Sakit sa Puso | Dahilan, Sintomas at Gamot

Ang puso ay may malaking papel na ginagampanan sa katawan ng isang tao. Ito ay isang muscular organ na may tungkuling mag-pump ng dugo papunta sa mga arteries at veins . Ang puso ay isa sa iyong pinakamatitibay na kalamnan, dahil ito lang ang may kakayahan na magbomba sa milya-milyang daluyan ng dugo sa lahat ng mga bahagi ng ating katawan. Ang dugo ang siyang nagdadala ng mga bitamina, mineral at maging ng oxygen, kinakailangang mapanitili ang kalusugan ng ating puso upang maging maayos at normal ang galaw ng ating katawan.

Dati ang sakit sa puso ay tinatawag na sakit lang na pang mayaman o kaya naman ay sakit na pang matanda. Ayon sa Department of Health (DOH), ang iba't ibang sakit sa puso o may kinalaman sa puso ay ang nangungunang sanhi ng pagkamatay ng mga Pilipino. Mayroong 19 na katao ang namamatay kada oras dahil sa sakit sa puso at ugat. Ito ang pangalawang nagiging dahilan ng kamatayan sa bansa mula noong taong 1993.

Ang mga sakit sa puso (cardiovascular diseases) ay tumutukoy sa pangkat ng iba't ibang katawagan sa sakit na dumadapo sa puso. Maaaring nabubuo ang sakit sa puso sa maraming taon. Nangyayari ito kapag ang daluyan ng dugo na patungo sa puso, ay nagiging makitid at barado. Maaaring maganap ang atake sa puso kapag nabarahan ang mga daluyan ng dugo.

Narito ang ilan sa mga uri ayon sa kondisyon kung paano ito nakakaapekto sa kalagayan ng puso:

  • Sakit sa ugat ng puso (coronary heart disease) sakit sa puso na may kaugnayan sa pagbabara ng mga coronary arteries dahil sa kolesterol at taba. Ang pagdami ng mga bara o atherosclerosis ang nagdudulot ng pagsikip sa mga arteries na nagiging sanhi upang magkaroon ng kakulangan sa suplay ng oxygen sa puso. Ang nasabing kakulangan (ischemia) ay maaaring maging sanhi ng atake sa puso (cardiac ischemia) .
  • Sakit sa puso mula sa pagkapanganak (congenital heart disease o acquired heart disease) ang ganitong uri ng sakit ay nagsisimula kapag ang bata ay nasa sinapupunan pa lamang ng kanyang ina. Nakikita ang mga sintomas nito katulad ng pangingitim o pangangasul sa kulay ng balat, kapag naipanganak na ang sanggol. May mga kaso nito na kusang gumagaling at hindi delikado, ngunit mayroon din namang mga kaso na nangangailangan ng agarang operasyon at atensyong medikal na tumatagal hanggang sa pagtanda.
  • Sakit sa mga balbula ng puso (valvular heart disease) ito ay sakit sa puso kung saan naapektuhan ang mga gawain ng balbula na siyang sumasara at bumubukas kapag tumitibok o pumipintig ang puso. Ang aortic stenosis at ang mitral regurgitation ay kabilang din sa mga sakit sa mga balbula ng puso. 
  • Sakit sa masel ng puso (cardiomyopathy)  ito ay nakakaapekto kung paano ang normal na pagpiga ng puso. Ang mga bisyong katulad ng paninigarilyo, paggamit ng droga at pag inom ng alak ay maaaring maging sanhi upang ang isang tao ay magkaroon ng ganitong kondisyon.
  • Sakit sa puso sanhi ng altapresyon (hypertensive heart disease) ito ay isang kalagayan na kung saan ang presyon ng dugo sa malalaking ugat ay mataas. Kapag hinayaan ang mataas na blood pressure sa matagal na panahon, ito ay maaaring maging sanhi ng heart failure, stroke o di kaya ay kamatayan.
  • Pamamaga ng puso (inflammatory heart disease o myocarditis) ito ay dulot ng pagsalakay ng bacteria, fungi, virus o iba pang parasito sa katawan. Ito ay maaaring sanhi sa pagkakaroon ng impeksiyong dulot ng pamamaga sa panloob na tisyu ng puso o tinatawag na infective endocarditis. Ito ay kinakailangang maagapan dahil maaari itong magdulot ng mas mapinsalang kondisyon tulad ng heart failure at stroke.
  • Panghihina ng puso (heart failure) ito ay isang kondisyon na kung saan pumapalya o hindi na nakayanan ng puso ang tamang pagpapadaloy ng dugo sa katawan, ito ay marahil dulot ng mga nabanggit na uri ng sakit sa puso o dahil sa atake sa puso. 

