Ang teratoma ay isang uri ng tumor na gawa sa hair, muscle o bone tissue. Galing ito sa isang Greek word na ang ibig sabihin ay "monster" at "tumor". Maaring magkaroon nito ay mga bagong panganak na sanggol, mga bata at matatanda pero kadalasan sa mga babae. Kadalasan ng mga sanggol na nagkakaroon nito ay benign o hindi naman cancerous. Ang tanging paraan para tanggalin ang tumor ay sa pamamagitan lamang ng surgical procedure. Pero kahit ganun, posible pa rin tumubo ulit ito o sa kalapit nito na organ.
Ang teratoma ay isang uri ng germ cell tumor na mula sa cells na pinagmulan ng egg at sperm. Ito ay nahahati sa dalawang klase, immature at mature. Ang mature teratomas tulad ng ovarian teratoma na matatagpuan sa ovary ng babae at Sacrococcygeal teratoma na nasa kuyukot ng sanggol ay kadalasan benign. Habang ang testicular teratoma naman na nasa itlog ng lalaki ay kadalasan immature o cancerous.
Bagama't bihira, kadalasan ang Sacrococcygeal teratoma o SCT ay nangyayari sa mga sanggol at 20% benign. Pero kahit ganun, kailangan pa rin ng agarang surgical procedure para mapigilan ang pagtubo o paglaki uli nito.
Minsan ang sacrococcygeal teratoma ay nalalaman gamit ang ultrasound pero kadalasan ay kapag naipanganak na ang sanggol. Una itong mapapansin ng mga obstetrician kapag nagkaroon ng pamamaga sa kuyukot ng bata. Ang mga doktor ay maari rin gumamit o magkaroon ng x-ray sa pelvis, ultrasound at CT scan para ma-detect ang SCT. Ang pagsasagawa ng bloodtest ay maari rin makatulong.
Kapag ang SCT ay nadetect sa fetal stage o nasa sinapupunan pa lang, mas pinagtutuunan agad ito ng pansin ng doktor. At kung maliit pa ang tumor, maaring ipagpatuloy ang normal vaginal delivery ng sanggol. At kung lumaki na habang nasa tiyan pa lang, ang pasyente ay kailangan ng dumaan sa isang cesarean delivery.
Sa ilang bihirang pagkakataon, isinasagawa ang fetal surgery dahil ang SCT ay maaring maging dahilan ng life-threatening complications. Kapag ang teratoma naman ay malignant, ang chemotherapy ay isinasagawa kasabay ng operasyon. At gamit ang modernong chemotherapy, nagiging mas mataas ang survival rate ng pasyenteng nagkaroon nito.
Ang ovarian teratoma naman ay kadalasan mature at kilala rin sa tawag na dermoid cyst. Meron lang 1 hanggang 3% na chance para maging cancerous ang ovarian teratoma. Madalas nagkakaroon nito ang mga babae sa simula ng pagdadalaga o reproductive years. Ang immature o cancerous teratoma ay bihirang mangyari at kapag nangyari ito ay sa mga babaeng nagdadalaga pa lang hanggang sa edad na bente.
Ang mature ovarian teratoma o dermoid cyst ay madalas na walang pinapakitang sintomas. Nadidiskobre lang ito sa pamamagitan ng routine gynecologic examinations tulad ng pelvic exam.
Minsan, ang malaking dermoid cyst ay maaring maging dahilan ng ovarian torsion na nagreresulta naman sa pananakit ng tiyan at balakang.
Ang maliit na dermoid cyst ay maaring tanggalin sa pamamagitan ng laparoscopic surgery. Sa ilang pagkakataon, tinatanggal nila ang isang bahagi ng ovary o minsan ang buong ovary ng babae mismo. Sa kaso kasi ng ovarian teratoma, 25% ang chance na merong dermoid cyst ang magkabilang ovary na maaaring maging dahilan naman ng babae pagkakaroon ng problema sa panganganak.
May dalawang uri ng testicular teratoma, ang pre-puberty at post puberty teratoma. Ang pre-puberty at pediatric teratoma ay kadalasan mature at hindi cancerous. Samantalang ang post puberty teratoma ay malignant o cancerous. Sa pangkalahatan, mahigit 60% ng mga lalaking meron nito ay kinakitaan ng pagkalat ng cancer.
Ang testicular teratoma ay kadalasang nadidiskubre o aksidenteng nalalaman na lang at ini-iksamin dahil sa pagkakaroon ng pananakit ng bayag mapa-benign o malignant man ito.
Madalas na tinitingnan ng doktor ang testes ng lalaki para kapag may makapa na matigas at immovable na bukol, ibig sabihin malignant ito. At para malaman kung kumalat na ang cancer, ang doktor ay maaring magsagawa ng x-ray sa dibdib at tiyan. Ang bloodtest ay maari rin makatulong.
Madalas isinasagawa ang surgical removal sa testicles ng lalaki kapag ang teratoma ay cancerous. Isinagawa lang ang chemotherapy kapag may nakita pa na ibang cancerous tissue. Ang pagtanggal sa itlog ng lalaki ay makakaapekto sa pagkalusugang sekswal ng lalaki, sperm count at kakayahan magkaanak..
Sa pangkalahatan, ang mga uri ng teratoma ay madalas na benign o hindi cancerous. At sa pagdaan ng panahon, may mga bago at subok na proseso at pamamaraan na para dito kaya sa ngayon kadalasan sa mga ito ay nagagamot na. Ang tamang kaalaman rin tungkol dito at paghingi ng payo mula sa isang propesyunal ay mahalaga rin para mapagtagumpayan ang ganitong kalagayan.
Nagulat ka rin ba na meron palang ganitong uri ng bukol na maari rin maging cancerous? Ano ang tingin mo sa teratoma? Comment ka sa ibaba.
2 comments
Malaking tulong po nagagawa ng pure barley. Pero para sa mas malakas na panlaban tungkol sa dermoid cyst, mas mainam ang barley, wheatgrass at mangosteen na nakakapagpaliit nito. Maari nyo makuha ang mga benepisyo ng 3 natural wonders na to sa isang juice lang ng dr vita. Ang isang box ay may laman na 30 sachet na maaei mong inumin sa loob ng isang buwan.
umiinom po ako ng herbal pure barley po iniinom ko possible po ba sya makatulong sa sakit ko na dermoid cyst posible din po na makaapekto ang pagkakaron ng dermoid cyst sa suso ng babae