8 Senyales Na Overstressed Ka Na Pero Di Mo Pa Rin Namamalayan

Posted by Glenn Mark Maglasang on

Sabi ng WHO, ang stress daw ay isa sa mga main factor kung bakit nagkakasakit ang isang tao. Kaya pagtuunan naman natin ng pansin kung paano mo ba malalaman na stressed ka na pala.

1. Hair Loss.

Kapag nakakaranas ka ng hair loss lalo na tuwing naliligo ka o habang nagsusuklay, it's time to evaluate your current situation. 

2. Biglang Pag-iba ng Timbang.

Ang stress ay maaring maging rason sa pagbaba ng timbang dahil sa kawalan ng ganang kumain. Pero maari rin sa pagbigat ng timbang kung saan naman dahil sa pagbagal ng metabolismo ng katawan.

3. Pagiging Balisa.

Kapag  lage pakiramdam mo hindi ka komportable, balisa at di kumalma, yan ay mga sintomas na overstressed ka na. Kapag hindi naagapan, maari itong lumala.

4. Kawalan ng Gana Makipag-Sex.

Ang stressed ay pwede rin magresulta sa kawalan ng ganang makipagtalik dahil pinapababa nito ang level ng oxytocin o love hormone sa ating katawan.

5. Hirap sa Pagtulog.

Isa ring senyales sa pagiging stressed ay ang pagkakaroon ng insomnia o laging hirap sa pagtulog. Kaya kung ano man ang dahilan ng pagkakaroon mo ng stress, dapat bigyan mo na ng sapat na panahon para ayusin at solusyonan.

6. Pabago-bagong Mood o Ugali.

Biglang nagbabago ang mood kapag stressed ka dahil nakakaapekto rin ito sa level ng iyong hormones.

7. Body Pains o Pananakit ng Katawan.

Ang stress ay maari ring maging dahilan sa mga iregularidad sa katawan mo at maaring magresulta sa palpitation, tense muscles, diarrhea, ulcer, stomach problems at chest pain o pananakit ng dibdib.

8. Laging Iniisip ang Trabaho.

Kadalasan sa stress ay nag-uugat sa trabaho. Kaya kapag lagi mo iniisip ang trabaho, mga bagay na dapat at obligasyong kailangan mo pang gawin, magiging stressed ka lang lalo. Kailangan mo rin mag-relax at mag-enjoy kasama ang pamilya.

After all, ginagawa mo naman ang mga bagay-bagay para sa kanila. So why not make the most of your time with your family. It's all worth it.

Yan ay ilan lang sa mga halimbawa at palatandaan kung paano malalaman na stressed ka na pala.

Evaluate yourself. Kapag naranasan mo ang ilan d'yan, subukan mo naman magdahan-dahan.

After-all, your well-being is of utmost importance. 

Kapag may tanong ka, comment ka lang sa ibaba at pipilitin kong masagot kita agad.

 


← Older Post Newer Post →


8 comments

  • Anopo bayun bakit minsan nahihirapan akong matulog,for examples matutulog ako 8 kahit antok nako di ako makatulog nakakatulog nako mga 10 minsan 9 naiinis nako dahil.di ako.makatulog anopo bang tawag diyan?
    Yung para bang may bumabagabag saaking isipan.

    Thankyou

    Josephine Floro on
  • Anopo bayun bakit minsan nahihirapan akong matulog,for examples matutulog ako 8 kahit antok nako di ako makatulog nakakatulog nako mga 10 minsan 9 naiinis nako dahil.di ako.makatulog anopo bang tawag diyan?
    Yung para bang may bumabagabag saaking isipan.

    Thankyou

    Josephine Floro on
  • Ano po ba ang pwede kong gawin alam ko po stress itong mga nararamdaman ko,hirap po akong makatulog,sobrang bigat ng ulo ko tapos hirap po akong huminga parang may bara sa lalamunan ko,kaya natatakot na po ako,baka matulongan nyo po ako🙏😭😭😭

    Eden Joy on
  • Hi, pwede din ba side effect ng pagiging stress ay nadedelay ang regla?

    Allysa on
  • Mabilis ang tibok ng dibdib ko naglalagas ang buhok.sumasakit plagi ung ulo ko nwalan po kasi ako ng work dahil s pandemic.palagi ko nag iisip

    Emelyn cara on

Leave a comment

Please note, comments must be approved before they are published.