Top 10 Pagkain Na Masama Sa May Kidney Problems

Top 10 Pagkain Na Masama Sa May Kidney Problems

Kapag may kidney problem ka, kailangan mo na ng seryosong pagbabantay sa mga kinakain mo at iniinom. Ito ay dahil ang kidney ay hindi na nagtatrabaho tulad ng dati. Hindi na niya nasasala ng mabuti at napapalabas sa katawan ang mga lason mula sa mga kinakain mo.

Ang resulta, ang mga lason na ito ay humahalo sa dugo na nagbibigay komplikasyon sa katawan mo. Ang mga lason na ito ay tinatawag na creatinine. Dhil dito, kailangan mo  magkaroon ng kidney-friendly diet para hindi tuluyang masira ang kidney mo at posible ma-restore o mapalakas uli ang mga ito.

Mga pagkain na dapat iwasan ng may kidney problem

Potassium-intake

Malaki ang naitutulong ng potassium sa katawan natin. Pero kapag may kidney problem ka, ang higit sa kailangan na potassium ay hindi na kayang ipalabas ng kidney. Ito ay maaring magdulot ng negatibong resulta sa cardiovascular system mo. 

Kapag hindi na gumagana ang kidney, ang potassium at phosphorus ay humahalo na sa dugo. Para maiwasan ito, kailangan mo limitahan ang sarili sa pagkain ng mga prutas at gulay na mayaman sa potassium tulad ng saging, abokado, tomato, citrus fruits, broccoli, cantaloupe at raisins.

Red meat

Akala ng marami ang protein ay makukuha lang sa isda. Pero ang totoo, mas maraming protein ang nasa karne. Ang protein na nakukuha sa karneng kasinlaki ng box ng posporo ay katumbas ng tatlong kilong isda. Ang protein ay mabuti sa katawan, pero ang sobra sobrang protein ay masama lalo na sa may kidney problem.

 Pwede kasi masira ang kidney dahil sa sobrang protein. Kaya kailangan bawasan ang pagkain ng karne at damihan ang pagkain ng gulay. Dapat alam mo ang protein content sa mga kinakain mo. Kagaya ng karne, ang protein na kailangan ng katawan mo sa loob ng isang linggo ay makukuha mo sa karne na kasinlaki lang ng box ng posporo.

Dairy products

Kailangan mo ng bawasan o limitahan ang sarili mo sa pagkain ng dairy products dahil mayaman ito sa calcium na maaring magdulot ng kidney stones. Dahil na rin hirap ang kidney na itapon ang sobrang protein sa katawan kaya naapektohan ang filtration process nito na nagreresulta sa pagkakaroon ng bato.

Carbonated beverages

Ang mga uri ng soda gaya ng coke at energy drinks ay isa talaga sa pangunahing dahilan o triggering factor ng kidney problem. Masarap nga lang talaga inumin kesa sa tubig, pero sa totoo lang ay wala itong mabuting dulot sa katawan lalo na sa kidney. Gaya ng lumang kasabihan, "Masarap ang bawal.". Kaya imbis na softdrinks, magbalik-loob ka na sa pag-inom ng tubig o kaya lemon water.

Tandaan, tanging tubig lang ang maaring panlinis sa loob ng katawan mo.

Sobrang asin at maaalat

Natural sa ating mga pinoy ang pagkahilig sa mga pagkaing maaalat. Pero maaari rin itong makapagpalala kung may kidney problem ka. Gumamit ka ng ibang spices o herbs na pampalasa o yung walang sodium kapalit ng asin at sodium glutamate na matatagpuan naman sa vetsin at iba pang maalat na junk foods o chichiria.

Alcohol

Ang sobrang alcohol din ay nagpapahina ng kidney kaya mahihirapan na din itong salain ang ating dugo.  Kaya kung hindi mo man maiwasan agad ang alcohol, bawasan mo na lang o mag dahan dahan.

Ang sobrang alcohol din ay maaring magdulot ng dehydration na may masamang epekto sa ibang organs sa ating katawan.

Caffeine

Ang caffeine na madalas nakukuha sa kape ay may long term effect sa ating katawan at maging dahilan ng kidney failure. Ang caffeine na nakukuha sa kape, tsaa at mga softdrinks ay unti-unting magpapahirap sa ating kidney sa pagdaan ng panahon. Naapektuhan kasi ng caffeine ang daloy ng dugo, pinapabilis ang blood pressure kaya mahihirapan din ang kidney sa pagsala nito. 