Kung dati hindi nagkakaroon o nakakaranas ng stroke ang isang taong nasa 20's at 30's,ay iba na daw sa ngayon. Kahit pa may tamang diet at may kasamang active lifestyle, ay posible pa rin daw ang pagkakaroon ng heart disease o kaya stroke. Lalo na ang mga kabilang sa Generation X at mga millenials na nasa 20s at 30s at lumaki kasabay ng internet at social media. Kung saan mas mababa na o wala na talagang oras para sa ilang traditional at physical activities;  tulad ng basketball o volleyball at pinili na lang na e-exercise ang daliri kakalaro ng mga online games sa loob ng bahay.

Ang pagwawalang bahala at kakulangan sa kaalaman ay ilan sa mga dahilan kung bakit patuloy pa ring tumataas ang mga bilang ng kaso ng heart disease at stroke. Ang ating daily lifestyle ay maaaring may malaking epekto sa ating kalusugan nang hindi natin namamalayan.

 

paano iwasan ang sakit sa puso

 

May mga posibleng dahilan sa pagkakaroon ng sakit sa puso, maaaring ito ay ang mga pag-uugali at mga gawain na sadyang nakasanayan na. Mas mataas ang panganib nito hanggang sa iyong pagtanda kung ikaw ay meron nito o ginagawa mo ang mga sumusunod:

  1. Paninigarilyo (Smoking) ang nicotine at nakalalasong usok ng sigarilyo ay maaaring magdulot ng masamang epekto sa katawan tulad ng sakit sa puso.
  2. Hndi makontrol na pagtaas ng presyon ng dugo (High blood) pressure) ang altapresyon ay maaaring magdulot ng mas malalang problema sa puso kapag hindi kaagad naagapan.
  3. Mataas na cholesterol sa katawan ang nagiging dahilan ng pagbara ng mga daluyan ng dugo.
  4. Diabetes mellitus Type 2 (type 2 diabetes) ang mataas na sugar level sa dugo ay nagdudulot ng pinsala sa ating mga ugat sa puso.
  5. Namamanang problema sa puso (genetic) may mga tao na ipinanganak na may sakit sa puso. Ito ay maaaring dahilan ng pagkakaroon rin ng problema sa puso ng mga magulang at maaring namana lamang nang anak.
  6. Sobrang timbang at katabaan (Obesity) dahil hindi dumadaloy ng wasto ang dugo sa buong katawan dahil na rin sa mataas na cholesterol sa daluyan ng dugo, ito ay maaaring magdulot pa ng mas higit na pinsala sa ating puso. 
  7. Heart surgery – kapag ang isang tao ay naoperahan na o nakaranas na ng operasyon sa puso ito ay maaaring maging sanhi ng atake sa puso sa paglipas ng panahon.
Ngunit lingid sa alam ng karamihan, kahit pala ang simpleng stress, ay maari palang maging dahilan ng sakit sa puso.  Sa isang panayam kay Dr. Erlyn Demerre ng Philippine Heart Association (PHA) sa programang "Good Vibes" sa DZMM, ang stress daw ang kadalasang sanhi ng pagkakaroon ng sakit sa puso. 

Aniya, nagkakaroon ng pagbabago o reaksyon ang hormones ng isang tao tuwing nakakaranas ito ng stress. 

Isang halimbawa umano ng reaction ng hormone ng isang tao ay ang pagbara sa daluyan ng dugo at pagtigil sa sirkulasyon ng oxygen sa katawan ng tao. Kaya nakakaranas ito ng biglaang atake sa puso o stroke. Ayon pa kay Dr. Demerre, ang stress ay maaring makapagpataas ng blood pressure, nakakatigas ng ugat at nakakapagpataas ng cholesterol level. Lahat ng ito ay maaring maging dahilan ng pagkakaroon ng sakit sa puso.

