Sabi ni Elizabeth Wurtzel, " A human being can survive almost anything, as long as she sees the end in sight."
Pero iba ang pagkakaroon ng depression. Para kang nakakulong sa madilim na kwarto at wala kang nakikitang pinto palabas.
Mahirap harapin mag-isa ang depression kaya payo ng mga professionals na mahalaga ang suporta ng mga kaibigan at kakilala ng taong nakakaranas nito para maging gabay at makakatulong ibsan ang lungkot, pag-aalala at iba pang negatibong pakiramdam na dala ng depression.
Hindi natin masasabi pero baka may kakilala ka rin na nakakaranas ngayon ng depression at maari anumang oras ay kumontak sila para magkaroon ng emotional support at tulong mula sa'yo.
Sabi rin ng psychologist na si Selena C. Snow, PhD, ang mga taong nakakaranas ng depression daw ay may kakayahang makaunawa na hindi lang pala sila ang tahimik na nahihirapan sa sakit na yun kapag magkaroon sila ng suporta at pag-unawa mula sa mga taong naiintindihan rin ang kanilang nararamdaman.
Kaya napakalaking bagay ng encouragement para labanan ang sakit nila ng sabay dahil naiintindihan nila ang nararanasan ng bawat isa. Mula dun, sabay-sabay din nila itong haharapin at paunti-unting pagtagumpayan sa araw-araw.
At kung hindi mo pa nararanasan ang depression, maaring hindi mo rin maiintindihan kung paano sila tutulungan kaya dapat mong maintindihan ang ilang bagay para maipakita mo na importante sila sa'yo at nag-aalala ka para sa kanila. Kailangan nilang makita mula sa'yo na mahal mo sila at mahalaga sa'yo ang mga nararamdaman nila.
1. 'Wag mong balewalain ang nararamdaman nila.
One time nanood ako ng tv, isang kilalang comedian sa tv ang nag-joke tungkol sa depression. Ang punto niya ay ang depression daw ay kaartehan lang. Kinabukasan, inulan sya ng batikos hanggang humantong sa pagkakaroon niya ng public apology.
The truth is, isang seryosong kondisyon ang pagkakaroon ng depression. Kung ikaw may kakilala kang nakakaranas nito, wag mo rin silang balewalain at tratuhin na parang normal o wala lang. Dahil kapag ganun, parang binalewala mo at wala kang pakialam sa nararamdaman nila.
Kailangan mong pahalagahan at ipakitang naiintindihan mo ang pinagdadaanan nila. Dahil kapag nakita nila na nag-aalala ka para sa kanila, isang malaking bagay ito para sa kanila at kahit papaano ay gagaan at maiibsan ang lungkot na kanilang nararamdaman.
2. Di mo sila kailangan gamutin.
Dahil kung ganun lang sana kadali, sapat na ang isang consultation sa psychologist para gumaling yung nakakaranas ng depression. Pero ang totoo, maraming dahilan at sintomas ang depression kaya napaka-complicated nito.
Kaya imbis na subukan mo silang ipagamot, mas maigi na iparamdam mo sa kanila na andyan ka, nagmamahal, sumusuporta, umiintindi at nagpapasaya.
Kasi kahit malinis ang intensyon mo para sa kanila, di naman gamot ang kailangan nila kundi isang professional psychologist at ikaw. Dahil mas kailangan nila ng suporta at pagmamahal, hindi gamot.
3. Hindi sa lahat ng panahon nakakatulong ang pagiging palaging positibo.
Ang pagkakaroon ng suporta at positibong pananaw mula sa'yo ay napakahalagang bagay para sa isang taong malapit sa'yo na nakakaranas ng depression. Pero dapat dahan-dahan lang at wag sumubra sa pagpapa-realize ng mga positibong bagay kasi maaring kabaliktaran ang maging resulta nito sa kanila dahil nga hindi nila kaya o mas nakatuon ang pag-iisip nila sa mga negatibong bagay. At maari itong magresulta sa pagkakaroon ng mas negatibong pananaw.
