3 Ultimate Superfoods Para Pigilan ang Pagtaas ng Blood Sugar At Diabetes

Ang sebada (tagalog ng barley) ay isang uri ng butil (whole grain) na nagmumula sa halaman o taunang damong Hordeum vulgare. Ginagamit ang halaman o pananim na ito at nagisisilbing pagkain para sa mga hayop.

Ginagamit din ito para sa paghahanda ng mga pagkaing pampalusog. Kasama ng trigo, isa ang sebada sa pinagmumulan ng mga pampaalsa na ginagamit sa pagluluto ng tinapay.

Sa ngayon, marami ng pag-aaral ang isinagawa tungkol sa sebada o barley at napag-alaman na marami itong taglay na benepisyo para magsilbing lunas kahit pa sa ilang chronic disease gaya ng diabetes.

Walang gamot ang diabetes. Kaya kung meron ka nito, habang buhay mo na itong dadalhin. 

Pero maaari pa ring magkaroon ng normal na buhay ang isang diabetic. Ang dapat lang na tandaan at pangalagaan ay ang pagpapanatili ng blood sugar sa tamang level.

Dahil ang di-makontrol at patuloy na pagtaas ng blood sugar ay maaaring maging dahilan ng pagkakaroon ng ilang komplikasyon sa ibang organs ng katawan.

BARLEY FOR MANAGING DIABETES


Ilan sa mga ito ay ang pagkakaroon ng heart disease, stroke, kidney disease, eye problems at nerve damage na maaring matuloy sa amputation o pagputol sa parte ng katawan na may impeksyon.

Ang mga impeksyon rin na ito ay kadalasan nagsisimula sa paa.

Walang namatay sa diabetes kundi sa mga komplikasyong kasama nito kapag napabayaan ang pagtaas ng blood sugar.

Para mabantayan ang blood sugar, ilan sa mga maaaring gawin ay ang pag-ehersisyo, pag-iwas sa mga pagkaing mayaman sa carbohydrates at mga matatamis, process foods, fruit juice, soda atbp.

Ang ilang mga pagbabago gaya ng pagkakaroon ng healthy lifestyle ay napakainam para magpatuloy at maging normal ang pang-araw araw na buhay ng isang taong diyabetiko.

Dahil kailangan ng bantayan ang mga kinakain sa araw-araw para masigurado ang tamang level ng blood glucose, malaki rin ang benepisyong makukuha sa barley para labanan ang diabetes at tulungan ang katawan para mapanatili ang tamang blood sugar level.

Ayon sa isang pag-aaral na isinigawa noong February 9 2016 sa Lund University sa Sweden, ang barley ay nakakatulong para palakasin ang kalusugan sa pamamagitan ng pagpapababa ng blood sugar at para pigilan ang diabetes. 

Ang dietary fibers na taglay rin ng barley ay nakakapagpababa sa gana ng pagkain at sa pagkakaroon ng heart disease.

Ang kawalan ng gana sa pagkain ay nakakatulong sa isang diyabetiko para mapababa rin ang timbang dahil karamihan ng mga diabetiko ay may mabigat na timbang.

Ayon kay Anne Nilsson, Associate Professor ng Food for Health Science Centre at isa sa mga tagasaliksik- ang mga taong kalakip sa naturang pag-aaral ay nakitaan ng ilang pagbabago sa metabolismo ng kanilang katawan.

Kasama na rin dito ang ilan pang benepisyo sa kalusugan tulad ng pagbaba ng blood sugar at insulin level, pagtaas ng insulin sensitivity at appetite control.

 Dagdag pa ni Doctor Nilsson, ang barley ay nakakadagdag rin sa gut hormones na nagpapanatili sa regularidad ng metabolismo at gana sa pagkain. 

Kasabay rin nito ay ang pagtaas naman ng isang uri ng hormone na tumutulong para mapababa ang pagkakaroon ng chronic low-grade inflammation.

