10 Health Benefits ng Luyang Dilaw Na Kailangan Mo sa Araw-araw

Hindi ako fan ng Luyang Dilaw dati. Pero isa sa mga paborito ko na pagkain ay curry, which surprises me sa simula nung malaman kong luyang dilaw o turmeric pala ang dahilan kaya ganun ang kulay niya.

Ang history ng luyang dilaw ay nagmula pa sa India libu-libong taon na ang nakalipas bilang isang pampalasa o spice o kaya naman bilang isang medicinal herb. Kung napanood nyo ang movie na "A Hundred Foot Journey" maiintindihan nyo kung gaano kayaman ang history ng India pagdating sa pagkain at spices.

Pero dahil ang focus natin ngayon ay ang ilang proven turmeric health benefits kung saan mapapakinabangan natin ng husto ang paggamit ng turmeric o luyang dilaw, simulan na natin ang countdown.

Ang Luyang Dilaw ay may Bioactive Compounds na May Powerful Medicinal Properties.

Ang compound na ito ay tinatawag na curcuminoids. At ang pinakaimportanteng bahagi naman nito ay ang curcumin. Ang curcumin ang pangunahing active ingredient ng turmeric. Ito ay may powerful anti-inflammatory effects at isang napaka-epektibong antioxidant.

Pero ang curcumin content ng isang turmeric ay 3% lang depende sa weight. Kaya kung gusto mo talaga masubukan ang epekto at totoong benepisyo ng curcumin, kailangan mo mag-take ng supplement na may turmeric extract at may katumbas na amount ng curcumin na kailangan ng katawan natin on daily basis.

Ang Curcumin ay Isang Natural Anti-Inflammatory Compound.

Ang curcumin ay isang napakalakas na anti-inflammatory. Kaya mainam rin ito para maiwasan ang diabetes dahil ang ugat ng pagkakaroon ng diabetes ay inflammation.

The truth is, sa sobrang potent at effective ng turmeric ay halos kapareho siya ng bisa ng ilang anti-inflammatory drugs sa market ngayon. Wala pang side effect.

Ang Luyang Dilaw ay Nagpapataas ng Antioxidant Capacity ng Katawan.

Ang free radicals sa katawan natin ay isa sa dahilan  sa likod ng agarang pagtanda at  pagkakaroon ng sakit.

At ang main reason kung bakit napaka importante ng antioxidant ay pinoprotektahan nito ang katawan natin laban sa mga free radicals.

Ang curcumin sa luyang dilaw ay isang very potent antioxidant na nagnew-neutralize ng free radicals sa katawan natin. Hinaharang niya ang mga free radicals na ito habang pinapalakas rin niya ang natural na antioxidants sa ating katawan. 

Ang Curcumin ay Nakapagpapalakas ng Brain Function at Nagpapababa sa Posibilidad ng Pagkakaroon ng Brain Disease.

Ang Brain-Derived Neurotrophic Factor o BDNF ay isang uri ng growth hormone na gumagana sa loob ng utak. Marami sa mga common brain disorders tulad ng Depression at Alzheimer's Disease ay sinasabing naging resulta sa pag-decrease ng hormone na ito.

Sa kabilang banda, ang curcumin ay pinapataas niya ang brain levels ng BDNF na maaring makakapag-delay o ma-reverse ang maraming brain disorders  gaya ng Parkinson's Disease o kaya ang ilang age-related diseases sa utak.

Panoorin ang video sa ibaba.


Ang Curcumin ay Nakakapagpababa sa Posibilidad ng Pagkakaroon ng Heart Diseases.

Ang heart disease ay number 1 na sanhi ng pagkamatay sa buong mundo. Kaya ang Curcumin ay may role din sa puso mo dahil isinasaayos at minamabuti nito ang trabaho ng endothelium o yung lining sa ating mga ugat.

Ang endothelial dysfunction ay isa sa mga pangunahing sanhi ng heart disease dahil mawawalan ng kapasidad ang endothelium na magregulate ng blood pressure at blood clotting hanggang sa tuluyang kumipot o magbara ang ugat na siyang magiging dahilan upang mas palalakasin at pabibilisin ng puso ang pagpump ng dugo. 

Ang Curcumin ay Nakakatulong Para Makaiwas at Magamot ang Cancer.

Base sa pag-aaral, ang Curcumin ay nakakaapekto sa pagbagal ng pagtubo ng cancer, pagdami at pagkalat nito. Nagagawa rin kasi nitong patayin ang mga cancer cells.

Sa isang 30-Day study kabilang ang 44 na kalalakihan ay napag-alam na ang curcumin ay kaya ring iwasan ang pagkakaroon ng cancer lalo na yung cancer sa digestive system o colorectal cancer.

Ang Curcumin ay Maaring Makaiwas o Magamot ang Alzheimer's Disease.

Ang Alzheimer's Disease ay ang pinaka-common na neurodegenerative disease sa mundo na sanhi rin ng dementia.

Dahil ang curcumin ay tina-target ang inflammation at oxidative damage na siyang sanhi rin ng Alzheimer's ay kaya napakabeneficial nito.

Ang Curcumin ay Nakakatulong sa mga may Arthritis.