Kung hindi ka mahilig sa softdrinks at tsaa pero hindi mo maiwasan magkape na parehong pinagmulan ng caffeine, pwede mo subukan ang kape na may napakaliit na caffeine content. 

Sabi sa Wikipedia, ang decaffeinated coffee ay mayroon lang 1% - 2% ng caffeine kumpara sa regular coffee. Buti merong coffee na 0.004% lang ang caffeine content kaya pwede ka pa rin magkape dahil hindi magpa-palpitate ang heart mo.

Artificial sweeteners

Ito talaga ang dapat mong iwasan. Sa pangalan pa lang, artificial. Ibig sabihin, synthetic chemicals, hindi natural at mas lalong hindi organic. Kaya sa katagalan, maaring magdulot ng masamang resulta sa katawan. Lalo na yung aspartame na maaring maging dahilan ng pagkakaroon ng cancer, atake sa puso, depression, ADHD at iba pa.

Nakakalason ito at acidic. Pinapababa o pinapahina rin nito ang kidney function. Kaya imbis gumamit ka ng artificial sweeteners, subukan mo gumamit ng stevia o kaya pure honey bilang pampatamis sa pagkain at inumin.

GMOs ( Genetically Modified Organisms)

Ang mga seryosong epekto sa kalusugan ay madalas may kinalaman sa mga kinakain natin na genetically modified. May malawak itong epekto sa mga organs ng ating katawan kasama na ang kidney. Ang ilang halimbawa ng mga harmful chemicals na'to ay tulad ng processed o prepackaged foods na hindi lang nakakaapekto sa kidney kundi maari pang pagmulan ng kanser.

Kahit nga ilang bigas ngayon ay genetically modified. Naalala mo yung pekeng bigas daw galing china? 

Fluids o mga likido

Kapag meron kang early-stage ng Chronic Kidney Disease o CKD, di mo naman kailangan na bawasan ang pagkonsumo ng liquid sa katawan mo. Pero kung may masamang epekto o nakakalala, kailangan mo na rin limitahan ang sarili mo mula rito.

 

Masustansiyang pagkain para sa may kidney failure at Chronic Kidney Disease(CKD)

Ano ba ang dapat kainin ng isang taong may kidney problem o kaya may chronic kidney disease o renal failure?

Unang-una, magkaiba ang diet restrictions ng dalawa kaya kailangan mo sumangguni sa isang renal dietitian.

Dahil kung may kidney problem ka, ang doktor mo na ang magbibigay ng tamang diyeta para sa'yo. Pero para sa mga taong may advance kidney disease, napaka-importante na meron kang sinusundan na kidney-friendly diet na tutulong sa'yo para pababain ang creatinine o yung lason na nasa dugo.

Ito ang tinatawag na renal diet. Pinapalakas nito ang function ng kidney habang pinipigilan ang tuluyang pagkasira nito.

At dahil sa magkaibang diet restrictions ng isang may kidney problem kumpara sa may chronic kidney disease o CKD,  napakahalagang isaalang-alang ang mga nutrisyon na ito ay bawal sa mga may sirang kidney.

  • Sodium. Ang sodium ay matatagpuan sa kahit anong pagkain at siyang pangunahing sangkap na bumubuo sa asin. Ang sirang kidney ay hindi kayang salain ang sobrang sodium sa katawan na maaring magresulta naman sa pagtaas ng blood level. Kaya kailangang limitahan ang sarili sa pag-consume ng sodium ng hanggang 2,000mg per day.
  • Potassium. Ang potassium naman ay bahagi at may maraming mahahalagang ginagampanan sa katawan natin maliban lang kung may kidney disease ka. Dahil ang sobrang potassium sa katawan ay nakakapagpataas ng high blood level. Kailangan din limitahan ng isang pasyenteng may kidney disease ang pagkonsumo ng potassium ng hanggang 2,000 mg per day lang.
  • Phosphorus. Ang sirang kidney ay hirap na palabasin ang sobrang phosphorus na isang uri ng mineral mula sa mga kinakain natin. Ang sobrang phosphorus ay maaring magdulot ng pagkasira ng katawan kaya dapat limitahan ang sarili sa mga pagkaing may phosphorus ng hanggang 800-1,000 mg araw-araw sa karamihan ng mga pasyente.


