Top 10 Negative Effects Ng Laging Nakaupo

Lagi ka rin ba nakaupo sa trabaho?

Karamihan sa'tin nakaupo ng lagpas anim na oras kada araw. At ang madalas at matagal na pag-upo ay may negatibong epekto sa ating katawan at kalusugan. At minsan, maaring ikakapahamak ng buhay natin.

Sa ibaba ay ilang mga bagay kung bakit nakakasama ang palagi tayong nakaupo araw-araw.

1. Mahinang binti.

Kapag lagi kang nakaupo, hindi mo nagagamit ang binti mo. At madalas sa tagal mong  nakaupo at bigla kang tumayo, magkakaroon ng delay sa response ng binti dahil mag-uunat pa ito ng muscles na minsan nagreresulta ng pamamanhid. Minsan naman kapag nabigla ang muscles ng binti, sasakit naman ang tendons at joints mo. 

Maari rin itong magresulta sa tinatawag na muscle atrophy o yung panghihina ng muscles o laman sa binti. Kapag nangyari ito, mas malaki ang chance mo na magkaroon ng injury.

2. Pagdagdag ng timbang.

Ang pag-galaw galaw ay nakakatulong para ang muscles mo ay magpakawala ng molecules tulad ng lipoprotein lipase na siya  namang nagpa-process ng fats at sugar sa lahat ng kinakain mo. Kaya kapag lagi kang nakaupo, magiging mababa o madalang ang pag-release ng molecules na'to kaya mababa rin ang posibilidad na ma-process niya ang fats(taba) at sugar(asukal) sa katawan mo. Ang resulta, bibigat ka.

Dahil dito, mas malaki ang chance mo na makaranas ng metabolic syndrome na maari namang magresulta sa cardiovascular diseases at type 2 diabetes.

3. Paninigas ng balakang at pagkakuba.

Gaya ng mga binti, ang mahabang oras  ng nakaupo ay may masamang epekto rin sa balakang at likod. Maari kang makaranas ng sakit sa balakang dahil pinapaikli ng pag-upo ang iyong hip flexors o yung muscle sa gilid ng balakang na nagreresulta sa paninigas nito.

Ang matagal na pag-upo ay maari rin magresulta sa pananakit ng likod lalo na kapag hindi ka gumagamit ng ergonomic chair na kung saan pwede ka makapagrelax at makapagstretching o unat-unat.

Ang improper o masamang posisyon ng pag-upo ay nagdudulot ng pamimiga sa mga disc ng ating spine o gulugod. Ito ay maaring maging dahilan ng premature degeneration nag nagreresulta sa pagkakaroon ng chronic pain o labis na pananakit ng likod.

4. Pagiging balisa at depression.

Maliban sa pisikal na aspeto, may epektong mental din ang pag upo ng mahabang oras. Ang mga taong lage at sobrang tagal  na nakaupo ay may chance na magkaroon ng anxiety(pagiging balisa) at depresyon. Kaya kapag alam mong magiging babad ka sa pag-upo, subukan mo rin mag unat-unat at magkaroon ng basic exercise.

5. Panganib sa cancer.

Sabi sa ilang isinagawang pag-aaral, ang mahabang oras ng pag-upo ay maaring magresulta  sa pagkakaroon ng ilang uri ng cancer tulad ng lung, uterine at colon cancer. Bagama't wala silang nabanggit na dahilan nito, ito ay isa sa mga hinala ko. Kapag lage ka nakaupo sa isang lugar na may aircon, magiging expose ka sa carbon monoxide ng  mahabang oras na maaring magdulot sa'yo ng sakit sa baga. 

6. Pagkakaroon ng Heart Disease.

Tulad ng nabanggit ko kanina, ang unprocessed fats at sugar ay maaring magresulta sa cardiovascular diseases. Isang pag-aaral ang isinagawa  sa mga lalaking mahilig manood ng TV ng mahigit sa 23 oras kada linggo ay may 64% chance na mamatay sa cardiovascular disease kesa mga lalaking nanonood ng tv ng hanggang 11 oras lang.
Sabi ng mga eksperto, ang mga taong mas matagal o pinakamatagal na nakaupo ay may mataas na chance ng pagkakaroon ng heart attack o stroke.

7. Pagkakaroon ng diabetes.

Ang mga taong laging matagal na nakaupo ay nagkakaroon ng 112% increased sa pagkakaroon ng diabetes. Sa isang pag-aaral kung saan tinitingnan ang epekto ng limang araw na pahinga o bed rest, napag-alaman ng mga researchers ang pagkakaroon ng insulin resistance ng mga taong kasangkot sa ekspirimento. Ang pagiging insulin resistant ng tao o kapag hindi na tinatanggap ng katawan ng tao ang insulin sa katawan, hindi na mare-regulate nito ang blood sugar kung saan maaring magresulta sa pagkakaroon ng diabetes.

8. Pagkakaroon ng varicose veins.

Ang pag-upo ng sobra o mahabang oras ay maari rin magresulta para ang dugo mula sa ibabang parte ng katawan ay hirap na makaakyat sa puso. Ang resulta, naiipon sila sa binti nag nagreresulta sa pagkakaroon ng varicose veins. 

At sa ilang pagkakataon, ito ay maaring maging dulot ng pagkakaroon ng seryosong kondisyon tulad ng blood clot o pamumuo ng dugo sa isang parte ng katawan.

9. Pagkakaroon ng Deep Vein Thrombosis.

Ito ay isang uri ng blood clot sa binti na maaring putulin ang daloy ng dugo sa ibang parte ng iyong katawan tulad ng sa baga na magiging dahilan naman ng tinatawag na pulmonary embolism.

Ito ay kailangan ng agarang aksyon at maaring magresulta sa mas malalang komplikasyon at maaring ikamatay. 

Paalala, ang pag-upo ng mahabang oras lalo na kapag nasa mahabang byahe ay maaring magresulta sa pagkakaroon nito.

10. Pananakit ng leeg o stiff neck.

Gaya ng binti, puwet at likod, ang matagal na pag-upo ay maaring maging dahilan ng pagkakaroon ng stiff neck. Nangyayari ito kapag ang posisyon mo ay parang nakadungaw lagi sa computer screen.

Kaya mainam na bantayan mo rin ang iyong body poisture at gumamit ng ergonomic chair para makapag-relax ka kung hindi ka na komportable sa posisyon mo. 

Back to blog

1 comment

yung sister ko po ..palaging naka upo magdamag sa trabaho aircon pa po..pag masahi ko po sa kanya may nakapa po ako sa balakang nya sa gilid na maliit na parang bilog na hangin masakit daw po..

Venzee Mae Trafiero

Leave a comment

Please note, comments need to be approved before they are published.