7 Dahilan Ng Pagbabago sa Timbang Ng Mga Babae

Kapag napapansin mo na medyo tumataba ka o kaya naman biglang bawas ang timbang ay maraming haka-haka agad ang pumapasok sa isip mo. Kesyo ganito, kesyo ganyan. Marami kang maiisip na dahilan.

Ngayon, isa-isahin natin ang mga dahilan ng pagbabago ng iyong timbang.

1. Wala kang sapat na agahan o breakfast. Ang sapat na agahan ay nakakatulong para magkaroon ng tamang diet.

2. Hindi natin binabantayan ang sariling timbang. Mabuting ugaliin na e-check ang timbang kada umaga habang wala pang laman ang tiyan para mabantayan mo kung sakto lang ang body weight mo.

 3. Kung hindi kulang ang tulog, sobra. Kapag natutulog ka ng mababa sa 6 na oras o mahigit sa 9 na oras, malaki ang posibilidad na madagdagan ang iyong timbang. Ugaliin matulog ng 7-8 oras.

4. Mahilig kumain habang nanonood ng tv. Wag ka manood ng tv habang kumakain para hindi ka ma-distract hanggang di mo namamalayan na naparami ka na pala ng kain.

5. Sobra sa mga kinakain. Mararamdaman natin na busog  na tayo pagkatapos kainin ang 50% ng pagkain. Kaso nga lang, mas gusto natin magpatuloy sa pagkain lalo na kapag paborito mo ang ulam.

6. Nakakalimutan natin kumain sa takdang-oras. Ito ay isang dahilan kung bakit bumabagal ang metabolism ng katawan natin na siya ring dahilan para  magkaroon ng pagbabago sa timbang.

7. Kumakain tayo ng mabilisan. At dahil lage tayo nagmamadali, hindi natin namamalayan na hindi na pala nakakahabol ang katawan natin sa mga gusto nating gawin.

Dahil kapag lage tayo nagmamadali kumain, hindi natin ma-digest ng tama yung kinakain natin.

Ito ay ilan lang  sa napakaraming maaring dahilan kung bakit mo nararamdaman ang pagbabago sa timbang mo.

Ugaliing e-monitor ang sariling timbang.

Back to blog

1 comment

Anu pong dapat kung inumin…yung gilid ng mata ko po maitim

Marlyn guinmapang

Leave a comment

Please note, comments need to be approved before they are published.