At pagdating ng araw, makakatulong ito para pigilan ang pagkakaroon ng cardiovascular disease at iba pang maaring maging komplikasyon ng diabetes.

Ayon din sa isang pag-aaral sa University of Gothenburg sa Sweden pa rin, ang dietary fibers na matatagpuan sa barley ay nakakadagdag sa mga gut bacteria na Prevotella copri.

Ito ay isang uri ng gut bacteria na may direktang epekto sa pagpapababa ng blood sugar level.

Pero maliban sa kakayahan ng barley para mag-regulate ng blood sugar at bowel movement, taglay rin nito ang maraming nutrisyong dala ng B Vitamins, vitamin A, iron, calcium, potassium at phosphorus na kailangan natin sa araw-araw.

Dahil rin sa mababang glycemic index nito na nasa 25 lang ay mainam talaga ito para sa mga may type 2 diabetes.

 Mabuti na lang kahit walang tanim na barley dito sa Pilipinas, maari pa rin natin e-enjoy ang health benefits na dala ng barley.

    Isa pang uri ng superfood ay ang Wheatgrass.

    Ang wheatgrass ay may taglay naman na antioxidant, antibacterial at anti-inflammatory properties.

    Mayaman ito sa:

    • iron
    • calcium
    • active enzymes
    • magnesium
    • phytonutrients
    • 17 amino acids
    • vitamins A,C,E,K and B- complex
    • chlorophyll

     

    Ang mga nutrisyong nakukuha sa wheatgrass gaya ng chlorophyll ay kayang magtanggal ng dumi at toxins sa ating katawan habang tumutulong sa liver functions.

    Ang chlorophyll molecules din ay halos katulad lang ng hemoglobin at nakakadagdag ng blood cell count. Kaya napapanatili din ang tamang blood pressure.

    Ang mataas na level ng enzymes na matatagpuan rin sa wheatgrass ay tumutulong sa iyong panunaw at absorption mula sa mga pagkain.

    Binabawasan nito ang sobrang hangin sa tiyan, pagiging bloated, constipation, irritable bowel movement at iba pang digestive issues.

    Nakakatulong din ang wheatgrass sa pagpapababa ng timbang na kadalasan naman nagiging dahilan ng pagkakaroon ng diabetes. 

    Mababa rin ang calorie content at fats nito at may natural appetite suppressant kaya para kang busog palagi.

    Ang diabetes ay maaring magresulta sa pagtaas ng cholesterol level na maari namang lumala sa pagkakaroon ng heart disease.

    Sa isang pag-aaral na isinagawa sa Sethi noong 2010 tungkol sa oxidative stress at high-fat diet, ang patuloy na supplementation ng wheatgrass ay nakakapigil sa pagtaas ng bad cholesterol habang pinapadami ang good cholesterol.

    Ibig rin sabihin nun, nakakatulong ang wheatgrass para iwasan ang pagkakaroon ng heart disease.

    Pero kung gusto mong kumain ng pagkaing mayaman sa good cholesterol, kumain ka ng bulalo.

    Ang wheatgrass ay nakakatulong rin pagdating sa mental health. Isang halimbawa nito ay ang kakayahan nitong iwasan ang pagkakaroon ng anxiety.

    Ang neuroprotective effects nito ay tumutulong rin sa cognitive function at iwasan ang pagkakaroon ng Alzheimer's disease.

    May benepisyo ring makukuha ang mga diabetic mula sa pagkonsumo ng wheatgrass dahil nakakapagpababa ito ng blood sugar level sa pamamagitan ng pagpapababa ng glycemic index ng mga pagkain.

    Taglay kasi ng wheatgrass ang isang uri ng compound na may kaparehong epekto ng insulin sa katawan.

    Ang anti-inflammatory properties naman ng wheatgrass ay kayang pigilan ang ilang sintomas ng arthritis gaya ng paninigas, pananakit at pamamaga.