Maaring nakakaranas tayo ng stress sa araw-araw sa ating mga trabaho o sa ating bahay, pero pagkatapos nawawala rin naman. Pero aniya, nakakasama ang stress kapag ito ay "prolonged" na o matagal ng nararanasan. 

Kaya di nakakapagtaka na one-third o 31% ng kamatayan sa buong mundo ay may kinalaman o dahil sa pagkakaroon ng cardiovascular diseases.

Ayon rin kay Dr. Ranulfo Javelosa Jr. na division chief ng Preventive Cardiology sa Philippine Heart Center, ang cardivascular diseases(CVDs) ay ang kinikilalang "world's biggest killer".

Kung ikaw ay may iniindang sintomas o senyales ng sakit sa puso, dapat ikaw ay magmatyag at maging maingat sa isang tinatawag na atake sa puso o angina. Ang angina ay isang senyales na ikaw ay magkakaroon pa lamang o mayroon nang pag atake sa puso.

Ang paninikip ng dibdib, pananakit ng  lalamuan, panga at dibdib ay iilan lamang sa mga senyales ng angina. Ito ay nangyayari dahil sa mababa lamang na dami ng dugo ang dumadaloy patungo sa kalamnan ng puso. Ang atake sa puso ay tinatawag ding acute myocardial infarction, o AMI na kalimitan ay pwedeng humantong sa kamatayan kung hindi maagapan. 

Narito ang mga sintomas ng sakit sa puso na pwedeng mag iba-iba depende sa kondisyon na dinaranas, ngunit ang mga sumusunod ay ang mga sintomas na pangkaraniwang nagiging sanhi ng atake sa puso:

  • Pananakit ng dibdib ang pinaka pangunahing senyales ng atake sa puso. Ang sakit ay nararamdaman mula sa gitna papunta sa kaliwa ng dibdib.
  • Pagkabalisa dumaranas ng pagkabalisa o anxiety ang mga may sakit sa puso, lalo na kung may pagbabadya ng atake sa puso dahil sa takot na maaari silang mamatay sa kasagsagan ng atake. 
  • Pagkahilo at kawalan ng balanse ito ay dahil sa pagbabagong nagaganap sa paggalaw ng puso dahil sa kakulangan ng sapat na suplay ng dugo papunta sa ulo.
  • Madaling pagkapagod kung nagiging madalas ang pagkapagod ay kumunsulta agad sa iyong doktor o magpacheck up, dahil anumang iregularidad sa paggana ng puso ay nagdudulot ng mabilis na pagkapagod ng katawan.
  • Pagpapawis ng malamig ito ay isa ring sintomas na nararamdaman ng mga taong merong pagbabadya ng atake sa puso. Kahit na sila ay nakaupo lamang at walang ginagawa, kung nararamdaman ang ibang pananakit, tiyak na sila ay pagpapawisan.
  • Kawalan ng gana sa pagkain ito ay pangkaraniwan din na kondisyon sa mga nakakaramdam ng ilang mga sintomas ng sakit sa puso.
  • Panghihina ng katawan ito ay nararanasan pagkatapos o nasa kasagsagan pa lamang ng pag-atake sa puso. 
  • Mabilis o iregular na pulso (arrhythmia) ang pabago-bagong ritmo ng tibok ng puso at pulso. Ito ay maaaring maiugnay sa pagkakaroon ng karamdaman sa puso, lalo kung kaakibat nito ay ang pananakit sa ilang bahagi ng katawan, panghihina, at pagkahilo.
  • Hirap sa paghinga ito ay isang malinaw na sintomas ng pagkakaroon ng sakit sa puso, huwag ipag walang bahala lalo na kung may kaakibat pa na ibang mga senyales.
  • Pananakit sa iba pang bahagi ng katawan maaaring kaugnay ng sintomas na ito ay ang pananakit o kawalang ginhawa sa isa o parehong bisig, leeg, likod, panga at tiyan. 

Ngunit kaagad na tumawag sa iyong doktor o agad pumunta sa pinakamalapit na pagamutan, kung nararamdaman mo rin ang mga sumusunod na sintomas:

  • Labis na pananakit o pagbigat ng gitnang bahagi ng dibdib papunta sa leeg o balikat.
  • Hindi normal na tibok ng puso
  • Pagkahapo o kakapusan sa paghinga
  • Pamamanas ng paa at binti
  • Pink na plema
  • Panghihina ng katawan
  • Kawalan ng gana kumain
  • Labis na pananakit ng dibdib
  • Labis na pagpapawis

Huwag ipagwalang bahala ang mga nararamdamang ito, dahil kapag hindi naagapan ang iyong kondisyon ito ay maaaring magdulot ng stroke, heart failure o di kaya ay kamatayan.