Ang protein sa kabilang banda, ay isang uri ng nutrient na kailangan din limitahan kapag may kidney problem ka dahil hindi  kayang salain ng kidney ang sobrang waste products na pino-proseso ng protein para sa katawan. Maliban lang kapag ang isang pasyente ay nag-dialysis dahil higit na kailangan ng katawan nila ang protina.

Dahil iba-iba ang sitwasyon ng mga taong may kidney disease, kailangan mapag-usapan ang tamang dietary needs depende sa kalagayan ng pasyenteng sira ang kidneys.

Ito ang ilan sa mga maaring kainin ng isang taong may kidney failure na may mababang taglay na sodium, phosphorus at potassium.

Red bell peppers

Ang 1/2 cup na serving ng bell pepper ay may:

  • 1mg sodium
  • 88mg potassium
  • 10mg phosphorus

Ang red bell pepper ay mababa sa potassium at isang pampalasa. Pero hindi lang yan ang dahilan kung bakit swak itong kasama sa kidney diet. Ang red bell pepper ay mayaman sa vitamin C at vitamin A, pati na rin vitamin B6, folic acid at fiber. Ito rin ay mayaman sa lycopene, isang uri ng antioxidant na pumoprotekta laban sa pagkakaroon ng cancer.

 Cabbage

Ang 1/2 serving ng green cabbage ay may:

  • 6mg sodium
  • 60mg potassium
  • 9mg phosphorus

Ang cabbage o repolyo ay mayaman sa phytochemicals na isang uri ng chemical compound mula sa mga prutas at gulay na pinipigilan ang mga free radicals bago pa ito makapaminsala sa loob ng ating katawan. Ang mga uri ng phytochemicals ay kilala rin na panlaban sa cancer at tumutulong sa iyong vascular health.

Maliban sa pagkakaroon nito ng Vitamin K, Vitamin C at fiber, ang cabbage ay may taglay rin na Vitamin B6 at folic acid. Mababa ang potassium content nito at mura mo lang mabibili kaya swak sa kidney diet mo.

Cauliflower

Ang 1/2 serving ng pinakuluang cauliflower ay may taglay na:

  • 9mg sodium
  • 88mg potassium
  • 20mg phosphorus

Ang cauliflower ay mayaman rin sa Vitaminc C at may taglay na folate at fiber. Siksik rin ito sa tinatawag na indoles, glucosinolates at thiocyanates. Mga uri ng compounds na tumutulong sa liver na tunawin ang mga toxic substance na maaring makasira sa cell membranes at DNA.

Kung dialysis patient ka, pwede mo siyang e-pares sa pasta o kaya gawing mashed cauliflower kapalit ng mashed potato.

Garlic

Ang isang clove ng garlic ay may:

  • 1mg sodium
  • 12mg potassium
  • 4mg phosphorus

Ang garlic o bawang ay tumutulong para iwasan ang pamumuo ng plaque o tartar sa ngipin. Pinapababa rin nito ang cholesterol level at nilalabanan ang inflammation.

Onions

Ang 1/2 serving ng onion ay may:

  • 3mg sodium
  • 116mg potassium
  • 3mg phosphorus

Ang onion o sibuyas ay may taglay na sulfur compound na siya ring nagbibigay ng mahanghang na amoy nito. Pero maliban sa nakakapagpaiyak ito, ang sibuyas ay mayaman din sa flavonoids lalo na yung quercetin na isang uri ng antioxidant na nakakapagpababa ng heart disease at mabagsik na panlaban sa anumang uri ng cancer. 

Ang sibuyas rin ay mababa sa potassium at mayaman rin sa chromium na isang uri ng mineral na tumutulong sa carbohydrate, fat at protein metabolism ng katawan.

Apple

1 medium-sized apple ay may:

  • 0mg sodium
  • 158mg potassium
  • 10mg phosphorus

Ang apple o mansanas ay kilalang nakakapagpababa ng cholesterol, panlaban sa constipation, pangontra sa heart disease at nakakapagpababa sa chance ng pagkakaroon ng cancer. Mayaman din ito sa fiber at inflammatory compounds kaya totoo ang kasabihang "An apple a day keeps the doctor away." Isang magandang bagay para sa may kidney disease na pabalik balik na sa doktor.

