8 Tips Kung Paano Tulungan Ang Taong May Depression

Posted by Glenn Mark Maglasang on

Sabi ni Elizabeth Wurtzel, " A human being can survive almost anything, as long as she sees the end in sight."

Pero iba ang pagkakaroon ng depression. Para kang nakakulong sa madilim na kwarto at wala kang nakikitang pinto palabas.

Mahirap harapin mag-isa ang depression kaya payo ng mga professionals na mahalaga ang suporta ng mga kaibigan at kakilala ng taong nakakaranas nito para maging gabay at makakatulong ibsan ang lungkot, pag-aalala at iba pang negatibong pakiramdam na dala ng depression.

Hindi natin masasabi pero baka may kakilala ka rin na nakakaranas ngayon ng depression at maari anumang oras ay kumontak sila para magkaroon ng emotional support at tulong mula sa'yo.

Sabi rin ng psychologist na si Selena C. Snow, PhD, ang mga taong nakakaranas ng depression daw ay may kakayahang makaunawa na hindi lang pala sila ang tahimik na nahihirapan sa sakit na yun kapag magkaroon sila ng suporta at pag-unawa mula sa mga taong naiintindihan rin ang kanilang nararamdaman.

Kaya napakalaking bagay ng encouragement para labanan ang sakit nila ng sabay dahil naiintindihan nila ang nararanasan ng bawat isa. Mula dun, sabay-sabay din nila itong haharapin at paunti-unting pagtagumpayan sa araw-araw.

At kung hindi mo pa nararanasan ang depression, maaring hindi mo rin maiintindihan kung paano sila tutulungan kaya dapat mong maintindihan ang ilang bagay para maipakita mo na importante sila sa'yo at nag-aalala ka para sa kanila. Kailangan nilang makita mula sa'yo na mahal mo sila at mahalaga sa'yo ang mga nararamdaman nila.

1. 'Wag mong balewalain ang nararamdaman nila.

One time nanood ako ng tv, isang kilalang comedian sa tv ang nag-joke tungkol sa depression. Ang punto niya ay ang depression daw ay kaartehan lang. Kinabukasan, inulan sya ng batikos hanggang humantong sa pagkakaroon niya ng public apology.

The truth is, isang seryosong kondisyon ang pagkakaroon ng depression. Kung ikaw may kakilala kang nakakaranas nito, wag mo rin silang  balewalain at tratuhin na parang normal o wala lang. Dahil kapag ganun, parang binalewala mo at wala kang pakialam sa nararamdaman nila.

Kailangan mong pahalagahan at ipakitang naiintindihan mo ang pinagdadaanan nila. Dahil kapag nakita nila na nag-aalala ka para sa kanila, isang malaking bagay ito para sa kanila at kahit papaano ay gagaan at maiibsan ang lungkot na kanilang  nararamdaman.

2. Di mo sila kailangan gamutin.

Dahil kung ganun lang sana kadali, sapat na ang isang consultation sa psychologist para gumaling yung nakakaranas ng depression. Pero ang totoo, maraming dahilan at sintomas ang depression kaya napaka-complicated nito.

Kaya imbis na subukan mo silang ipagamot, mas maigi na iparamdam mo sa kanila na andyan ka, nagmamahal, sumusuporta, umiintindi at nagpapasaya.

Kasi kahit malinis ang intensyon mo para  sa kanila, di naman gamot ang kailangan nila kundi isang professional psychologist at ikaw. Dahil mas kailangan nila ng suporta at pagmamahal, hindi gamot.

3. Hindi sa lahat ng panahon nakakatulong ang pagiging palaging positibo. 

Ang pagkakaroon ng suporta at positibong pananaw mula sa'yo ay napakahalagang bagay para sa isang taong malapit sa'yo na nakakaranas ng depression. Pero dapat dahan-dahan lang  at wag sumubra sa pagpapa-realize ng mga positibong bagay kasi maaring kabaliktaran ang maging resulta nito sa kanila dahil nga hindi nila kaya o mas nakatuon ang pag-iisip nila sa mga negatibong bagay. At maari itong magresulta sa pagkakaroon ng mas negatibong pananaw.

