Amazing AG - Product Review 2019

Posted by Glenn Mark Maglasang on

What is Amazing AG?

Ang Amazing AG Spray na gawa ng Zynergia Health & Wellness ay isang uri ng colloidal silver na ginagamit noong panahon pa ni Alexander the Great.

Ang colloidal silver ay kilalang ginagamit bilang isang germicide at tinaguriang pinakaunang antibiotic.

 

History ng Colloidal Silver

Ilan sa pinaggamitan noon ng silver ay pam-preserba ng alak at iba pang likido para hindi madaling mapanis. Isang dahilan kaya ang mga lalagyan ng pagkain noong unang panahon, lalagyan ng tubig at gamit pangkusina ay gawa sa silver.

Lalo na yung mayayaman dati, nilalagay nila ang mga pagkain nila sa mga sisidlang yari sa silver para hindi tubuan ng anumang uri ng bacteria.

Maging ang mga chinese emperors at myembro ng kanilang imperial court ay gumagamit ng silver na chopstick.

Ang mga taga West America noon ay gumagamit rin ng silver coins na hinahalo nila sa lalagyan ng gatas para mapanatiling presko. Noong World War 1, napapakinabangan rin ang silver bilang pangontra sa mga impeksyong tinamo ng mga sundalo.

Kaya dahil sa antibiotic properties ng silver, ginagamit na ang silver o colloidal silver sa mga ospital bilang bactericide sa loob ng 1,200 years.

Pero noon lang late 1800's nadiskobre uli ng western scientists ang kakayahan ng silver bilang pangontra sa germs at dinivelop hanggang sa maging isang uri ng medisina.

Pagdating ng 1900's, mas nagiging laganap pa ang paggamit ng silver bilang isang antibiotic substance.

At noong 1940, hinihinalang may apat na dosena ng iba't ibang silver compounds sa merkado para labanan ang anumang sakit na dulot ng iba't ibang klase ng infections.

Ang iba ay ginagawang tableta, ini-inject at sa pangunguna ng Zynergia Amazing AG, ang silver colloidal ay madaling mabibili, madadala at magagamit bilang isang spray.

Expert Opinions sa Paggamit ng Colloidal Silver

Dahil sa pagiging tanyag at mabisang anti-microbial, maraming leading scientists at medical researchers ang nagkaroon ng interes para pag-aralan ang colloidal silver.

Halos 50 mga prominenteng doktor sa buong mundo ang nakatakaw ng pansin sa paggamit ng silver para sa kalusugan ng tao.

Sabi ng mga eksperto, walang anumang microorganism ang sinubukan at hindi namatay noong na-expose sa colloidal silver sa loob lang ng anim na minuto.

Sinabi rin ng Science Digest, ang colloidal silver daw ay tinatawag na "wonder of modern medicine".

Ayon pa rin sa kanila, ang normal na antibiotic ay kayang pumatay ng anim o kalahating dosena ng iba't ibang microorganism na masama sa katawan, mas higit na epektibo ang colloidal silver na kayang pumatay ng 650 iba't ibang uri.

Hindi rin tulad ng antibiotics, walang tumutubong resistant strain ng anumang bacteria kapag ginamitan na ng colloidal silver. At para sa kapanatagan, ang colloidal silver ay 100% non-toxic.

Sabi ni Alfred Searle ng Monsanto Pharma, ang colloidal silver daw ay walang masamang epekto o side effects kapag sinasabay sa ibang treatment o panggagamot.

Sa isang laboratory test na ginawa ni Larry C. Ford, M.D. ng Department of Obstetrics and Gynecology, UCLA School of Medicine, Centre For The Health Sciences reported in November 1, 1988, ang colloidal silver daw ay mabisang anti-bacterial na kayang pumatay ng 105 organisms sa kada ml ng Streptococcus Pyogenes, Staphylococcus Aureus, Neisseria Gonorrhea, Gardnerella Vaginalis, Salmonella Typhi at iba pang enteric pathogens, fungicidal para sa Candida Albicans, Candida Globata at M. Furfur.

Sabi ni Dr. Robert Beckler, ang napakaraming microorganism na resistant sa typical na antibiotics na ginagamit ay walang panama kapag na-expose sa electrically generated silver ions.

Ang maganda pa, ang silver ay walang side effects kahit pa isinasabay sa anumang treatment o panggagamot.

