Ang acne ay isang kondisyon kung saan may bumabarang oil at dead skin cells sa mga hair follicle sa ating balat. Madalas ito maging sanhi ng pagkakaroon ng pimples, whiteheads at blackheads na madalas rin tumutubo sa mukha, sa noo, sa may bandang dibdib, batok at balikat. Ang acne ay madalas mangyari sa mga teenagers kumpara sa mga nakakatanda.
Maraming paraan na maaring gawin para labanan ang acne pero madalas bumabalik pa rin ito. Maaring magsimula sa paisa-isang pimple tapos nawawala hanggang sa magulat ka na lang, may tutubo uli at mas marami na.
Causes of Acne
Maraming posibleng dahilan sa pagkakaroong ng acne. Maliban sa namamana ito, marami pang ibang mga dahilan kung bakit ka nagkakaroon ng acne tulad ng infections, hormones, diet tulad ng maraming sugar o carbohydrates, stress at anxiety, ilang environmental factors at pati na rin gamot tulad ng ilang birth control pills. Ang pagbibilad sa araw, dumi at polusyon sa paligid ay walang kinalaman dito.
Maaari itong magsimula sa ilang bagay:
- sobra-sobrang oil na napo-produce sa mga follicles ng balat
- naiipong dead skin cells sa mga pores ng balat
- mga bacteria na namumuo sa pores ng balat
Ito ang mga dahilan ng mga posibilidad sa pagkakaroon ng pimples. Nagkakaroon ng pimple kapag may bacteria na tumubo sa mga baradong pores sa balat kaya ang oil ay hindi nailalabas.
Ang ilang hormonal activity tulad ng menstrual cycle sa pagdadalaga at ang pagbibinata ng isang tao ay maaring maging dahilan sa pagkakaroon ng acne. Kapag nagdadalaga at nagbibinata ang isang tao, ang karagdagang sex hormone na androgen sa katawan ay nagpapaluwag sa skin follicle glands dahilan ng pagkakaroon ng mas maraming oil o sebum sa loob nito.
Ang ilang medical conditions din tulad ng polycystic ovary syndrome(PCOS), congenital adrenal hyperplasia, at androgen-secreting tumors ay maaring maging dahilan rin ng pagkakaroon ng acne ng mga taong apektado ng mga sakit na nabanggit.
Symptoms of Acne
Ang mga sintomas at senyales ng acne ay nakadepende sa kalagayan at kondisyon ng taong nagkakaroon nito. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
- Whiteheads - ito yung maliliit at nananatili sa ilalim ng balat.
- Blackheads - Ito naman yung kitang-kita, maitim at nasa labas ng balat.
- Papules - maliliit na pink bumps na nakikita sa ibabaw ng balat.
- Pustules o kilala sa tawag na pimples
- Nodules - malalaki, medyo matigas at masakit na pimple na nasa ilalim ng balat
- Cysts - isang uri ng lump sa ilalim ng balat na puno ng makapal at dilaw na liquid na resulta ng infection sa balat na kinabibilangan ng dead white blood cells at bacteria.
Acne Prevention & Management Tips
Ito ang mga bagay na maaari mong gawin kung may acne ka o kaya prone ka sa pagkakaroon nito.
- Maghilamos sa mukha ng higit pa sa dalawang beses araw-araw sa maligamgam na tubig gamit ang isang mild soap para sa acne.
- Huwag kamotin ang balat o pwersahang buksan ang pimples dahil maari itong magdulot ng infection sa mas malalim na parte ng balat na magreresulta naman sa mas malawakang pagbara, pamamaga at pamumula.
- Huwag tirisin ang pimples dahil maari itong magdulot ng peklat.
- Limitahan ang sarili sa paghawak sa parte ng mukha na may pimples.
- Ugaliin maghugas ng kamay bago maglagay ng lotion, cream o kaya make up.
- Gumamit ng make up na para sa may sensitive skin at iwasan ang mga oil-based products. Tanggalin rin ang make up bago matulog.
- Palaging linisin ang buhok dahil maari itong mangolekta ng sebum at skin residue. Iwasan ang mga oily hair products tulad ng mga may cocoa butter.
- Iwasan ang sobrang pagbibilad sa araw dahil nagreresulta ito sa pagkakaroon ng mas maraming sebum sa balat. Ang ilan ring gamot sa acne ay madalas magresulta sa pagkakaroon ng sunburn.
- Iwasan mag-alala at ma-stress sa mga bagay-bagay dahil nakakadagdag ito sa production ng cortisol at adrenaline na nakakadagdag ng acne sa balat.
- Ugaliin nasa malamig palagi para maiwasang pagpawisan.
Ang acne ay isang napaka-common na problema pero maliban sa maari itong maging mitsa ng pagkakaroon ng peklat sa katawan mo, maari rin itong maka-apekto sa iyong self-esteem, magdulot ng sobrang pagkapahiya, stress at depression.
Tulad ng kwento ni Janciel na 6 years ng nagtitiis sa acne.
And I quote,
There came a point na medyo nawala wala na sya akala ko nga noon tuloy tuloy na pero after several weeks tinutubuan na naman ako at worst nag brebreakout sya. Ang dami ko na talagang sinubukang facial wash, I tried (...mentions several brands***) pero again I failed. Hindi madali ang naging journey ko. I have to face and overcome a lot of criticisms, I even lose my self confidence because of this. Pangarap ko talagang maging artista noon pero parang ang waley lng noh? Mag aartista pero ang daming tigyawat sa mukha. But meron din kasi akong personality na hindi gumigive up kasi ang parating nasa isip ko you will never know unless you try. Sinubukan kong sumali sa PBB pero bigo ako and malaking factor siguro non is my physical appearance dahil kahit anong gawin natin doon talaga ang pinakamalaking factor sa entertainment industry. I told myself after non na, "HOY JANCIEL WAG KANG AMBISYOSA NAKAKADIRI KAYA PAGMUMUKHA MO MAG ARAL KA NA LANG". I cried everyday because of frustrations. I got depressed and dumating ako sa punto na ayaw ng lumabas sa bahay kasi I don't deserve to be seen. I just want to stay at home.
|
Isa lang ang kwento ni Janciel sa marami pang ibang tao na naging inspirasyon ang mga pagbabagong nangyari sa kanilang sarili sa tulong ng dr.vita at shantahl products.
Kung gusto mo rin subukan ang Dr. Vita Glutathione at Shantahl Rejuvenating Set o kung may tanong ka, mag-comment ka lang sa ibaba o kaya bisitahin ang aming product page.
5 comments
Ahaaaays. Ako din po. Grabi halos sinakop na po yung face ko. SObrang tagal ko ng tiniis ito, iba’t ibang klaseng gamot na ginawa ko pero wala pa rin. Nakakawala talaga ng confidence. Diko feel lumabas ng bahay with confident kasi nga lahat nga kakilala ko tinatanong bat nagkaganito mukha ko. Hahaay, di na ata eto mawala sakin. Sirang sira na ng balat ko sa face. 🥺😓
Pano Poe agad matanghal Ang pimples sa mukha sa leeg at dibdib.ano pong product?gamitin para mabilis matanggal Ang mga pimples
Pwde po ba ang product na to sa 16 years old? Grabe kc ang acne ng anak kong babae naawa na ko sa kanya…gusto ko sanang dalhin sa derma kaya lang hirap ngayon lumabas dahil sa pandemya..
How much po?
How much