4. Pakinggan mo sila.
Tanungin mo at hayaan mo silang magsalita tungkol sa nararamdaman nila kahit na puro negatibo ang sasabihin nila. Dahil mahalaga sa kanila ang magkaroon ng tagapakinig, nagbibigay atensyon at pagpapahalaga.
Wag mo silang iwasan na porke hindi mo alam kung ano ang sasabihin mo. Minsan kahit ang presensya, pakikinig at buong atensyon mo lang ay sapat na para maramdaman nila na mahalaga sila.
5. Intindihin mo ang nararamdaman nila.
Karapatan natin lahat ang magkaroon ng pagpapahalaga at bigyang importansya ang saloobin ng bawat isa. Yung tipong kahit minsan hindi mo sila maintindihan, malaking tulong na ang nagagawa ng simpleng pag-unawa mula sa'yo.
Unawain mo ang nararamdaman nila at sitwasyong nasa'n sila ngayon para matulungan silang iwaksi ang mga bagay na magpapaliit ng tingin nila sa sarili o magbibigay sa kanila ng labis na kalungkutan.
6. Lagi ka magpakita ng suporta.
Ang isang taong nakakaranas ng depression ay maaring nahihirapan sa paghingi ng tulong mula sa iba kung sakaling nangangailangan siya nito. Kaya napakaimportante na lagi kang nandyan para ipakita ang iyong pagmamahal at suporta sa mga panahong kailangan nila ito.
Iparamdam mo sa kanila na mahalaga sila para sa'yo at kung sakali man na kailangan nila ng tulong ay andyan ka lagi anumang oras na kailangan nila. Kusa mong ipakita ang suporta at pagmamahal mo at siguradong ma-appreciate nila ito.
7. Imbitahan mo silang lumabas.
Kadalasan kapag nakakaranas ng depression ang isang tao ay lagi na lang itong nagkukulong at ayaw lumabas ng kwarto. Kaya subukan mo silang imbitahan para magkaroon ng ibang activities kasama ang iba pang kapamilya kesa magkulong lage sa kwarto.
Dahil kapag nasubukan nila lumabas at mag-enjoy sa ilang activities ay maaaring magdulot ito sa kanila ng positibong bagay.
Pumayag man sila o hindi sa imbitasyon mo ay malaking bagay na para sa kanila at maiisip nila na meron palang mga tao na nagpapahalaga sa kanila.
8. Maglaan ng panahon para sa sarili.
Kahit gaano mo kagusto tulungan ang isang taong may depression, kailangan mo rin sigurohin na na maaalagaan mo pa rin ang sarili mo. Maglaan ka rin ng panahon para sa sarili mo ng hindi ka rin maging depressed.
Kung feeling mo pagod ka o nanghihina, ito ang mga senyales na kailangan mo rin magpahinga at mag-enjoy mag-isa para sa sarili mo.
Dahil kapag naging depressed ka na rin dahil sa kagustuhan mong tumulong at umunawa sa kanila, mas magpapalala lang ito ng nararamdaman nila kasi nadamay ka pa.
Dapat lage kang masaya at positibo para maging lakas nila kung kailangan nila nito.
Hindi madali ang mag-alala sa taong nakakaranas ng depression. Kaya kailangan mo rin ng good time para sa sarili mo. Mag-enjoy ka. Lumabas ka, gawin ang mga hilig mo, mag-gym ka. Magkaroon ng oras sa ibang mga kaibigan.
Maaring makaramdam ka ng guilt sa sarili mo pero pag hinayaan mo naman ang sarili mo at magpadala ka rin sa kalungkutan, mas lalong hindi iyon makakatulong sa'yo at sa mahal mo sa buhay na nakakaranas ng depression.
Ang depression ay isang seryosong kondisyon na nakakaapekto sa marami. Pero marami rin ang paraan na maari mong gawin para tugonan ito. Kung hindi ka man nakakaranas nito, siguro ang isang taong malapit sa'yo.
At para sa kanila, ang suporta at pagmamahal mo sa kanila sa mga panahong ito ay isang napakalaking bagay.
May kilala ka bang sa tingin mo ay may depression? Comment ka sa ibaba para matulungan natin sya.