Cranberries

Ang 1/2 cup serving ng cranberry juice cocktail ay may:

  • 3mg sodium
  • 22mg potassium
  • 3mg phosphorus

Ang 1/4 cup serving ng cranberry sauce ay may:

  • 35mg sodium
  • 17mg potassium
  • 6mg phosphorus

Ang 1/2 cup serving ng pinatuyo o dried cranberries ay may:

  • 2mg sodium
  • 24mg potassium
  • 5mg phosphorus

Ang cranberry ay kilala naman na panlaban sa bladder infections dahil pinipigilan nito ang pagdikit ng mga bacteria sa bladder walls. Sa parehong paraan, pinoprotektahan din nito ang tiyan natin laban sa mga bacteria na pinagmulan ng ulcer sa pamamagitan ng pagpoprotekta sa gastrointestinal(GI) tract.

Ang cranberries ay nakitaan rin ng kakayahang magprotekta laban sa pagkakaroon ng cancer at heart diseases.

Blueberries

Ang 1/2 cup serving ng fresh blueberries ay may:

  • 4mg sodium
  • 65mg potassium
  • 7mg phosphorus

Ang blueberries ay may taglay na mataas na antioxidant phytonutrients na tinatawag na anthocyanidins na siya ring nagbibigay sa kanila ng natural blue color at nag-uumapaw sa natural compounds na nagpapababa ng inflammation.

Ang blueberries ay mayaman sa Vitamin C, Manganese na isang uri ng compound na nagpapalakas ng buto at fiber. Nakakatulong rin itong protektahan ang utak laban sa anumang epekto na dala ng pagtanda.

Raspberries

Ang 1/2 cup serving ng raspberries ay may:

  • 0mg sodium
  • 93mg potassium
  • 7mg phosphorus

Ang raspberry ay may phytonutrient na ellagic acid na tumutulong tunawin ang free radicals sa ating katawan at maiwasan ang cell damage. May taglay din itong flavonoiid na antocyanin, isang uri ng antioxidant na nagbibigay sa kanila ng pulang kulay.

Mayaman rin ito sa Manganese, Vitamin C, fibre at folate na isang uri ng B vitamin. Ang raspberry ay may kakayahan din na pigilan ang pagtubo ng cancer cells  at pamumuo ng tumor.

Strawberries

Ang 1/2 cup serving (5 medium) fresh strawberries ay may:

  • 1mg sodium
  • 120mg potassium
  • 13mg phosphorus

Ang strawberries ay merong taglay na dalawang uri ng phenols. Ang anthocyanins at ellagitannins. Ang anthocyanins ang nagbibigay ng pulang kulay ng strawberry at isang malakas na uri ng antioxidant na tumutulong protektahan ang body cell structures at iwasan ang anumang oxidative damage.

Ang strawberry ay mayaman din sa Vitamin C, Manganese at fiber. Kilala ito at nakakatulong para protektahan ang puso, panlaban sa cancer at mayaman sa iba't ibang anti-inflammatory components.

Cherries

Ang 1/2 cup serving ng fresh sweet cherries ay may:

  • 0mg sodum
  • 160mg potassium
  • 15mg phosphorus

Ang cherries ay kilalang nakakapagpababa ng inflammation kapag kakain ka nito araw-araw. Mayaman din ito sa antixodants at phytochemicals na pumo-protekta sa puso.

Red Grapes

Ang 1/2 cup serving ng red grapes ay may:

  • 1mg sodium
  • 88mg potassium
  • 4mg phosphorus

Ang red grapes ay may taglay na iilang uri ng flavonoids na responsable sa pagbibigay dito ng mapulang balat. Ang flavonoids na ito ay tumutulong sa pagprotekta sa puso para labanan ang oxidation at pigilan ang pamumuo ng dugo o blood clot.

Ang Resveratrol na isang uri ng flavonoid na matatagpuan sa red grapes ay tumutulong sa produksyon ng nitric oxide para ma-relax ang muscle cells sa daluyan ng dugo o blood vessels para mapabilis ang daloy ng dugo.

Ang mga flavonoids na'to ay nakakatulong rin para pigilan ang pagkakaroon ng cancer at iwasan ang inflammations.

Egg whites

Ang dalawang egg whites ay may:

7g protein
110mg sodium
108mg potassium
10mg phosphorus

Ang egg white o puti ng itlog ay purong protina at nagbibigay ng pinakamataas na kalidad ng protein na may kasamang essential amino acids.

Para sa kidney diet, ang egg white ay nagbibigay ng protina pero may kunting phosphorus lang kung ikumpara sa protina na galing sa egg yolk at karne.

