12 Sintomas ng Cancer Na Madalas Binabalewala Ng Mga Babae - Updated List 2019

Ang katawan ng babae ay palaging dumadaan sa maraming mga pagbabago. Habang tumatanda, ang katawan ng babae ay nakakaranas nito. Kaso nga lang, ilan sa mga pagbabagong ito sa mga kababaihan ay parang normal o typical na bagay lang. Pero ang totoo, minsan may malalim pa palang dahilan. Dahil ilan sa mga senyales o pagbabagong ito ay sintomas na pala ng cancer.

Kaya napaka-importante para sa isang babae na bantayan ang mga pagbabagong ito. Dahil ang katawan natin ay may sariling paraan para iparamdam kung may mali sa katawan natin. At dahil kilala rin naman natin ang ating sariling katawan, nararapat lang na bigyan natin agad ng pansin ang mga pagbabago na ating nararamdaman para hindi na lumala pa. At mas mabuti rin na isangguni agad sa doktor para mas mabigyan ng nararapat na pagtugon.

Ngayon, ito ang 12 sa mga sintomas na maaring pagmulan ng cancer sa mga babae.

1. Pagbabago sa dibdib.

Kadalasan kapag may napapansin na lump o bukol sa dibdib ng isang babae ay  hindi ibig sabihin, cancerous na agad ito. Pero maigi na magpakonsulta agad sa doktor para mabigyan ng sapat na atensyon.  At kapag nakakaranas ng discharge sa kanyang nipple ang isang babae, pamumula o kaya naman lumulubog ang nipple, magpakonsulta na agad sa doktor.

2. Paglaki o pamamaga ng tiyan(bloating).

Sabi ni  Marleen Myers, isang oncologist sa NYU Langone Medical Center - ang bloating ay normal na nangyayari sa mga babae. Pero ang madalas na pagiging bloated ay isang sintomas ng pagkakaroon ng cancer na hindi binibigyang pansin ng kababaihan.  Ito ay maaaring magresulta sa pagkakaroon ng ovarian cancer, colon cancer,  gastrointestinal cancer o kaya pancreatic cancer.

3. Pagdurugo kahit walang menstruation.

Kapag ang isang babae ay nagkakaroon ng spotting kahit malayo pa ang menstrual period, magpakonsulta na agad sa doktor. Ang bleeding na hindi parte ng menstrual cycle ay maaring resulta ng ilang seryosong bagay gaya ng endometrial cancer.

4. Pagbabago sa kuko ng paa.

Kapag napapansin ng isang babae na may maliit na kulay brown na stripe sa dulo ng mga kuko nya sa paa, ito ay maaaring sintomas ng melanoma. Kaya kung napapansin mo rin ito, magpakonsulta ka agad sa doktor para masigurado at maiwasan mo ang pagkakaroon ng melanoma.

5. Dugo kasama ng ihi at dumi.

Kadalasan, ang dugo na kasama sa pag-ihi at pagdumi ay maaring senyales ng hemorrhoids o almoranas. Pero minsan, maari rin itong maging sintomas ng pagkakaroon ng colon cancer. Kaya kung nararanasan mo ang sintomas na ito ng dalawang araw o higit, magpakonsulta ka na sa doktor.

6. Pagbabago sa lymph nodes. 

Madalas nagbabago ang lymph nodes kapag nagkakaroon ng infection.  Ang infection na'to ay hindi mapanganib at natataboy naman ng ating immune system. Pero sa ilang pagkakataon, ang pamamaga ng lymph nodes ay maaring dahil sa pagkakaroon ng leukemia at lymphoma. Kaya kapag ang pamamaga ay nagtatagal at umaabot na ng isang buwan, magpakonsulta ka na agad sa doktor.

7. Hindi makalunok.

Natural lang naman na minsan nahihirapan tayo lumunok. Pero kapag nadadalas na at may kasamang pagsusuka at pagbagsak ng timbang, maaring sintomas ito ng throat o kaya stomach cancer. Kapag naranasan mo ito ng mga dalawang linggo, magpakonsulta ka na agad sa doktor at magpa-examine.

8. Biglaang pagbagsak ng timbang.

Kung pansin mo na wala ka namang binago sa diet mo at exercise pero biglang bumagsak ang timbang mo, magpacheck up ka na agad sa doktor para habang maaga malaman mo na agad ang tunay na dahilan nito.

9. Heartburn.

Ang heartburn ay madalas na resulta ng sobrang pagkain at pag-iinum ng alak pero kusa rin naman lilipas. Kapag hindi ito nawala at lumalala, ito ay maaring sintomas ng throat, stomach o kaya ovarian cancer. At ang  madalas na pagkakaroon nito ay maaring makasira sa lining ng esophagus na maaring pagmulan ng throat cancer.

