8 Tips Kung Paano Tulungan Ang Taong May Depression

8 Tips Kung Paano Tulungan Ang Taong May Depression

Sabi ni Elizabeth Wurtzel, " A human being can survive almost anything, as long as she sees the end in sight."

Pero iba ang pagkakaroon ng depression. Para kang nakakulong sa madilim na kwarto at wala kang nakikitang pinto palabas.

Mahirap harapin mag-isa ang depression kaya payo ng mga professionals na mahalaga ang suporta ng mga kaibigan at kakilala ng taong nakakaranas nito para maging gabay at makakatulong ibsan ang lungkot, pag-aalala at iba pang negatibong pakiramdam na dala ng depression.

Hindi natin masasabi pero baka may kakilala ka rin na nakakaranas ngayon ng depression at maari anumang oras ay kumontak sila para magkaroon ng emotional support at tulong mula sa'yo.

Sabi rin ng psychologist na si Selena C. Snow, PhD, ang mga taong nakakaranas ng depression daw ay may kakayahang makaunawa na hindi lang pala sila ang tahimik na nahihirapan sa sakit na yun kapag magkaroon sila ng suporta at pag-unawa mula sa mga taong naiintindihan rin ang kanilang nararamdaman.

Kaya napakalaking bagay ng encouragement para labanan ang sakit nila ng sabay dahil naiintindihan nila ang nararanasan ng bawat isa. Mula dun, sabay-sabay din nila itong haharapin at paunti-unting pagtagumpayan sa araw-araw.

At kung hindi mo pa nararanasan ang depression, maaring hindi mo rin maiintindihan kung paano sila tutulungan kaya dapat mong maintindihan ang ilang bagay para maipakita mo na importante sila sa'yo at nag-aalala ka para sa kanila. Kailangan nilang makita mula sa'yo na mahal mo sila at mahalaga sa'yo ang mga nararamdaman nila.

1. 'Wag mong balewalain ang nararamdaman nila.

One time nanood ako ng tv, isang kilalang comedian sa tv ang nag-joke tungkol sa depression. Ang punto niya ay ang depression daw ay kaartehan lang. Kinabukasan, inulan sya ng batikos hanggang humantong sa pagkakaroon niya ng public apology.

The truth is, isang seryosong kondisyon ang pagkakaroon ng depression. Kung ikaw may kakilala kang nakakaranas nito, wag mo rin silang  balewalain at tratuhin na parang normal o wala lang. Dahil kapag ganun, parang binalewala mo at wala kang pakialam sa nararamdaman nila.

Kailangan mong pahalagahan at ipakitang naiintindihan mo ang pinagdadaanan nila. Dahil kapag nakita nila na nag-aalala ka para sa kanila, isang malaking bagay ito para sa kanila at kahit papaano ay gagaan at maiibsan ang lungkot na kanilang  nararamdaman.

2. Di mo sila kailangan gamutin.

Dahil kung ganun lang sana kadali, sapat na ang isang consultation sa psychologist para gumaling yung nakakaranas ng depression. Pero ang totoo, maraming dahilan at sintomas ang depression kaya napaka-complicated nito.

Kaya imbis na subukan mo silang ipagamot, mas maigi na iparamdam mo sa kanila na andyan ka, nagmamahal, sumusuporta, umiintindi at nagpapasaya.

Kasi kahit malinis ang intensyon mo para  sa kanila, di naman gamot ang kailangan nila kundi isang professional psychologist at ikaw. Dahil mas kailangan nila ng suporta at pagmamahal, hindi gamot.

3. Hindi sa lahat ng panahon nakakatulong ang pagiging palaging positibo. 

Ang pagkakaroon ng suporta at positibong pananaw mula sa'yo ay napakahalagang bagay para sa isang taong malapit sa'yo na nakakaranas ng depression. Pero dapat dahan-dahan lang  at wag sumubra sa pagpapa-realize ng mga positibong bagay kasi maaring kabaliktaran ang maging resulta nito sa kanila dahil nga hindi nila kaya o mas nakatuon ang pag-iisip nila sa mga negatibong bagay. At maari itong magresulta sa pagkakaroon ng mas negatibong pananaw.