Isda

Ang 3 ounces ng wild salmon ay may:

  • 50mg sodium
  • 368mg potassium
  • 274mg phosphorus

Ang isda ay nagbibigay ng high-quality protein at naglalaman ng anti-inflammatory fats na tinatawag na omega-3s. Isang uri ng healthy fats na makukuha sa pagkain ng isda na tumutulong para labanan ang anumang sakit tulad ng heart disease at cancer.

Ang Omega-3S din ay tumutulong pababain ang low-density lipoprotein o LDL cholesterol na isang uri ng bad cholesterol at pinapataas ang high-density lipoprotein o HDL cholesterol na isa namang uri ng good cholesterol.

Ang American Heart Association at American Diabetes Association ay nirerekomenda ang pagkain ng isda ng hindi hihigit-kukulang sa 2 beses sa isang linggo.

Ang mga isda na pinakamayaman sa Omega-3S ay ang albacore tuna, herring, mackerel, rainbow trout at salmon.

Olive oil

Ang 1 tbsp. ng olive oil ay may:

  • less than 1mg sodium
  • less than 1mg potassium
  • 0mg phosphorus

Ang olive oil ay may taglay na oleic acid. Isang uri ng anti-inflammatory fatty acid. Ang monosaturated fats sa olive oil ay pumuprotekta laban sa oxidation.

Ang olive oil ay mayaman rin sa polyphenols at antioxidant compounds na tumutulong pigilan ang inflammation at oxidation.

Sa isang pag-aaral na isinagawa, ang isang populasyon na madalas gumamit ng olive oil ay may mababang bilang lang ng mga kaso ng heart disease at cancer.

Skinless Chicken

Ang 3 ounces(84g) ng skinless chicken breast ay may:

  • 63mg sodium
  • 216mg potassium
  • 192mg phosphorus

Kailangang limitahan ng isang may kidney diseases ang pagkain ng protina pero ang katamtamang bilang ng protina ay kailangan din ng katawan.

Ang skinless chicken breast ay mababang amount ng sodium, potassium at phosphorus kung ikukumpara sa manok na may balat. Siguraduhin lang ang paggamit ng fresh chicken.

Radish

Ang 1/2 cup ng sliced radish ay may:

  • 23mg sodium
  • 135mg potassium
  • 12mg phosphorus

Ang radish ay mababa sa potassium at phosphorus pero mataas sa iba pang mahahalagang nutrients na kailangan ng katawan. Ito ay may taglay na vitamin C, isang antioxidant na naakakatulong magpababa ng  chance ng pagkakaroon ng heart disease at katarata.

Turnips

Ang 1/2 cup o 78 grams ng nilutong turnips ay may:

  • 12.5mg sodium
  • 138mg potassium
  • 20mg phosphorus

Ang turnips ay kidney-friendly at mabisang pamalit sa mga gulay na may mataas na potassium tulad ng patatas at winter squash.

Ang root vegetable na'to ay mayaman sa fiber, nutrients tulad ng vitamin C, vitamin B6, Manganese at Calcium.


Pineapple

Ang 1 cup o 165g ng pineapple chunks ay may:

  • 2mg sodium
  • 180mg potassium
  • 13mg phosphorus

Maraming tropical fruits tulad ng saging, orange at kiwi ang mataas sa potassium. Buti na lang ang pinya ay mababa sa potassium kaya pwede sa may kidney problems.

Ang pinya ay mayaman rin sa fiber, B vitamins, Manganese at bromelain. Isang uri ng enzyme na nakakapagpababa ng inflammation.

Bago mo simulan ang kidney diet mo, mas mainam na magpakonsulta muna sa doktor tungkol sa mga pagkaing nabanggit dito para mas magabayan ka ng tama.

Lagi mo rin tandaan na ang mga pagkaing ito ay masustansiya at pwede kahit nino, may sakit man o wala.


Pwedeng inumin ng may kidney problem

Wine

Ooops! Bago ka pa mag-react, let me explain. Ang well-moderated wine consumption ay totoong nakakatulong sa kalusugan ng kidney at pumu-protekta sa heart ng isang pasyenteng may kidney disease. Yan ay batay sa pag-aaral na isinagawa ng National Kidney Foundation.