     Sa dami ng benepisyo ng wheatgrass, ilan ring mga produkto ngayon tulad ng frozen juice, powder, tablets, lotions at sprays ang lumulutang para patotohanan ang mga benepisyong ito.

    Batay sa isang pag-aaral nung 2013, ang wheatgrass ay may kakayahang pagalingin ang sakit na diabetes.

    Ito ay dahil sa taglay nitong ethanolic extracts na kilala na may anti-diabetic effects.

    At dahil rin sa antioxidant properties nito, bumababa ang level ng oxidation ng glucose, protein at lipids na siyang pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng diabetes.

    Ang mataas na blood sugar level sa katawan rin ay pangunahing panganib para sa pagkasira ng blood vessels.

    Para  maiwasan rin ang pagkakaroon ng chronic inflammation, dapat palagi kang umiinom ng anti inflammatory wheatgrass juice.

    Ayon din sa pag-aaral ng Phytotherapy Research, ang polysaccharides mula sa wheatgrass ay may taglay na anti-inflammatory effects na tumutulong pigilan ang anumang liver damage.

    Kaya ang wheatgrass extract lalo na ang juice na gawa dito ay may taglay na anti-inflammatory properties na tumutulong pigilan ang inflammation sa blood vessels at leg and foot ulcer sa diabetes.

    Batay sa pag-aaral na sinulat ng International Journal of Food and Nutritional Sciences noong 2013, ang wheatgrass rin daw ay may positibong epekto para sa pagbabawas ng timbang.

    Ang wheatgrass juice mula rito ay mura pero epektibong paraan para bawasan ang timbang simply by stimulating the metabolism at pagpigil sa food cravings na siyang dahilan para sa walang kontrol na pagkain.

    Ang pagkakaroon ng mabigat na timbang ay isa rin sa risk factors sa pagkakaroon ng diabetes.

     Ang wheatgrass ay may kakayahan rin na pagalingin ang mga sugat na mula sa pagkakaroon ng leg and foot ulcers.

    Ito ay dahil sa chlorophyll na ayon sa ilang pag-aaral ay may taglay na bacteriostatic activity na tumutulong pagalingin ang sugat. 


    Sa kabilang banda, ang Mangosteen ay may malakas na uri ng antioxidants na pumipigil sa mga free radicals sa katawan na siya namang panimula sa pagkakaroon ng ilang malalang karamdaman o chronic diseases.

    Ang xanthone na nasa mangosteen ay isang uri ng malakas na antioxidant dahil sa kanyang anti-inflammatory, anti-aging, anti-cancer at anti-diabetic effects.

    Ayon sa PubMed, ang xanthone daw ay maaaring makakapagpababa sa mataas na blood sugar level.

    Kamakailan lang sa isang pag-aaral na kinabibilangan ng mga babaeng may mabigat na timbag, sa loob ng 26 linggo ng pagpapa-inom sa kanila ng 400mg mangosteen supplement araw-araw ay nakitaan sila ng pagbaba ng insulin resistance sa katawan.

    Ang mangosteen ay mayaman din sa fiber kung saan nai-stabilize niya ang blood sugar at pagkakaroon ng control sa sakit na diabetes.

    Sa ilan pang siyentipikong pa-aaral, napag-alaman na ang xanthone pala na nasa mangosteen ay may kakayahang magdagdag ng natural na lakas, nakapagpapababa ng timbang at nakakapagpa-normal sa sirkulasyon ng dugo.

    May ilang tao na bumaba ng 50 points ang blood sugar level nila pagkatapos uminom ng mangosteen supplement.

    Kaya napakalaking bagay nito para sa mga taong may Type 1 at Type 2 Diabetes at pati na rin sa ilang mga may chronic inflammation.

    Kung susumahin, ito ang ilan sa mga maaring maitulong ng mangosteen sa ating katawan.