4. Pakinggan mo sila.

Tanungin mo at hayaan mo silang magsalita tungkol sa nararamdaman nila kahit na puro negatibo ang sasabihin nila. Dahil mahalaga sa kanila ang magkaroon ng tagapakinig, nagbibigay atensyon at pagpapahalaga.

Wag mo silang iwasan na porke hindi mo alam kung ano ang sasabihin mo. Minsan kahit ang presensya, pakikinig at buong atensyon mo lang ay sapat na para maramdaman nila na mahalaga sila.

5. Intindihin mo ang nararamdaman nila.

Karapatan natin lahat ang magkaroon ng pagpapahalaga at bigyang importansya ang saloobin ng bawat isa. Yung tipong kahit minsan hindi mo sila maintindihan, malaking tulong na ang nagagawa ng simpleng pag-unawa mula sa'yo.

Unawain mo ang nararamdaman nila at sitwasyong nasa'n sila ngayon para matulungan silang iwaksi ang mga bagay na magpapaliit ng tingin nila sa sarili o magbibigay sa kanila ng labis na kalungkutan.

6. Lagi ka magpakita ng suporta.

Ang isang taong nakakaranas ng depression ay maaring nahihirapan sa paghingi ng tulong mula sa iba kung sakaling nangangailangan siya nito. Kaya napakaimportante na lagi kang nandyan para ipakita ang iyong pagmamahal at suporta sa mga panahong kailangan nila ito.

Iparamdam mo sa kanila na mahalaga sila para sa'yo at kung sakali man na kailangan nila ng tulong ay andyan ka lagi anumang oras na kailangan nila. Kusa mong ipakita ang suporta at pagmamahal mo at siguradong ma-appreciate nila ito.

7. Imbitahan mo silang lumabas.

Kadalasan kapag nakakaranas ng depression ang isang tao ay lagi na lang itong nagkukulong at ayaw lumabas ng kwarto. Kaya subukan mo silang imbitahan para magkaroon ng ibang activities kasama ang iba pang kapamilya kesa magkulong lage sa kwarto.

Dahil kapag nasubukan nila lumabas at mag-enjoy sa ilang activities ay maaaring magdulot ito  sa kanila ng positibong bagay. 

Pumayag man sila o hindi sa imbitasyon mo ay malaking bagay na para sa kanila at maiisip nila na meron palang mga tao na nagpapahalaga sa kanila.

8. Maglaan ng panahon para sa sarili.

Kahit gaano mo kagusto tulungan ang isang taong may depression, kailangan mo rin sigurohin na na maaalagaan mo pa rin ang sarili mo. Maglaan ka rin ng panahon para sa sarili mo ng hindi ka rin maging depressed.

Kung feeling mo pagod ka o nanghihina, ito ang mga senyales na kailangan mo rin magpahinga at mag-enjoy mag-isa para sa sarili mo.

Dahil kapag naging depressed ka na rin dahil sa kagustuhan mong tumulong at umunawa sa kanila, mas magpapalala lang ito ng nararamdaman nila kasi nadamay ka pa.

Dapat lage kang masaya at positibo para maging lakas nila kung kailangan nila nito.

Hindi madali ang mag-alala sa taong nakakaranas ng depression. Kaya kailangan mo rin ng good time para sa sarili mo. Mag-enjoy ka. Lumabas ka, gawin ang mga hilig mo, mag-gym ka. Magkaroon ng oras sa ibang mga kaibigan.

Maaring makaramdam ka ng guilt sa sarili mo pero pag hinayaan mo naman ang sarili mo at magpadala ka rin sa kalungkutan, mas lalong hindi iyon makakatulong sa'yo at sa mahal mo sa buhay na nakakaranas ng depression.

Ang depression ay isang seryosong kondisyon na nakakaapekto sa marami. Pero  marami rin ang paraan na maari mong gawin para tugonan ito. Kung hindi ka man nakakaranas nito, siguro ang isang taong malapit sa'yo.

At para sa kanila, ang suporta at pagmamahal mo sa kanila sa mga panahong ito ay isang napakalaking bagay.

May kilala ka bang sa tingin mo ay may depression? Comment ka sa ibaba para matulungan natin sya.