Ayon kay Cheche Lazaro, president of Probe Media Foundation Inc. (PMFI), mas madali daw magkaroon ng unhealthy lifestyle kesa sa healty lifestyle kung saan marami ka pang bagay na dapat isaalang-alang bago gawin.

May mga bagay na maaaring isaalang-alang upang maiwasan o makontrol ang sakit sa puso. Katulad ng pagpili ng tamang pagkain at pagkakaroon ng daily routine sa araw-araw.

Sa kanyang facebook account ay ibinahagi ni Dr. Willie T. Ong ang isang post tungkol sa mga pagkain na maaaring makatulong sa pangangalaga ng ating mga puso, o pagkaing maaring makaiwas sa sakit sa puso, narito ang iilan:

PAGKAIN

  • Matatabang isda tulad ng tuna, tamban, sardinas, bangus at salmon. Sagana ito sa omega-3 fatty acids na nakakatulong sa pagpapaluwag ng mga ugat sa puso at utak. Mas mainam ito dahil ang mga ito ay low-fat protein sources.
  • Oatmeal. May sangkap itong omega-3 fatty acids, magnesium, potassium, vitamin Bs, calcium at fiber. Malaki raw ang tsansa na bumaba ang iyong kolesterol kapag ikaw ay kakain ng oatmeal araw-araw.
  • Saging. Mayaman sa potassium, vitamin C, tryptophan at carbohydrates. Ito ay maaaring makatulong sa mga pasyenteng may altapresyon at umiinom ng maintenance na gamot para sa puso. 
  • Kamatis, karrots, kamote at kalabasa (4Ks). Ang 4Ks na ito ay mayaman sa lycopene, beta-carotene, vitamin C at potassium. Mga bitaminang kailangan para sa malusog na mata at puso.
  • Mani, tulad ng almonds at walnuts. Ang mani ay may good fats, magnesium, fiber at vitamin E. Ito ay nakakatulong sa pagpapalakas ng puso at mga ugat. Ito rin ay nakakaganda ng balat.
  • Tofu, tokwa at soy milk. Mataas ang mga ito sa protein, niacin, folate, calcium at potassium. Ang protina mula sa tokwa ay mas healthy at hindi nakakataba.
  • Spinach at broccoli. May sangkap ito na lutein, vitamin Bs, magnesium, potassium, calcium at fiber. Ang mga ito ay mabuti sa ating katawan, tiyan at puso. Ito ay nakakapagpaganda at nakakapagpasaya ng ating emosyon.
  • Dark chocolate. Ang dark na tsokolate ay may espesyal na sangkap na tinatawag na resveratrol at flavonoids. May posibilidad na ang resveratrol ay puwedeng makapagpabata sa atin dahil sa taglay nitong antioxidants. Mas healthy ang dark chocolate dahil sa sangkap nitong cocoa.

Tandaan lamang na ang pagkain sa mga sumusunod ay kailangang nasa sakto lamang na dami at bilang, dahil lahat ng sobra ay nakakasama.

Narito rin ang ilan sa mga healthy tips na maaari mong sundin upang mas mapangalagaan ang iyong puso:

DIET PLAN

  • Gumawa ng plano ng mga kakainin sa araw-araw o magkaroon ng "daily meal plan".
  • Kumain ng prutas at gulay araw-araw dahil mainam ito na pagkunan ng bitamina at mineral. Kailangan ding kontrolin ang dami ng kinakain.
  • Pillin ang whole grains,dahil ito ay ang pinaka mainam na source ng fiber at iba pang nutrients na maaaring makakontrol sa presyon ng dugo.
  • Limitahan ang mga hindi masustansyang taba (saturated fats), upang maiwasan ang pamumuo ng mga bara sa mga arteries at ugat sa katawan dulot ng kolesterol at taba.
  • Kontrolin ang sodium level sa katawan, sa pamamagitan ng paglilimita sa pagkain ng mga pagkaing maalat at  gumamit ng hindi lalabis sa ¾ kutsara ng asin, dahil ang sobrang alat ay masama ring epekto sa puso.
  • Magkaroon ng cheat day paminsan minsan para sa mga pagkaing iyong nais kainin (isang beses sa isang linggo).