157 comments
Good day po! Husband ko po depress po ba tawag don..kc po kapag galit cya lahat po nagagawa nya..lahat po ng bagay na mahawakan nya pag galit cya binabato nya skin tapos po may tym na mananakit na cya..tapos po lagi nyang sinasabi skin nga simula bata pa cya di nya naranasan ang pagmamahal ng kaniyang mga magulang..tapos po lagi cya galit at pag di na makuha ang kaniyang nais sa mga plano nya para cya mamamatay..puno po ng galit ang nararamdaman nya at puno ng sama ng loob sa mga naranasan nya sa kaniyang parent at kapatid..humihingi po ako ng advice ano po dapat kng gawin ..kng ito po ba ang depression..minsan po lahat nalang mali ang tingin nya sa mga ginagawa ko at lagi cya umiinom ng alak pag gabi..pag di cya nakainom buong gabi cya di makatulong..salamat po maghihintay ako ng replay nyo..salamat
Ang asawa ku po depress. Minsan po ngwawala na sya. Parang ung mga taong may ginawa hindi maganda sa kanya noon pag nakita po nya ngayon na depress sya inaaway po nya. Parng lumakas po ung loob nya na ilabas ung lahat ng galit nya ngayon. Ngwawala po sya. Tapos parng hindi po nya macontrol kung ano po ung naiisip nya un po ginagawa at sinasabi nya. E tahimik nmn po ang asawa ko.
meron po akng pinsan na depres dahil po na nasangkot sya sa pagnanakaw. pero di nman nya gginawa.. tpos bigala slang dinala sa police station at ininterview.. pagkatapos daw non di na dw nagsasalita di narin kumakain.. mnsan dw nanununtok pa sya mnsan sumisigaw. kpag naalala nya yung taong kasama nya sa trabahi.. yan yung nag nakaw. tpos bigla nlang nag wawala
May despresyon po ang kapatid kong lalaki. Paano po kaya namin siya matutulungan kung samin siya galit?😢 ilang taon na po siyang nagkukulong sa maliit na kwarto at lumalabas naman po sia kapag kakain, pro halos isang beses lang sia maligo sa isng bwan. Aftr niya kumain balik siya ulit sa kwarto. Ganun lang po ang routine nia arw2. At ndi po siya nakikipg usp samin. May time p na naggng bugnutin siya. Minsan nag dadabog. Nag umpisa lang po un nung magtapos siya sa highschool at bglanh parang nag iba anv ugali nia. Mabait naman siya nung mga bata kami hays sana bumalik na kapatid namin na dting normal at masayahin. 25yrs old n po siya ngaun.
Kapatid ko pong lalaki simula nung magtapos siya nung hs nagiba po ang ugali niya mdalas nia po kami makaaway magkakapatid dhl s mga simpleng bagy. Naging bastos din siya sa mga mgulang namin ndi nmin alm kng bkit siya naging ganun , Hanggang sa nagkulong nalang po siya sa kanyang kwarto at lalabas lang siya kapag kakain o maliligo dumating pa po sa time na nalilipasan na siya kaya hinahatiran siya palagi ng mama ko ng pagkain pero nasanay sia sa ganun at halos ndi na siya lumalabas ng kwarto.
Sinubukan po siya kausapin ng parents ko pro ndi siya umiimik , takot po kmi sknia kc mdlas nagagalit siya at sumisigaw. Humingi n kami ng tulong sa iba para mapalabas sia ng kwarto at madla sa ospital. Pagkadala sknia sa ospital okay naman siya kya niresetahan lang ng gamot at pinauwi pro balik parin siya sa pagkukulong sa kwarto. Para po kasi malaki ang galit niya samin na siguro akala nia pinagkakaisahan namin siya. Sobrang nalulungkot kami sa ngyri sa kapatid nmin. Umabot na po ng ng ilang taon na ganun siya at nakatatlong beses na rin po siyang dinala sa mga ospital at pina check up pro wala parin nagbago. Nakakulong lang siya sa kwarto at halos ndi na naliligo. 😢 naawa na ako sa kapatid ko gusto namin na maging masaya naman siya at maging maayos ang buhay nia. Sobrang sakit samin ang nagyyri sknia.