasulugan ng ating katawan. Ang kakulangan nito ay maaring magdulot ng kidney stone o mas malala, kidney failure. Halimbawa, ang Vitamin B6 at  Magnesium ay tumutulong para maiwasan ang pagkakaroon ng kidney stone.

6. Sobra sobrang protein galing sa karne.

Ang sobra-sobrang pagkain ng red meat ay nagdadagdag sa pagtaas sa metabollic load ng iyong kidneys. At ang sobra-sobrang protein mula rito ay maaring magpu-pwersa sa kidney mo para doblehin ang trabaho na maaring maging dahilan ng kidney damage o dysfunction pagdating ng panahon.

7. Kulang sa tulog.

Alam naman natin kung gaano kahalaga ang pagkakaroon ng sapat na tulog. At ang pagpupuyat ay maaring maging dahilan ng pagkakaroon ng iba't ibang sakit at kasama na 'dun ang kidney diseases. Dahil sa gabi, niri-repair ng katawan natin ang damaged kidney tissue kaya bigyan mo dapat ng tamang pahinga ang katawan mo. May tamang oras ang #Hustle. Time management lang yan lalo na sa work.

8. Mahilig sa kape.

Kagaya ng asin, pinapataas din ng caffeine na nasa kape ang blood pressure kaya minsan nagpa-palpitate ang heart mo at syempre dagdag trabaho na naman para sa kidneys natin. Kapag madalas o habit mo na ang walang pakundangang pagkakape na may mataas na caffeine content, maari nitong sirain ang iyong kidneys pagdating ng panahon.

9. Sobrang pag-inom ng painkillers.

Dati may kakilala ako, yung papa nya nadisgrasya sa motor. At sa laki ng natamong pinsala sa katawan, lagi syang nakakaramdam ng sobrang sakit. At everytime nakakaramdam siya ng sakit at dahil hindi niya halos makayanan ang sakit nito, umiinim sya ng painkillers na reseta ng doktor niya. Ang pagiging dependent nya dito ay humantong sa pagtaas ng creatinine nya at paghina ng kidneys hanggang sa humantong siya sa pagiging candidate for dialysis.

Buti na lang, nalaman nya yung tungkol sa 120 Days Program ni Doc Atoie Arboleda mula sa panonood ng Health Forum, unti-unting naging functional at bumalik sa dati ang kidneys niya.

10. Sobrang alak.

Wala namang masama sa pag inom ng ilang basong wine o beer paminsan-minsan. Kaso nga lang tayong mga pinoy, ang hilig hilig natin sa no retreat no surrender. Tuloy lang ang inuman kahit papikit pikit na ang mata, di na makatayo, at wala na sa tamang wisyo.  Ang totoo, ang alcohol o pag inom ng alak ay nakakadagdag stress at hirap para sa kidneys at liver natin.

Para lagi kang healthy at maiwasan ang kidney issues, napaka-importanteng kumain ka ng mga preskong pagkain, prutas, gulay at siguraduhin lang na limitahan o kung maari iwasan ang 10 bagay sa itaas para hindi maging kaawa awa ang kidney mo sa pag-o-overtime para pangalagaan ang katawan mo.

Back to blog

5 comments

Sumasakit po yung lift side ng kidney ko,,paano ko po malalaman na may problem na yung kidney ko?

Starhope Masalon

Mataas ang blood sugar,cholesterol medyo ok pa at medyo lagpas ang reading level ng creatinine ko,may fatty liver din ako..

Rommel Matoto

Hello po..nag alala po ako sa kusugan ko lahat ng mga sintomas sa xkd ay nasa akin na..noong mga nakaraang tatlong buwan na ang nakalipas nagpa tingin ako sa doctor..nagpa cbc ako pina check ko yong creatinine ko at saka nagpa urine test ako..OK namn lahat ng result Maliban lang sa mataas ang cholesterol ko..pero marami akong nararamdaman..masakit ang kaliwang likod ko sa may malapit sa tagiliran..masakit balakang ko ..masakit ang kaliwang binti ko sa may anak alakan naduduwal ako minsan at makati bukng katawan ko at sa may ibaba ng mga mata ko may bukol parang pouch na ang laman ay tubig..tapos mga balijat ko masakit din..pls nman po doc sabihin nyo kong ano ang dapat kong gawin para gagaling ako..mahirap lang po kasi ako doc..salamat sa sasagot sa mga katanungan ko..God bless..

Floeife lonce

Ung Asawa ko Po sa sakit sa chronic kedney disease stage 3 na Po tas lagi Po nanakit para niya at minsan dpo makalakad..kng minsan nmn kamay nya d magalaw ano Po kaya maganda sa aswa ko 41 year old pla cia..ung para Po minsan Ang sakit kanan pag kunti nlng sakit nalipat nmn sa kabilang para bakit Po kaya ganun in..sana matulungan ninyo Po Ako… Mam/Sir.. thanks in advance.

Amalia Marcaida

hello po malaking tulong pong nabas ko ito maraming salamat po sa dagdag kaalaman

marites tina

Leave a comment

Please note, comments need to be approved before they are published.