dr. vita barley grass juice powder

Sakit sa Puso | Dahilan, Sintomas at Gamot

Posted by Glenn Maglasang on

Dati ang sakit sa puso ay tinatawag na sakit lang ng mayaman o kaya naman ay sakit ng mga matatanda. Ayon rin sa Department of Health, ang iba't ibang sakit sa puso o may kinalaman sa puso ay ang nangungunang sanhi ng kamatayan ng mga Pilipino.

Kung dati hindi nagkakaroon o nakararanas ng stroke ang isang taong nasa 20s at 30s ay iba na daw sa ngayon. Kahit pa may tamang diet at may kasamang active lifestyle ay maari pa rin daw magkaroon ng heart disease o kaya stroke.

Lalo na ang mga kabilang sa Generation X at mga millenials na nasa 20s at 30s at lumaki kasabay ng internet at social media na kung saan mas mababa na o wala na talagang oras para sa ilang traditional activities tulad ng basketball o volleyball at pinili na lang na e-exercise ang daliri kakalaro ng online games sa loob ng bahay.

Yun ay kahit pa mas alam na ng mga kabataan ngayon at matatanda ang mga bagay na yun dahil na rin sa tulong ng sensya, patuloy pa ring tumataas ang mga kaso ng heart disease at stroke.

Ayon kay Cheche Lazaro, president of Probe Media Foundation Inc. (PMFI), mas madali daw magkaroon ng unhealthy lifestyle kesa sa healty lifestyle kung saan marami ka pang bagay na dapat isaalang-alang bago gawin.

Ayon rin kay Dr. Ranulfo Javelosa Jr. na division chief ng Preventive Cardiology sa Phil. Heart Center, cardivascular diseases(CVDs) ay ang kinikilala na "worlds biggest killer".

Dahil kahit pala ang simpleng stress na alam natin ay maari pala maging dahilan ng sakit sa puso.

Sa isang panayam kay Dr. Erlyn Demerre ng Philippine Heart Association(PHA) sa programang "Good Vibes" sa DZMM, ang stress daw ang kadalasang sanhi ng pagkakaroon ng sakit sa puso.

Aniya, nagkakaroon ng pagbabago o reaksyon ang hormones ng isang tao tuwing nakakaranas ito ng stress.

Isang halimbawa umano ng reaction ng hormone ng isang tao ay ang pagbara sa daluyan ng dugo at pagtigil sa sirkulasyon ng oxygen sa katawan ng tao. Kaya nakakaranas ito ng biglaang atake sa puso o stroke.

Ayon pa kay Dr. Demerre, ang stress ay maaring makakapagpataas ng blood pressure, nakakatigas ng ugat at nakakapagpataas ng cholesterol. Lahat ng ito ay maaring maging dahilan ng pagkakaroon ng sakit sa puso.

Maaring nakakaranas tayo ng stress araw-araw sa work pero pagkatapos nawawala rin naman. Pero aniya, nakakasama ang stress kapag ito ay "prolonged" na o matagal mo ng nararanasan.

Kaya di nakakapagtaka na one-third o 31% ng kamatayan sa buong mundo ay may kinalaman o dahil sa pagkakaroon ng cardiovascular diseases.

Ibinahagi rin ni Dr. Demerre ang ilang patnubay ng PHA para maging malusog at malayo sa sakit tulad ng pagkain ng limang serving ng prutas at gulay araw-araw.

dr. vita barley grass juice powder

Share this post

← Older Post

Leave a comment

Please note, comments must be approved before they are published.