4. Pakinggan mo sila.

Tanungin mo at hayaan mo silang magsalita tungkol sa nararamdaman nila kahit na puro negatibo ang sasabihin nila. Dahil mahalaga sa kanila ang magkaroon ng tagapakinig, nagbibigay atensyon at pagpapahalaga.

Wag mo silang iwasan na porke hindi mo alam kung ano ang sasabihin mo. Minsan kahit ang presensya, pakikinig at buong atensyon mo lang ay sapat na para maramdaman nila na mahalaga sila.

5. Intindihin mo ang nararamdaman nila.

Karapatan natin lahat ang magkaroon ng pagpapahalaga at bigyang importansya ang saloobin ng bawat isa. Yung tipong kahit minsan hindi mo sila maintindihan, malaking tulong na ang nagagawa ng simpleng pag-unawa mula sa'yo.

Unawain mo ang nararamdaman nila at sitwasyong nasa'n sila ngayon para matulungan silang iwaksi ang mga bagay na magpapaliit ng tingin nila sa sarili o magbibigay sa kanila ng labis na kalungkutan.

6. Lagi ka magpakita ng suporta.

Ang isang taong nakakaranas ng depression ay maaring nahihirapan sa paghingi ng tulong mula sa iba kung sakaling nangangailangan siya nito. Kaya napakaimportante na lagi kang nandyan para ipakita ang iyong pagmamahal at suporta sa mga panahong kailangan nila ito.

Iparamdam mo sa kanila na mahalaga sila para sa'yo at kung sakali man na kailangan nila ng tulong ay andyan ka lagi anumang oras na kailangan nila. Kusa mong ipakita ang suporta at pagmamahal mo at siguradong ma-appreciate nila ito.

7. Imbitahan mo silang lumabas.

Kadalasan kapag nakakaranas ng depression ang isang tao ay lagi na lang itong nagkukulong at ayaw lumabas ng kwarto. Kaya subukan mo silang imbitahan para magkaroon ng ibang activities kasama ang iba pang kapamilya kesa magkulong lage sa kwarto.

Dahil kapag nasubukan nila lumabas at mag-enjoy sa ilang activities ay maaaring magdulot ito  sa kanila ng positibong bagay. 

Pumayag man sila o hindi sa imbitasyon mo ay malaking bagay na para sa kanila at maiisip nila na meron palang mga tao na nagpapahalaga sa kanila.

8. Maglaan ng panahon para sa sarili.

Kahit gaano mo kagusto tulungan ang isang taong may depression, kailangan mo rin sigurohin na na maaalagaan mo pa rin ang sarili mo. Maglaan ka rin ng panahon para sa sarili mo ng hindi ka rin maging depressed.

Kung feeling mo pagod ka o nanghihina, ito ang mga senyales na kailangan mo rin magpahinga at mag-enjoy mag-isa para sa sarili mo.

Dahil kapag naging depressed ka na rin dahil sa kagustuhan mong tumulong at umunawa sa kanila, mas magpapalala lang ito ng nararamdaman nila kasi nadamay ka pa.

Dapat lage kang masaya at positibo para maging lakas nila kung kailangan nila nito.

Hindi madali ang mag-alala sa taong nakakaranas ng depression. Kaya kailangan mo rin ng good time para sa sarili mo. Mag-enjoy ka. Lumabas ka, gawin ang mga hilig mo, mag-gym ka. Magkaroon ng oras sa ibang mga kaibigan.

Maaring makaramdam ka ng guilt sa sarili mo pero pag hinayaan mo naman ang sarili mo at magpadala ka rin sa kalungkutan, mas lalong hindi iyon makakatulong sa'yo at sa mahal mo sa buhay na nakakaranas ng depression.

Ang depression ay isang seryosong kondisyon na nakakaapekto sa marami. Pero  marami rin ang paraan na maari mong gawin para tugonan ito. Kung hindi ka man nakakaranas nito, siguro ang isang taong malapit sa'yo.

At para sa kanila, ang suporta at pagmamahal mo sa kanila sa mga panahong ito ay isang napakalaking bagay.

May kilala ka bang sa tingin mo ay may depression? Comment ka sa ibaba para matulungan natin sya.