Ang arthritis ay inflammation sa joints na kayang-kayang lunasan ng curcumin bilang isang anti-inflammatory.

Sa isang pag-aaral sa mga taong may rheumatoid arthritis, sinasabi na ang curcumin ay mas mabisa pa kesa sa anumang anti-inflammatory drugs.

Ang Curcumin ay Nakakatulong Kontra Depression.

Sa isang pag-aaral sa 60 katao, napag-alaman na ang curcumin ay kasing-bisa ng Prozac para mapagaan ang mga simptomas ng depression.

Curcumin ay Nakakapagbata at Tumutulong Para Makaiwas sa Anumang Age-related Chronic Diseases.

Dahil sa napakaraming positibong epekto sa kalusugan tulad ng pag-iwas sa heart disease, alzheimer's at cancer, ang curcumin na nasa luyang dilaw ay  makakatulong sa pagpapahaba ng buhay dahil sa mga health benefits nito.

Kung gusto mo subukan ang healing properties ng luyang dilaw at iba pang health benefits nito, pwede mo subukan ang U.S. FDA-certified turmeric supplements na kilala ngayon sa buong mundo tulad ng Turmeric with BioPerine. Nagtataglay ito ng tamang amount ng curcumin na hindi nakukuha sa simpleng paglaga lang ng luyang dilaw. 

Ang turmeric supplement na ito ay mabisang remedyo para sa mga sumusunod;
✓ Arthritis
✓ Heartburn (dyspepsia)
✓ Joint Pain
✓ Stomach Pain
✓ Crohn’s Disease
✓ Ulcerative Colitis
✓ Bypass Surgery
✓ Hemorrhage
✓ Diarrhea
✓ Intestinal Gas
✓ Stomach Bloating
✓ Loss of Appetite
✓ Jaundice
✓ Liver Problems
✓ Helicobacter Pylori (H. pylori) Infection
✓ Stomach Ulcers
✓ Irritable Bowel Syndrome (IBS)
✓ Gallbladder Disorders
✓ High cholesterol

Ito rin ay nakakatulong laban sa pagkakaroon ng mga sakit sa balat tulad ng lichen planus, inflammation sa balat dahil sa radiation treatment at madaling pagkapagod.

Nakakatulong rin ang luyang dilaw laban sa;
✓ Sakit ng ulo
✓ Bronchitis
✓ Colds
✓ Lung Infections
✓ Fibromyalgia
✓ Leprosy
✓ Psoriasis
✓ Fever
✓ Menstrual Problems
✓ Itchy Skin
✓ Recovery After Surgery
✓ Cancers

At maging sa mga taong may;

✓ Depression
✓ Alzheimer’s Disease
✓ Swelling in the Middle Layer of the Eye (Anterior Uveitis)
✓ Diabetes
✓ Water Retention
✓ Worms
✓ Systemic Lupus Erythematosus (SLE)
✓ Tuberculosis
✓ Urinary Bladder Inflammation &
✓ Kidney Problems

At ngayon para sa tanong ng lahat, paano nga ba ihanda ang luyang dilaw at gaano kadami ang kailangan para makita ang resulta o health benefits nito?

Ayon sa doktor na si Robin Berzin, ang health benefits ng luyang dilaw ay makukuha lang sa active ingredients nito na curcuminoids o curcumin. Kaso at gaya ng sabi ko kanina sa simula.....

  • ...maliit lang na parte ng isang regular size na luyang dilaw ang may curcumin na nasa 3% lang depende sa laki nito. At para mapakinabangan mo ang anti-inflammatory effects nito, kakailanganin mo ng 500 to 1,000 milligrams ng curcumin araw-araw.

Pero kung gagamit ka lang nito bilang pampalasa sa pagkain, maglaga o magpakulo ka man ng purong turmeric para inumin ang sabaw o kaya gumawa ng smoothie na may luyang dilaw, nasa 200 milligrams lang ang curcumin na makukuha mo mula dito. Mas mababa kumpara sa 500 milligrams na kailangan ng katawan mo.

At kapag may chronic disease ka, kailangan mo ng 1,500 to 2,000 milligram ng curcumin araw-araw. Kaya kailangan mo ng turmeric extract na mayaman sa curcumin kung gusto mo magkaroon ng sapat na dami ng curcumin nanasa luyang dilaw ang kailangan ng katawan mo ng mapakinabangan ng husto ang health benefits nito.

Ayon kay Dr. Benzin, mainam na araw-arawin ang pag-inom ng luyang dilaw dahil tinagurian itong "most powerful natural medicine". 

Kung may tanong ka pa, mag-comment ka lang sa ibaba at pipilitin kong sagutin kita agad.

Back to blog

317 comments

Hi, pwede po ba yan sa nakakaranas ng thunderclap headaches

Maricris Prenciona

Paano Po Ang pag inum at ilang beses kailangan uminom?

Joann Adornado

saan po mabibili ang turmeric capsule na sinasabi niyo? meron na po b iyon dito sa pinas? magkano po halaga?

anna

3 yrs na me umiinom ng turmeric tea. Overall, maganda sya at healthy sa katawan

Ria

Pwde po ba ang 1year old sa pinakuluang luyang dilaw

Rosalina lobos

Leave a comment

Please note, comments need to be approved before they are published.