10. Pagbabago sa bibig.

Kapag ang babae ay naninigarilyo, tandaan kung may kulay yellow, puti o gray patches sa loob ng bibig. Dahil maaari itong humantong sa cancer sores o kaya  oral cancer.

11. Pagkakaroon ng lagnat.

Kapag nakakaranas ng trangkaso ang isang babae, maari silang magkaroon ng lagnat ng ilang araw. Pero kapag hindi nawawala ang lagnat, marami ang maaring pinagmulan nito tulad ng leukemia o cancer sa dugo. Kaya kung matagal ka ng nakakaranas ng lagnat at hindi mo alam kung paano ito nagsimula, magpakonsulta ka na agad sa doktor.

12. Ubo.

Ang ubo ay normal at kusang nawawala sa loob ng apat na linggo. Pero kapag tumagal ng higit pa sa isang buwan, hindi na ito dapat pang balewalain. Lalo na kapag naninigarilyo ka at madalas ng hingalin, magpakonsulta ka na agad sa doktor. Ito ay maaaring sintomas ng pagkakaroon ng lung cancer. 

Ngayong alam mo na ang ilang sintomas ng cancer na madalas binabalewala ng kababaihan, siguraduhin na magpatingin sa isang oncologist o specialist kapag nararamdaman mong may mga pagbabago sa katawan mo.

Kapag alam mo at meron kang healthy lifestyle pero nararamdaman mo ang mga pagbabagong ito sa katawan mo, bigyan mo agad ito ng pansin para mapaghandaan at maiwasan ang paglala.

Pero kung hindi ka active at hindi mo binabantayan ang mga kinakain mo, kailangan mo na itong pagtuunan ng pansin sa ngayon at magkaroon ng ilang pagbabago sa lifestyle. Dapat magkaroon ka ng exercise regimen, iwasan ang paninigarilyo at pag-inom ng alak at pagtuunan ng pansin ang dapat na kinakain. Magpakonsulta sa doktor para malaman ang mga dapat gawin.

Maraming pang mga senyales at sintomas na hindi binibigyang pansin ng mga babae. Kapag naranasan mo ang ilan sa mga naka-post dito, wag ka muna mag-panic. Kadalasan, hindi naman ibig sabihin na cancer agad. Pero mas mabuting bigyan mo lang ito ng pansin at tamang aksyon kapag nararanasan mo ang mga sintomas na ito.

Back to blog

28 comments

Hi po,noon po laging hirap ako dumumi at mayroonh maraming dugo ang stool ko na buhay na parang dugo sa sugat.pero sa ngayun po mga 4months ng wala ng dugo sa dumi ko.pero may kakaiba po sa right side ng tiyan ko at likod,laging mahapdi,na maanghang po.

Marilyn Casio

Hi po good tanong kulang po bakit hindi ako tumataba Lalo po akong pumayat , at last 2021 ay ng positive po ako ng Sisto , at may ubo din po ako at kapag ma kain kulang kagaya ng manok itlog tuyo ay bumabalik , ngayon naman may lumalabas sa skin ko at masakit Pag hawakan sa bisaya pa lagom ang tawag . Sana may mka sagot salamat po

MARISOL S MANLAPITAO

Ilang buwan na po akong nireregla ng tuloy tuloy..pero hindi naman po normal n regla patak patak lang naman po..tapos yung lagas po ng buhok ko grabe po..tapos pabalik balik po yung lagnat ko..

Rachelle Dacles

Hello po gandang araw po.
May concern lng po ako sa sarili ko.my masses cyst po ako sa kaliwa kng leeg.ngpasurgeon po ako suggest po sa akin ay operahn daw po.3.2 na po sulat Ng bukol.
Nababahala lng po ako KC ang laki Ng pinago Ng katawan ko po bumagsak timbang ko.pati balay KO po ay Ng dry din po.
Sana po. Matulongan nyo ako

Michel obedencio

Hello po may pasa po ako sa legs kahit hindi naman ako na kinagat ng mosquito tapos may time po na nangangati ang akong katawan kadalasan din po ay marami pong mga makakati na parang sugat sa aking katawan pag sa oras na nang 10-12 p.m lumalabas po ang aking mga pangangati sa katawan wala naman po akong bawal sa mga pagkain. Minsan po ay sumasakit ang likoran sa aking things ano po ba to? Natatakot po Kasi ako ever since po Hindi ako naka try magpa check up kahit may sakit ako at kinakaya ko Lang po. Bata pa po Kasi at nagtatrabaho po. Minsan din sumasakit akong likoran at leeg ko po at ang skull ko po ay parang minsan po ay may tumonog na parang drum na stress na po ako SA kaiisip baka Meron po akong leukemia or cancer po.🥺 19 palang po ako☹️

Erica Rim

Leave a comment

Please note, comments need to be approved before they are published.