Ilan ring researchers tulad ni Dr. Leonard Keene Hirschberg, ay naniniwala sa kakayahan ng colloidal silver.

Dahil hindi gaya ng antibiotics na target lang ang tumutubong bacteria, ang colloidal silver ay pinapatay ang enzymes na kailangan ng anaerobic bacteria, viruses, yeasts at fungus.

Sinabi pa niya, ang mga bacteria daw ay walang kakayahang maging resistant sa silver hindi tulad ng antibiotics. Dahil ang silver ay inaatake ang food source o pinanggagalingan ng bacteria at hindi lang ang bacteria mismo.

How To Use Amazing AG Silver Colloidal Spray

Ginagamit ang Amazing AG Silver Colloidal Spray gaya ng typical na spray na makikita natin sa market ngayon.

Halimbawa, hindi ka confident sa amoy ng hininga mo dahil hindi ka nakapag toothbrush. Pwede kang mag-spray ng tatlong beses sa bibig.

Kung nkalimutan mo naman mag deodorant at pawis na pawis ka na, pwede mo e-spray uli ng tatlong beses sa kilikili para walang magiging amoy.

Sa mga taong may pimples, bedsores, rashes at iba pang skin allergies and diseases, pwede mag spray ng 3 beses halimbawa sa mukha kung may pimples.

Gawin ito sa umaga pagkatapos maligo at bago matulog.

Health Benefits of Amazing AG Silver Colloidal Spray

1. Ang Amazing AG Colloidal Silver ay isang natural antibiotic.

 

  • Ang silver colloidal ay matagal ng ginagamit bilang pangpreserba ng mga pagkain nung panahon pa ng mga romano at griyego.
  • Ang liquid silver na'to ay kayang patayin ang lahat ng bacteria, fungi at viruses. Sa isinagawang pag-aaral noong 2011, ang colloidal silver nanoparticles ay may kakayahan para maging epektibong alternative sa antifungal treatment na may kinalaman sa pagkakaroon ng candida.
  • Isa ring pag-aaral ang ginawa ng mga taiwanese at nadiskobre nila na kayang patayin ng silver colloidal ang mga infections na dulot ng mga bacteria na resistant sa mga antibiotic o hindi kayang patayin ng antibiotic.
  • Sa katunayan, ang mga scientist noong 1980's ang nakadiskobre na kayang patayin ng silver colloidal o Amazing AG ang 650 uri ng pathogens kapag na-expose ang mga ito sa silver.

2. Ang Amazing AG ay panlaban sa inflammation.

  • Ugaliing gumamit lagi ng silver colloidal para maibsan ang sakit at pigilan ang pamamaga na dulot ng inflammation, mapabilis ang paghilom at paggaling.
  • Sa isang pag-aaral ng National Institute of Health, nadiskobre ng mga researchers na ang colloidal silver ay may kakayahang pagalingin ang inflammation sa loob lang ng 72 oras.

3. Ang Amazing AG ay mabisang panlaban sa mga eye infections.

 

  • Dahil sa taglay nitong antibacterial, anti-viral at anti-inflammatory properties, ang Amazing AG silver colloidal spray ay kayang pagaanin at pagalingin ang anumang eye infections gaya ng pink eye, conjunctivitis at sties.
  • Napakadali lang nitong gamitin. Pwede mo sya ihalo sa tubig at gawing eye wash o kaya e-spray lang sa bandang ibabaw kunti ng mata. Wag directly.

4. Ang Amazing AG ay nakakatulong sa mga Ear Infections.

 

  • Ang mga impeksyon sa tenga ay maaring dahil sa ilang uri ng bacteria o kaya fungi. At dahil ang colloidal silver ay mabisang panlaban sa mga bacteria at fungi, mainam rin ito gamitin para sa mga ganitong ear infections.
  • Gamit ang Amazing Ag Silver Colloidal Spray, mag-spray lang ng tatlong beses sa cotton buds at ipahid sa tenga.
  • Huwag deretsong e-spray ang Amazing AG para maiwasan ang magkaroon ng retention sa tenga.
  • Gawin ito isa o dalawang beses kada araw hanggang sa tuluyang mawala ang pananakit ng tenga at infections nito.

