8 Senyales Na Overstressed Ka Na Pero Di Mo Pa Rin Namamalayan

Sabi ng WHO, ang stress daw ay isa sa mga main factor kung bakit nagkakasakit ang isang tao. Kaya pagtuunan naman natin ng pansin kung paano mo ba malalaman na stressed ka na pala.

1. Hair Loss.

Kapag nakakaranas ka ng hair loss lalo na tuwing naliligo ka o habang nagsusuklay, it's time to evaluate your current situation. 

2. Biglang Pag-iba ng Timbang.

Ang stress ay maaring maging rason sa pagbaba ng timbang dahil sa kawalan ng ganang kumain. Pero maari rin sa pagbigat ng timbang kung saan naman dahil sa pagbagal ng metabolismo ng katawan.

3. Pagiging Balisa.

Kapag  lage pakiramdam mo hindi ka komportable, balisa at di kumalma, yan ay mga sintomas na overstressed ka na. Kapag hindi naagapan, maari itong lumala.

4. Kawalan ng Gana Makipag-Sex.

Ang stressed ay pwede rin magresulta sa kawalan ng ganang makipagtalik dahil pinapababa nito ang level ng oxytocin o love hormone sa ating katawan.

5. Hirap sa Pagtulog.

Isa ring senyales sa pagiging stressed ay ang pagkakaroon ng insomnia o laging hirap sa pagtulog. Kaya kung ano man ang dahilan ng pagkakaroon mo ng stress, dapat bigyan mo na ng sapat na panahon para ayusin at solusyonan.

6. Pabago-bagong Mood o Ugali.

Biglang nagbabago ang mood kapag stressed ka dahil nakakaapekto rin ito sa level ng iyong hormones.

7. Body Pains o Pananakit ng Katawan.

Ang stress ay maari ring maging dahilan sa mga iregularidad sa katawan mo at maaring magresulta sa palpitation, tense muscles, diarrhea, ulcer, stomach problems at chest pain o pananakit ng dibdib.

8. Laging Iniisip ang Trabaho.

Kadalasan sa stress ay nag-uugat sa trabaho. Kaya kapag lagi mo iniisip ang trabaho, mga bagay na dapat at obligasyong kailangan mo pang gawin, magiging stressed ka lang lalo. Kailangan mo rin mag-relax at mag-enjoy kasama ang pamilya.

After all, ginagawa mo naman ang mga bagay-bagay para sa kanila. So why not make the most of your time with your family. It's all worth it.

Yan ay ilan lang sa mga halimbawa at palatandaan kung paano malalaman na stressed ka na pala.

Evaluate yourself. Kapag naranasan mo ang ilan d'yan, subukan mo naman magdahan-dahan.

After-all, your well-being is of utmost importance. 

Kapag may tanong ka, comment ka lang sa ibaba at pipilitin kong masagot kita agad.

 

Back to blog

18 comments

Madaling magalit
Biglang pag iyak

Ann

Ako po iba gusto gusto ko saktan sarili ko

Christina Sales

Nanghihina
Masakit na mga kalamnan

Mannex

Hello po may nararanasan na ako ilang sign nang streesed ako talaga..
Hair loss
Hindi masyadong makatulog
Sakit nang katawan
Pa Iba Iva and mood
Paano ko po yan maiwasan.

Jennylyn

Bakit ako mabilis mainis or magalit pag merong isamg bagay na wala na ngang kita hihingan ka pa at unti lang ang kita uutang pa? Bakit ako naiiyak pag na gagalit ako pr naiinis, bakit may pakiramdam ako na gusto ko nalang magpakamatay pero pag mag papakamatay na ako naiisip ko na marami pa akong gustong gawin

Katrina Manila

Leave a comment

Please note, comments need to be approved before they are published.