    • Anti-aging
    • Anti-biotic
    • Alzheimers
    • Parkinsons
    • Anxiety
    • Antioxidants
    • Anti-Allergy
    • Anti-depressant
    • Periodontal (gum health)
    • Eye health
    • Migraines
    • Skin rashes
    • Hypertension
    • Pan systemic
    • Energizer (Energy booster)
    • Anti-Inflammatory
    • Anti-Tumor
    • Analgesic (Pain reducer)
    • Nerve pain
    • Anti-pyretic (Lowers fevers)
    • Anti-viral
    • Stimulates red blood cell growth
    • Ulcers, Osteoporosis
    • Immune Modulator (help immune system)
    • Cardio protective (helps protect heart)
    • Cataracts
    • Irritable bowel syndrome
    • Anti-fungal
    • Anti-pathogenic (reduce pathogens)
    • Anti-parasitic
    • Supports weight loss
    • Hardening of the arteries
    • Anti-lipidemic (lowers blood fat)
    • and Anti-diabetic (lowers blood sugar)

    Ang matindi pa dun, ang mangosteen ay may kakayahan din pumatay ng cancer cells.

    Buti na lang mapapakinabangan natin ang mga health benefits ng barley, mangosteen at wheatgrass sa iisang produkto lang.

    Ito ay sa pamamagitan ng  Santé Barley na may kasamang Wheatgrass at Mangosteen.

    Gumagamit ang Santé ng young barley grass mula sa New Zealand, natural na pinatamis ng Stevia. Ang isang serving ay mayaman sa bitamina, amino acids, minerals, magnesium, calcium, at enzymes.

    Visit this site for Santé Barley Product Testimonial:
    https://gmaglasang.barleyfordiabetes.com/

    Ito ay kilala sa buong mundo dahil sertipikado ito ng International Standard Organization (ISO).

    Ang ilan pang mga produkto ng Santé Barley ay dumaan sa mabusising pananaliksik na umabot ng walong taon at may kabuuang gastos na aabot sa isang bilyong piso para lang mapagtagumpayan at maiabot ang mga benepisyong dulot ng mga produktong ito.

    Kaya naman ang mga produkto ng Dr. Vita ay

    Highly-effective dahil may worldwide patent.
    100% safe dahil may GMP, ISO, HACCP Certificate.
    Internationally known.

    Ang isang capsule ng Santé Barley ay katumabas ng 15 baso ng fruit juice at 8 kilo at 50 uri prutas at gulay.

    Ilan pa sa mga benepisyong taglay ng Santé Barley ay ang mga sumusunod:

      • Panlaban sa cancer cells
      • Nakakapaglakas ng immune system
      • Pinipigilan ang anumang allergies
      • Nakakapagpababa ng cholesterol level
      • Pinipigilan ang sipon at trangkaso
      • Anti-aging
      • Tumutulong sa circulation ng dugo
      • Natural na energy-booster
      • Pang-iwas sa arthritis

    Kaya kung gusto mo masubukan ang healing properties ng pinagsamang barley, wheatgrass at mangosteen, maari mong subukan ang  Santé Barley .

    Kung may tanong ka pa, maari ka mag-comment sa ibaba at pipilitin kong sagutin kita agad.

    Back to blog

    6 comments

    hellow po doc. 115 po ang blood sugar ko may diates n po ba ako at okey po ba na. uminom ako ng barkey? maraming salamat po

    marinette matira boongaling

    Ang mother ko po ay 65 yrs old at may diabetis..madami po cya iniinum na gamot at nag insulin na din.ang timbang nya ay inabot ng 32.5…kung mag take po ba siya ng barley at pupwedi i stop ang insulin..at maari po ba na tumaba cya uli.
    Thank you po

    Milyn

    magkano po isa ng wheat grass

    david palapo

    pwede po ba uminom ng wheat grass,mangosteen,barley kahit may maintenance na na iniinom na metformin

    david palapo

    Magkano po ang Dr. Vita Barly Juice?

    Estrella Garcia

    Leave a comment

    Please note, comments need to be approved before they are published.