5. Ang Amazing AG ay pinapagaan ang paso, sugat at mga galos.

 

  • Ang colloidal silver ay kayang mag-stimulate ng balat para maghilom ang skin tissues para naman mapababa ang inflammation.
  • Sa isang ginawang article ng Pharmacognosy Communications, sinasabi sa research nila na ang colloidal silver ay dapat gawing pangunang lunas laban sa pagkakaroon ng paso sa balat.

6. Ang Amazing AG ay kayang paluwagin ang kondisyon ng balat.

  • Ang pagkakaroon ng psoriasis, pimples, acne, blackheads, white heads, cysts and reds at inflammed skin ay ilan sa mga ito.
  • Kahit alin man sa mga bacteria, fungi at virus ang pinagmulan ng mga ito, malaking tulong ang maibibigay ng Amazing AG silver colloidal spray para gamutin ang mga damaged tissues.

7. Ang Amazing AG ay kayang pagalingin ang mga sinus infections.

  • Ang sinusitis halimbawa ay ginagamitan ng pain relievers, steroid at antobiotics. Ang problema, merong mga side effect ang conventional medicines na'to.
  • Buti na lang may Amazing AG silver colloidal spray na matatawag nating isang natural remedy para dito.
  • Ang colloidal silver kasi ay epektibong ginagamit bilang nasal spray sabi sa isang pag-aaral noong 2014 na inilathala ng International Forum for Allergy and Rhinology.

8. Ang Amazing AG ay mabisang panlaban sa sipon at lagnat.

 

  • Dahil kilala ang colloidal silver na antimicrobial, kaya nitong paikliin at padaliin ang proseso ng pagkakaroon ng sipon at lagnat.
  • Madalas ang nirereseta ng mga doktor para sa sipon at lagnat ay mga decongestants na kung saan sinasabi ng Italian Drug Agency na maari itong makasama sa mga batang labindalawang taon pababa ang edad.
  • Dahil dun, nag-conduct sila ng research sa mga bata para patunayan ang kaibahan ng colloidal silver sa saline solution.
  • Sa nasabing pag-aaral, nalaman nila na 90% ng ginamitan ng colloidal silver ang gualing habang 66% lang sa mga gumamit ng saline solution ang gumaling.

9. Ang Amazing AG Silver Colloidal Spray ay mabisang panlaban sa pneumonia.

 

  • Sabi ni Dr. Axe, limitado ang kakayahan ng isang antibiotic para labanan ang bronchitis at pneumonia.
  • At naturally, kapag virus ang dahilan ng pneumonia- wala ng nagagawa ang antibiotic laban dito.
  • At dahil kaya ng Amazing AG colloidal silver spray ang pumatay ng bacteria, fungi at virus, mabisa rin ito sa pneumonia at bronchitis.
  • Ang colloidal silver ay pwedeng inumin, pwedeng ihalo sa nebulizer at pwedeng spray gaya ng Amazing AG.

10. Ang Amazing AG ay mainam na panlaban sa sore throat.

  • Ang pag-mumog ng colloidal silver ay mabisang panlaban sa sore throat. O kaya e-spray ng tatlong beses sa bibig kung Amazing AG ang gamit mo.

Related Article: Colloidal Silver vs Antibiotic: Alin ang mas epektibong gamitin?


O kung may tanong ka pa, comment ka lang sa ibaba para masagot kita agad.


Share this post



19 comments

  • sa sore throat at sa pneumonia, di naman ninyo idinitalye ang dosage at panu paraan, ito ba ay spray direct sa throat o kung pneumonia, dosage sa ilang ml ng tubig, linawin nyo naman.

    Ang Amazing AG ay mabisang panlaban sa sipon at lagnat.??? panu gawin…halo ba sa ilang ml ng tubig ang Amazing AG..

    Apollo Neil Rumbaoa Monroy on
  • Pwedi po ba yan sa vaginal yeast infection or vaginal problems..

    Rhoda on
  • paki email poko kung anong mga intraction para UTI ,sore throat dandruff eye wash at kung Ilan ml po ihalo sa tubig sana po masagot ninyo at maemail ako thanks God bless

    Josephine Ranon on
  • Ano po ang dosage kapag iinumin ang amazing silver? Ang nabili ko po ay 2 bottles at walang pang spray. Early lastyear [o nabili. Wlang naka indicate na expiration. Pwede pa po ba yon.

    Dan Carigma on
  • Pwede pb sa my diabetes ang amazing ag

    Marilyn calderon on

Leave a comment