Medyo makakalimutin ka na ba? O kaya wala sa focus? Ang mas malala pa, yung tawagin ka na... (insert atty. gadon)
Kaya bago ka pa mawala sa sarili mo, ito ang 10 bagay na dapat mo iwasan para palakasin ang iyong brain power at maging productive ka na uli sa lahat ng ginagawa mo.
1. PAGPUPUYAT
Ang pagtulog ay isang paraan para ang utak natin ay makapagpahinga rin. Kaya kung lagi kang kulang sa tulog, mapapabilis ang pagkasira ng iyong brain cells.
2. MAHILIG SA MATATAMIS
Ang sobrang asukal sa mga kinakain ay pumipigil sa absorption ng protein at ibang nutrients na nagreresulta naman sa malnutrition na maaring magpabagal ng brain development.
3. AIR POLLUTION
Ang utak ang may pinakamaraming nako-consume na oxygen kesa sa ibang parte ng katawan ng tao. Ang paglanghap ng maruming hangin ay nakapagpababa sa supply ng hangin sa utak na pinapababa naman ang brain efficiency nito.
Ang pagiging masipag sa trabaho o kaya ang pag-aaral sa mga bagay-bagay kahit may sakit na ay nakakaapekto rin sa effectiveness ng pag iisip.
Ang pag-iisip ay isang mainam na paraan para makapag-exercise ang utak. Ang kakulangan ng mga bagay na iisipin o pagtutuunan ng pansin ay nakakaapekto sa pagliit ng utak.
6. PAGIGING OA (OVER ACTING)
Madalas ka bang maging OA kahit saan? Ang pagiging overacting ay nakakaapekto sa pagtigas ng brain arteries na nagreresulta naman sa pagbaba ng iyong mental power.
7. MADALAS NA PANINIGARILYO
Ito ay maaring magresulta sa pagkakaroon ng Alzheimer's disease.
8. TINATAKPAN ANG MUKHA KAPAG NATUTULOG
Ang pagtulog ng may nakatakip sa ulo ay nagpapataas ng tsansa sa pagkakaroon ng carbon dioxide habang pinapababa ang concentration ng hangin na maaring magresulta sa ilang brain damaging effects.
9. WALANG MATINONG KAUSAP
Ang pakikipag-diskusyon sa ibang tao o sa kahit ano at pakikipagpalitan ng kuro-kuro ay isang paraan para mas mapatalas ang pag-iisip(basta wag ka lang makipag-away).
10. SKIPPING BREAKFAST
Kapag hindi ka mahilig mag-breakfast o nag-skip ng meal, mas mataas ang chance mo na magkaroon ng low blood sugar level.
Ang mga ito ay ilan lang sa mga bagay na dapat mong iwasan kung gusto mo maging produktibo sa lahat ng ginagawa mo.
Ngayon, ilan kaya sa mga bagay na'to ang hanggang sa ngayon ay ginagawa mo?
Comment ka sa ibaba at kapag may time ako, pipilitin kitang sagutin.