Bakuna sa Kanser Handa na Para Subukan sa Tao

Isang bakuna para sa cancer ang unang sinubukan sa mga dagang may cancerous tumors o bukol ang nagkaroon ng 97% positibong resulta. Dahil dito, ang nasabing bakuna ay naaprobahan na para subukan rin sa mga tao.

Ilang mga scientist ang tagumpay na nakagawa ng bakuna para labanan ang cancer. Naglalaman ito ng tinatawag na dalawang immune stimulators na ina-activate ang T-cells sa ating immune system para tunawin ang bukol sa loob ng katawan.

Kadalasan, kapag may bukol na tumubo ay malalaman ito ng T-cells sa katawan natin at pipigilan. Pero kapag ang cancer cells ay dumadami pa rin, nasu-suppress na nito hanggang ma-outnumber ang T-cells sa ating immune system.

Kaya ang ginagawa ng bakuna ay nire-reactivate nito ang suppressed T-cells.

Sa isang pag-aaral sa mga daga na may multiple cancer gaya ng lymphoma, breast at colon cancer, nakapagtala sila ng 87 mula sa 90 dagang may bukol ang naging cancer-free kahit pa man ang bukol ay kumalat na sa iba pang parte ng katawan  ng daga.

Nangyari ito dahil ang active T-cells ay may kakayahang lumipat mula sa isang bukol papunta sa iba pang parte ng katawan na may bukol rin para pigilan ang patuloy na pagtubo nito sa loob.

Ang bakuna ay naglalaman ng tinatawag na dalawang(2) key agents. Ang una ay isang maliit na bahagi ng DNA na tinatawag na CpG oligonucleotide na tumutulong sa production ng receptor sa T-cells na nagpapa-activate naman sa mga ito.

Ang pangalawa ay isang antibody na nagkokonekta ng mga receptor sa T-cells para maging activated ang mga ito at magkaroon ng kakayang labanan ang cancer cells.

Ang dalawang key agent na ito ay direktang ini-inject sa tumor o bukol na nagreresulta sa T-cells sa loob ng tumor para maging activated na kung saan naman ay nalalaman agad nito ang presensya ng cancer cells at agad na pinupuksa.

Para magkaroon ka ng idea kung paano mag-eliminate ng cancer cells ang mga T-cells, panoorin mo ang video na'to.


Ang tawag sa cancer treatment na ito ay immunotheraphy o ang pag-atake sa mga cancer cells gamit mismo ang immune system ng ating katawan.

Ang human trial para sa prosesong ito ay nakatakdang isagawa sa katapusan ng taong 2019.

Kamakailan lamang, inaprobahan ng FDA sa america ang tinatawag na CAR-T cell therapy para gamutin naman ang ilang uri ng leukemia at lymphoma.

Ang prosesong ito ay ang pagtatanggal ng immune cells sa katawan ng pasyente pagkatapos ay ginagawang "genetically engineered" at ibabalik uli sa katawan para labanan ang tumor cells.

Kaso nga lang, ang prosesong ito ay mahal at kailangan ng mahabang panahon.

Special thanks to:
Ben Towne Center for Childhood Cancer Research
Seattle Children's Research Institute
Universite de Lausanne
Cambridge University

Back to blog

Leave a comment

Please note, comments need to be approved before they are published.