EXERCISE

  •  Mag ehersisyo sa isang araw ng 3 hanggang 4 na beses.
  •  Inirerekominda ng AHA ang 40 minuto na ehersisyo na  nagsisimula sa mabagal na tempo hanggang sa mabilis o ang tiinatawag na anaerobic exercise (ehersisyong hindi gumagamit ng paghinga).
  • Sundin ang tamang proseso ng pag eehersisyo kailangang may phase 1 o ang Warm up stage; Phase 2 ang conditioning stage o ang exercise proper; at ang phase 3 ang cool down stage o ang pagrelax ng katawan.

Tandaan na ang anumang pisikal na gawain ay kailangan naaayon sa rekomendasyon ng iyong doktor, nang sa gayon ay maiwasan ang peligro.

Ang sakit sa puso ay maaaring dahilan rin sa kakulangan ng tinatawag na CoQ10 enzymes. Ang Coenzyme Q10, o CoQ10, ay isang natural na kemikal na makikita sa halos bawat cell ng katawan ng isang tao. Ang CoQ10 ay isang antioxidant na likas na ginagawa ng katawan at iniimbak sa bahagi ng cell na tinatawag na mitochondria. 

Isinasagawa ng CoQ10 ang ilang mahahalagang papel, kabilang ang pagtataguyod ng produksyon ng enerhiya at pag-neutralize ng mga mapanganib na tinatawag na mga free radicals.  Nang sa gayon ay maprotektahan ang  mga cell at magbigay ng mga benepisyo sa puso.

Ang mga sumusunod naman ay mga halamang herbal na maaari rin maging alternatibong panlunas o solusyon sa paggamot sa sakit sa puso. Ngunit kung ikaw ay may maintenance na gamot ni iniresita ng iyong doktor ay sundin at inumin ito :

Serpentina (Tagalog); Java devil pepper, Serpent wood, Rauwolfia (sa English);  tinaguriang “The King of Bitter Herbs” dahil sa kapaitan nitong taglay. Napakaraming benepisyo ng serpentina sa katawan ng tao. Ito ay maaaring makatulong sa pagkontrol ng presyon sa dugo upang maiwasan ang atake sa puso at stroke.

Ang pag-inum ng pinulbos na dahon ng serpentina ay mainam bilang panlaban sa mga dugong bumabara sa mga ugat at muscle ng ating puso. Mainam rin itong panlaban sa pagkalason ng dugo o maging panlinis ng dugo.

Bawang (Garlic) ito ay may sangkap na allyl sulfides na tumutulong magpababa ng ating kolesterol at blood pressure. Tumutulong din ito na pataasin ang blood antioxidant potential. Ang allyl sulfides ay tumutulong rin sa pagsugpo ng kanser sa colon, suso, prostate at baga. 

Ang dalawa hanggang tatlong piraso ng bawang ay maaaring durugin at lutuin o prituhin ng kaunti. Ngunit huwag susunugin upang mas maging epektibo ito.Pwede ring kumain ng hilaw na bawang, ngunit kunting ingat lang dahil ito ay mahapdi sa sikmura.

Tanglad (Tagalog) Lemon Grass (Ingles) 

Ang tanglad ay lubos na nakapagpapalusog ng ating katawan dahil ito ay mayaman sa vitamin C at A, zinc, folic acid, magnesium, manganese, calcium, potassium, copper, phosphorus, Vitamin B, at iron. Nag reregulate ng masamang epekto ng cholesterol. Pinipigilan nito ang masamang dulot ng cholesterol  sa pagbabara sa mga daluyan ng dugo. 
Blue Ternate tea (Butterfly pea flower) mabisa para sa kalusugan ng puso, at pinapanatili ang iyong balat na kumikinang.  Ang isa sa mga pakinabang ng pag-inom ng blue Ternate tea ay dahil mayaman ito sa antioxidants.  
Ang mga malalakas na bio-compound na ito ay tumutulong sa ating katawan na labanan ang mga free radicals na maaaring makasira sa ating mga body cells at maging dahilan nang premature ageing.
Mainam na ideya ang pag detox sa katawan  kaya uminom ng blue ternate pea tea paminsan- minsan.
Kung may tanong ka pa na may kinalaman sa sakit sa puso, maari kang mag-comment sa ibaba at pipilitin naming sagutin ka agad.
Back to blog

