Colloidal Silver vs Antibiotic: Alin ang mas epektibong gamitin?

Noong 1928, nakilala ng mundo ang penicillin at bumago sa kasaysayan dahil sa kakayahan nitong gamutin ang mga bacterial infections na dati ay wala pang lunas. Ang penicillin ay gawa ni Alexander Fleming at tinagurian na pinakaepektibong antibiotic hanggang sa kasalukuyan.

Ang problema lang sa mga antibiotic, hindi nito kayang sugpuin lahat ng single bacterial organism. Kapag ang isang malakas na uri ng bacteria ay hindi nito napatay, dadami ang mga ito at  magkakaroon ng antibiotic resistant strain. Magiging immune at makakapag-adopt sa epekto ng antibiotic hanggang sa hindi na mapipigilan ang pagdami.

Dahil sa mga ganitong pangyayari, maraming mga tao ang naghahanap ng natural na alternatibong paraan para mapigilan ito. Yun ay sa katauhan ng colloidal silver.

Ang colloidal silver ay isang napakaepektibong alternatibo ng antibiotic. Ito  ay isang kilalang gamit ng isang natural allopathic doctor tulad ni Dr. Mark Sircus.

Ang colloidal silver ay maliliit na butil ng element na silver na nakahalo sa tubig. Sa katunayan, sa sobrang liit ng butil ng silver ay hindi sila nakikita ng ordinaryong mata. Dahil rin sa napakaliit nila kaya hindi sila lumulubog sa ilalim at nananatiling nakahalo o nakadissolve sa water solution.

At hindi gaya ng antibiotic, ang colloidal silver ay may kakayahang pumatay ng mga masasamang microorganism  sa katawan ng tao ng hindi nadadamay ang mga probiotics o good bacteria.

Ang silver ay matagal ng ginagamit para iwasan ang ilang mga sakit gaya ng pagkalat ng mga mapaminsalang bacteria, virus at fungi simula pa ng daang taong nakalipas. Ito ay ginagamit rin bilang kasangkapan at imbakan ng mga pagkain. Karamihan nga sa mga gawang gamit pangkusina ay mula sa silver. Nakakatulong kasi ito para matagal mapanis at masira ang mga pagkain at pumipigil rin sa pagkalat ng sakit.

Pinaniniwalaan rin na si Alexander The Great ay nagkaroon ng mahabang buhay at may di kapani-paniwalang lakas dahil sa paggamit ng mga kobyertos na gawa sa tanso tulad ng kanyang iniinumang kopa.

Noong 1884, isang German obstetrician ang gumamit ng silver solution para tulungang iwasan ang pagkakaroon ng gonococcal opthalmia, isang kondisyon na dahilan sa pagkabulag ng mga bagong panganak na sanggol.

Ang silver ay dati ng kilala at ginagamit sa mga ospital para gamutin ang sugat at iwasan ang mga infections nung bago pa lumabas at nadiskobre ang antibiotic at mga synthetic na gamot.

Sa ngayon, unti-unting bumalik at nakikilala uli ang silver dahil sa mga lumilitaw na limitasyon ng mga antibiotic. Pero may mga negatibong epekto rin kapag hindi wasto ang proseso ng pagkakaroon o paggawa ng silver products at masobraan ang pagka-expose ng tao sa chemical compounds.

Ang tawag dito ay argyria. Ito ay kapag ang hindi tamang formula ng colloidal silver ay  magresulta sa pagkakaroon ng bluish-gray color ng balat. Kaya ang sobrang paggamit ng mababang uri ng silver products ay may masamang epekto sa katawan.

Pero kung tama ang formulation at may electrically-generated ions, napakaraming benepisyo nito para sa katawan ng taong gumagamit.

Maraming pag-aaral na rin ang nagsasabing ang silver daw ay may "amazing antimicrobial potential". Napag alaman sa isang pag-aaral noong 1988 sa UCLA na ang silver daw ay kayang pumatay ng mga bacteria, fungi at virus sa loob lang ng ilang minutong pagiging expose dito.

Sabi rin ni Dr. Robert Becker na mula sa Syracuse University na sa pag-aaral na ginawa ng mga researchers sa paaralan nila, napatunayan nila na lahat ng organismo na ini-expose nila sa silver ay namatay. Kahit pa yung mga resistant sa antibiotics.

Gusto mo ba subukan ang colloidal silver? Comment ka lang sa ibaba at ipapakita ko sa'yo.

Back to blog

3 comments

Ang anak ko po may depression at nag gagamot po sya,ano pa po ang pwede kong gawin para makatulong sa kanya na maging positibo sa panahon na negatibo kaisipan nya,sana matulungan nyo po ako nahihirapan din po ako pero sa tulong ng pananalangin ko nakakaya ko po🙏

Mildred Villaflores

Kapatid kopo
😭😭😭😭😭😭bago po mag locked down nag ka depressed po sya
😭😭

Maria Teresa bojo

pwede ba i spray directly sa throat o sa bunganga ang Amazing AG at hindi sa bibig lamang ng tulad ng description nyo???

Apollo Neil Rumbaoa Monroy

Leave a comment

Please note, comments need to be approved before they are published.