Back to blog

156 comments

Hi po. Goodeve. Nagsearch po kasi ako sa google about sa depression. Kasi yung boyfriend kopo napapansin ko sa kanya yung mga symptoms ng depression. Kasi tuwing nag sheshare siya ng problema sakin ay ang madalas niyang sinasabi tungkol sa ate niya na mas favorite raw siya ng magulang niya mula pagkabata. Dalawa kasi silang magkapatid. Since teenager pa niya po ito dinadamdam e 29 na siya ngayun ang tagal na. Tapos napapansin ko lumalala siya ngayun naman galit siya sa magulang niya. Mas lumala sama ng loob niya. Tapos kapag ang sheshare siya ng problema sakin ayaw niyang advisan ko siya gusto niya makinig lang ako kasi kung hindi, idadamay niya ako ako yung aawayin niya. Tapos kung anu yung paniniwala niya dun na lataa siya nakafucos. Tapos yung mga nakapaligid sakanya madali siyang mairita. Madami papong symptoms na feeling ko depression. Pero base po sa sinabi ko? Ugali niya lang poba yun o possible na depressed siya?.

Jaycel Mendez

May kilala po akong depress na tao. Mga naging sanhi ng depression niya 1. Family problem – Hindi na po kase nagkakaunawaan ang papa at mama niya nagkaroon po ng third party both side sa mama and papa niya, sa mga kapatid niya hindi na rin sila nagkakaunawaan parang wala ng tulungan. Sa kagustuhan niyang ayusin ang pamilya niya nadedepress na rin siya. Madalas na siyang galit at antukin na din. 2. Estado niya sa buhay – Na dedepress sya sa life kase feeling niya wala na syang narating sa buhay. Bumababa ang tingin niya sa sarili niya. 3. Gusto niyang lumayo pero ang daming humahadlang isa na yon pamilya niya hindi niya maiwan. Ano po ang dapat gawen ?

Rose

Hello, I’m the one who suffering depression,Nagsimula lang depression na ito sakin after break-up,,I don’t know what to say, nasa akin lahat ng symptoms na ito , ayaw kong kumausap ng tao, naiirita ako kahit di naman, ayaw kong lumabas ng kwarto, nawawalan ako ng pag asa sa sarili ko tingin ko patapon ako, palagi rin akong inaantok minsan naman di ako makatulog , overthinking masyado na maraming what if sa sarili ko.. problem sa family , friend , every time na nagsasabi ako sa mga kaibigan ko na may sakit akong depression no one of them na naniniwala, kaartehan ko lang daw and evertime I talked to my family about my thoughts they always ignored me😓, minsan wala akong ganang kumain..and wala na akong ganang gumala or I lost my interest of all things 🙄😒..may malaking takot sa puso ko na di ko alam kun saan galing , may malaking kulang sa pagkatao ko na di ko alam kun bakit 🙄🙄,,and lastly nawawalan na akong ganang mabuhay..gusto ko nalang matulog ng matulog na di na magising.. Nilalabanan ko lang to I know God is good and God is always with me..tnx for this information, I hope na may makaunawa sakin kahit na isa lang sa mga taong nakapaligid sakin🙄😒😒,,

Pinky B. Dacillo

Hi I’m mitch mula NG aswa aq dumnas n me NG Ibat ibng pgsubok npngaswa ko, iresponsable na ako ngpursige s buhay nmin ako gumgw ng praan pr mbuhay lgi nlng me s abroad pr s future nmin wait ko n mgbgo pero hinihila nya me pbaba hnggang s nhuli ko nnmn yung iniisip u n mbuo pamilya u pero cya sumisira nkkpgod dn pl my hngganan dn ang Lht 20 yrs me NG suffer s gnung sitwasyon. Hiniwlayan ko na dn awa n aq s srili ko pero ayw nya pumyag pra skin wla na dn ksi wla n dn tiwla at love. Ok nmn s mga ank ko naintindihan ako.

Mitch

Hai im sweet pearl..madalas po ako laging galit.nawawalan ng tiwala sa sarili ..umiiyak ..tulala lage..madaling masaktan pag mkaranig ng masasakit na salita.minsan sinasaktan ko sarili ko sinasampal ko mukha ko .lage ko nararamdaman na malungkot ako at nag iisa ,feeling ko walang nagmamahal sa akin ,daming discouragement sa buhay bobo daw ako ,

Sweetpearl

Leave a comment

Please note, comments need to be approved before they are published.