← Older Post Newer Post →


114 comments

  • Hingi po sana aq ng payo tungkol sa anak qng my depression,pag po kc nakikita nyang nag aaway kmi ng aswa q sya po ang affected at sobrang galit nya na naninigas mga kamay at sumisigaw at umiiyak minsan po nagkulong sya sa bathroom at ayw nya lumabas.sobrang nag aalala n po aq s kalagayan nya.nagsimula po ang axiety nya nun nagkaroon ng third party po ang asawa q nun nasa ibang bansa po aq.aq rin po masasabi q na nakakaranas n aq ng depression pero ky lord nalng po aq kumakapit.sana po mabigyan nyo kmi ng payo.maraming salamat po🙏

    Leoncia B.Alejandro on
  • Meron po akoang kapatid na may depression. Subrang nasasaktan na po ako sa sitwasyon nya kasi po maykapansanan na nga siya, hindi pa normal ang pag-iisip niya. Walla po akoang magawa kundi intindihin siya at samahan at bantayan palagi. Peri umaabot talaga sa point na, sub rang hirap at naaawa na ako sa kanya. Gusto ko siya mapatingin sa psychiatrist pero wala po kaming pera, walla din pong trabaho dahil sa pag-aalaga ng kapatid ko. Nung una, ma dali soya umiyak say tuwing makakarinig or kumakanta soya ng religious song.. Ha bang tumatagal, lumala. Palaging tumatawa at nagsasalita sa mga masasamang karanasan niya dahil sa kapansanan niya at sa nasasaktang puso. Hindi ko ma talaga alam ang gagawin ko, dumating sa point name sinisi ko na angel dios sa sitwasyon niya. Pero alam ko din na ang panginoong diyos din ang makakatulong sa akin. Ipinagkakaloob ko ma sa panginoong diyos ang kapatid ko. Sana po maging okay at normal na ulit ang kapatid ko. Salaam at po

    Jiesha Jadol on
  • Sa pinakamamahal ko sa buhay na nakakaranas ngayon ng depression..sana po matulungan nyo po kami para sa murang psychotherapy at yon nerecommend ng psychiatrist nya,wala na sya gana mag-aral,kumain,minsan umiiyak,at yong pinakamatindi ginawa ay sinubukan na nya tapusin buhay nya..me resita sa kanya na iniinom nya para sa depression,1 week na sya ganyan,dasal lang ako ng dasal bilang magulang sobrang sakit..

    Weng on
  • meron po akong kasintahan na dinibdib nya po ang mga nagawa ko last year although sya po unang nakipag hiwalay and after nun ilang months ay may nag entertain sakin then nakipag usap lang maman po ako, then this october yr 2022 umiiyak na po sya mag isa pag gabi ayaw nya namn po sabihin kung may problema sya, then lagi nya pong parinig sakin is cheater daw po ako eh hindi naman po ako nag loko nung dipa sya nakipag hiwalay eh, hanggang itong november and December para pong lumala yung negative nya, minsan tumatawa sya mag isa then pag tinatanong ko sabi nya may ini imagine daw po sya sana daw nag ka totoo, tas pag nagagalit naman masakit na manalita puru mura and mostly pinapalayas nya ako, diko na po alam kung paano kopa po sya matulungan hanggang sa ako na din po yung nag karon ng stressed kasi gusto ko po sya tulungan.
    plss lang po sana mabigyan nyu po ako ng advice
    diko po kasi sya kayang iwan lalo na po ganyan sitwasyon nya,

    jhonloyd on
  • Nakakaranas po ngayon ng depression ang aking ama, nakakausap po namin siya ng maayos. Tumatawa po siya ng walang dahilan, tsaka po nagmumura po siya ,tsaka para po siyang galit tas may sinasabi po siya sa isang tao na hindi po kaaya-aya at tsaka umiiyak po siya hindi niya po sinasabi ang dahilan saamin ng kapatid ko nagalala na po kami, hindi namin alam ang gagawin, kaya kailangan ko po ng payo ninyo wala po kasi kaming pera para mag pa konsulta sa propesyonal tsaka wala din kaming kilala. Sana tulungan ninyo po kami, natatakot po kami sa anu mang pwedeng mangyari

    Yuh kie on

Leave a comment

Please note, comments must be approved before they are published.