  • Napag-alaman ng mga researchers na ang mga taong umiinom ng mababa sa isang basong alak araw-araw ay may 37% na pagbagal ng progression ng kidney disease kumpara sa mga pasyenteng hindi umiinom.
  • Base sa mga participants ng pag-aaral na kinabibilangan ng mga may chronic kidney diseases,  ang mga umiinom ng wine na mababa sa isang baso araw-araw ay may 29% lesser chance na magkaroon ng cardio-vascular disease kung ikukumpara sa mga pasyenteng hindi talaga umiinom.
  • Pagdating sa benepisyo ng alak, mas kunti mas mabuti. Moderation is the key.  Dahil ang sobrang alcohol ay masama lalo na sa mga taong may kidney diseases. Ang alcohol rin ay maaring magpalala ng blood pressure, isang pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng kidney disease kaya yung mga taong hindi marunong magkontrol sa pag-inom ng alcohol ay maaring magkaproblema sa kanilang blood pressure.

Cranberry Juice

  • Ang cranberry red juice ay mabuti para sa urinary tract at kalusugan ng kidney. Ito ay may compounds na pumipigil sa e.coli na isang uri ng bacteria na pangunahing rason o 80% to 90% ng pagkakaroon ng urinary tract infection o UTI sa pamamagitan ng pagdikit sa urinary tract wall.
  • Sa pag-aaral na kinabibilangan ng mga babaeng may UTI, napag-alaman nila na ang pag-inom ng cranberry juice araw-araw ay pinapababa ang recurrence ng UTI. Ang Urinary Tract Infection o UTI ay kapag ang bacteria ay pumasok sa urinary tract, dadami, mamumula, mamamaga at magdudulot ng sakit sa urinary tract. Nagkakaroon ng UTI sa bladder pero kapag hindi nagamot ay maari itong umakyat sa ureter hanggang sa kidneys na mas lalong magbibigay ng mas malalang sakit at  komplikasyon na tinatawag na pyelonephritis.

Lemon and Lime-based Citrus Juice

Ang lemon juice ay natural na mataas sa citrate tulad ng lemonade at limeade na nakakatulong rin para pigilan ang progression ng pagkakaroon ng kidney stone. 

  • Umiwas sa mga juice na may mataas na sugar content. Dahil ang sugar ay nakakadagdag sa risk ng pagkakaroon ng kidney disease. Kaya mas mabuti na mag-focus na lang sa pagbili ng sugar-free o zero-sugar lemonade o pwede ka rin gumawa ng sarili mong lemon juice with water.
  • Pero kung gusto mo gumamit ng pampatamis kapalit ng sugar, pwede ka gumamit ng stevia. It's 100% natural and even recommended sa mga diabetic patients.
  • Ang citrate mula sa lemon juice ay pumipigil sa calcium para makipag-bind sa ibang minerals sa katawan na nagiging crystal na siya namang nagigingng kidney stone kapag nangyari ito sa loob ng kidneys.
  • Kaya kung gusto mong iwasan ang kidney stone, ugaliing maging hydrated palagi at isama ang lime juice sa iyong pang araw-araw na dyeta.

Water

Ang tubig ay buhay. Napakarami nitong benepisyo sa katawan ng tao.

  • Ang tubig ay nagfa-flush-out ng toxins o lason sa katawan ng tao. Ito rin ang nagre-regulate ng temperatura sa ating katawan at nagdi-distribute ng nutrients.
  • Ang pag-inom ng sapat na dami ng tubig ay nakakatulong sa trabaho ng kidney dahil mas madali nitong mapalabas ang mga toxins sa katawan mula sa mga kinakain natin sa pamamagitan ng pag-ihi.

Maaring gawin para lumakas ang Kidneys

Ang pagkakaroon ng kidney disease ay tinatawag na "silent killer". Dahil wala itong sintomas hanggang sa lumala na at dun mo pa malalaman. Pero may ilang importanteng bagay ka na maaring gawin para mapalakas ang kidneys mo at masiguradong maiwasan ang pagkakaroon ng Kidney Disease na para sakin ay mas nakakatakot pa kesa pagkakaroon ng cancer.

Maging fit at active

  • Ang pagiging fit ay nakakapagpababa ng blood pressure na kung saan nakakapagpababa rin  sa tsansa na magkaroon ng chronic kidney disease.

Regular na kontrol sa blood sugar level

  • Kalahati sa mga taong may diabetes ay natuloy sa pagkakaroon ng kidney damage o yung tinatawag na Diabetic Nephropathy. Kaya napakaimportante para sa isang diabetic na bantayan palagi ang blood sugar para hindi na magkaroon ng komplikasyon sa kidney.