22 comments

Hello po!ako po kc my hyperacidity po ako ngaun,Kaya lng po nag aalala po ako kc po halos pareho po ang sentomas ng hyperacidity at sakit sa puso,,pero Hindi Naman po ako inuubo at Hindi Naman po namamaga ang benti,Hindi din Naman po sumasakit ang leeg at braso ko…ang nararamdaman ko po ay pagnag haheartburn po ako parang nahihirapan ako huminga pero Hindi Naman po as in nahihirapan,nakakahinga panman po ako ng malalim,tas pinagpapawisan po ako ng malamig kc po parang nininerbyus po kc ako…nagpapanic attack po kc ako..

JESSICA G. VIÑAS

Hello po!ako po kc my hyperacidity po ako ngaun,Kaya lng po nag aalala po ako kc po halos pareho po ang sentomas ng hyperacidity at sakit sa puso,,pero Hindi Naman po ako inuubo at Hindi Naman po namamaga ang benti,Hindi din Naman po sumasakit ang leeg at braso ko…ang nararamdaman ko po ay pagnag haheartburn po ako parang nahihirapan ako huminga pero Hindi Naman po as in nahihirapan,nakakahinga panman po ako ng malalim,tas pinagpapawisan po ako ng malamig kc po parang nininerbyus po kc ako…nagpapanic attack po kc ako..

JESSICA G. VIÑAS

Hello po,ako Naman po my hyperacidity po ako ngaun,,,pero ang mga sentomas po ng sakit sa puso at at hyperacidity ay halos parehas po,,nag aalala po ako,…pero Hindi Naman po ako masakit ang jaw at leeg ko…at Hindi rin naman po namamaga ang mga benti ko…at Hindi Naman po ako inuubo,,pero my time po na nag haheart burn ako tas parang sumisikip po ang dibdib ko pero Hindi Naman po ako nahihirapan huminga,,,nakakahinga Naman po ako ng malalamin,,tas pinagpapawisan din po ako ng malamig pag nararamdaman ko po ung heartburn ko…

Jessica G. Viñas

Hello po,ako Naman po my hyperacidity po ako ngaun,,,pero ang mga sentomas po ng sakit sa puso at at hyperacidity ay halos parehas po,,nag aalala po ako,…pero Hindi Naman po ako masakit ang jaw at leeg ko…at Hindi rin naman po namamaga ang mga benti ko…at Hindi Naman po ako inuubo,,pero my time po na nag haheart burn ako tas parang sumisikip po ang dibdib ko pero Hindi Naman po ako nahihirapan huminga,,,nakakahinga Naman po ako ng malalamin,,tas pinagpapawisan din po ako ng malamig pag nararamdaman ko po ung heartburn ko…

Jessica G. Viñas

Hello po margarndang umaga po ako po ay may sakit sa puso barado po ang ugat q sa puso nararamdaman q po parang lage pong my nakadagan sa dibdib q po .tapos po minsan sobrang bilis ng tibok ng dibdib ko..minsan nman po parrar lng po aq mkahinga ng maayos kaylangan q pa po igawi sae kabilarng side ang ulo q para lng po aq makahinga ng maayos..tapos po pag nkahiga nman po aq nkatihaya nahihirapan po aq huminga ..pag nkatagilid nman po ganun din po arng nararamdaman q ..tapos madali po aq mapagod konting kilos q lng po pagod na po aq agad minsan naman po karhit wla po aq ginagawa pakiramdam q po pagod na pagod po aq nahihirapan n po aq huminga..tapos nargiging mkakalimutin po aq …. sa ngaun po nahihirarparn po aq huminga tapos biglang kikirot ang puso q pati likod q po nadadamay sa pag kirot…. bkt po ganun minsan po naninigas po ang aking mga pana tapos nahihirapan rin po aq magsalita na parang puro plema ang laman ng lalamunan q….tapos po para aq nabibingi na magarargar po ang tenga q pag po arng panga q ay parang mag lalock na masakit po ang aking panga

Rubilyn C. Rivera

Leave a comment

Please note, comments need to be approved before they are published.