Pag-monitor sa blood pressure

  • Ang alam ng karamihan na kapag mataas ang blood pressure mo, prone ka sa stroke o kaya heart attack. Iilan lang ang nakakaalam na ang pagkakaroon ng mataas na blood pressure ay maari din matuloy sa pagkakaroon ng kidney damage.
  • Ang normal na blood pressure level ay nasa 120/80. Mula dito hanggang sa 139/89 ay maari ng tawaging prehypertensive at kinkailangan ng magkaroon ng lifestyle at dietary changes.
  • Kapag umakyat na sa 140/90, kailangan ng magpakonsulta  sa doktor para malaman ang mga tamang gagawin. Ang blood pressure ay maaring maging dahilan ng kidney damage lalo na kapag may diabetes, mataas ang cholesterol o kaya may cardio vascular disease din ang isang taong meron nito.

Kumain ng tama at bantayan ang timbang

  • Makakatulong itong pigilan ang pagkakaroon ng diabetes, heart disease at iba pang sakit o komplikasyon na maaring matuloy sa pagkakaroon ng kidney disease.
  • Bawasan ang pagkain ng malat. Ang recommended sodium per day ay dapat hindi lalagpas sa 5-6grams ng asin per day. Paa ma-limitahan ito, umiwas sa pagkain ng mga processed at fast foods na may mataas na sodium content.

Healthy fluid intake

  • Mainam na uminom ng 1.5 to 2 liters ng tubig araw-araw. Nakakatulong ito upang mapalabas ng kidney ang sobrang sodium, urea at toxins na nasa katawan natin at mapababa rin ang tsansa na magkaroon ng chronic kidney disease.
  • Ang mga tao naman na may kidney stone ay mas mainam na uminom ng 2-3 liters ng tubig araw-araw para maiwasan ang pamumuo ng mga panibagong kidney stones.

 Iwasan ang paninigarilyo

  • Ang paninigarilyo ay nakakapagpabagal ng daloy ng dugo sa kidney. Kapag kunti lang ang dugo na dadaan sa kidney, maapektuhan nito ang function ng kidney.
  • Ang paninigarilyo ay nakakadagdag rin ng tsang magkaroon ng kidney cancer by up to 50%.

Wag sumubra sa pag-inom ng over the counter pills o synthetic drugs

  • Ang mga gamot ulad ng non-steroidal anti-inflammatoru drug tulad ng ibuprofen ay kilalang maaring magdulot o maging sanhi ng pagkakaroon ng kidney damage kapag regular na iniinom.
  • Wala namang threat mula sa pag-inom ng mga gamot na tulad nito kapag malakas at healthy ang kidney ng isang tao. Pero kapag nakakaranas ka ng labis na pananakit o chronic pain tulad ng arthritis o backpain, magpakonsulta agad sa doktor para mabigyan ng option para mawala ang sakit ng hindi sinasakripisyo ang kalusugan ng kidney.

Risk factors sa pagkakaroon ng kidney disease

  • Meron kang diabetes
  • Meron kang hypertension
  • Obese o labis ang pagtaba o paglaki ng timbang
  • May kapamilya ka na nagkaroon ng kidney disease


Kung may tanong ka pa, pwede ka mag-comment sa ibaba at pipilitin kong sagutin kita agad.

At para matiyak mo ang pagkakaroon ng tamang nutrisyon at mapangalagaan ang kidney o gusto mo e-restore ang kalusugan ng iyong kidney tulad ng dati, maari kang uminom ng barley juice dahil taglay nito ang mga nutrisyon at benepisyong nabanggit ko sa itaas.

Back to blog

344 comments

Ano po bang mga prutas ang pdeng kainin ng mga CKD patients?
Thank you.

Mary Grace Libo-on

Paano po gagaling cyst sa kidney sa kanan tapos mataas p creatinine.pwede po bang magherbal

Olivia s. Lomandas

Pano malalaman na sira na ang kanang bahagi ng kidney? At ito ay hindi na gumagana? Anong senyales nito? Pwedi ba itong magamot sa pamamagitan ng herbal? Magpapagana pa ba itong muli? At gano ito ka dilikado? salamat po at naway masagot nyo ang aking katanungan

Chriz Borro Garcing

thank you for this. ano po pwede foods na pwede kainin pra di matrigger yun sakit?

michelle de castro

Leave a comment

Please note, comments need to be approved before they are published.